"LILA, AYOS ka lang ba?" tanong ni Lucas kay Lila. Inalis ni Lila ang tingin sa labas ng bintana ng passenger's seat at ibinaling ang tingin sa fiance. Kasalukuyan silang patungo ngayon sa isang hotel kung saan gaganapin ang company anniversary ng architectural firm na pagmamay-ari ng stepfather ni Lucas. She really wanted to say 'no' nang imbitahan siya nito pero naisip din niya na pagkatapos nilang makasal ay tiyak na madami pang gano'ng klaseng party ang kailangan nilang daluhan kaya dapat ngayon pa lang ay masanay na siya. "Ayos lang ako," sagot na lang niya dito. "If you're not feeling well, just tell me. Hindi naman tayo required na um-attend sa party ni Tito Jim," wika nito na ang tinutukoy ay ang stepfather. "No, really, I'm fine." Hindi naman kasi masama ang pakiramdam n

