BAGO PA maunawaan ni Nate kung ano ang nangyayari ay tumayo na siya mula sa pagkakaupo at ikinulong si Lila sa mga bisig niya. She was screaming her lungs out, every part of her body was shaking. Damang-dama ng kahit na sinong makakarinig ng sigaw nito ang paghihirap at takot nanadarama nito. "Sshh... Lila, everything's going to be okay. I'm here, I won't let anything bad happen to you," banayad niyang wika habang hinahagod ang buhok nito. Tumigil na ito sa pagsigaw but she was now crying, sobbing uncontrolably. "Mama... Papa... Mama... Papa..." paulit-ulit nito 'yong sinasabi habang walang tigil sa pag-iyak. Parang may kung anong pumipiga sa puso niya habang nakikita ang dalaga na ganito. Crying like a child, shaking like some wounded animal. Hindi niya alam kung bakit bigla na la

