WALA SA loob na tinitikman ni Lila ang mga pagkain na nasa harapan. Kasa-kasama niya ang ina at nando'n sila sa restaurant na siyang mag-ce-cater sa kasal nila ni Lucas. Limang araw na lang at ikakasal na siya, so she and her mother had been busier than usual. Like any normal bride-to-be, she's filled with fears. Pero hindi dahil sa kaparehong dahilan. Natatakot siya dahil alam niya sa simula pa lang na walang magandang kalalabasan ang pagpapakasal niya kay Lucas. How could there be, gayong pareho lang silang napipilitan ng binata? But what's done is done. All she and Lucas could do were to clench their teeth and get on with it. "What do you think of the menu, Lila?" tanong ng ina sa kanya. Pinilit niyang ngumiti. "Yes, Ma, we should finalize the menu." Kinausap nila ang chef at nang

