HINDI ALAM ni Lila kung ano ang pumasok sa utak niya at tinawagan niya si Nate. Sa sobrang pag-pa-panic niya ay ang sinabi nito sa kanya kagabi ang agad niyang naalala. Na ang kailangan lang niyang gawin ay tawagan ito and he would come running. Kaya naman nandito sila ngayon sa isang cafe. Doon siya nito pinadiretso matapos niya itong tawagan. Pagdating niya doon ay nandoon na ito at naghihintay sa kanya. Nalaman niya na malapit lang pala ang condo nito sa nasabing cafe. Ibinaba ni Nate ang in-order na latte at chocolate mousse cake sa harapan niya. Simpleng kape lamang ang in-order nito para sa sarili nito. "Eat. The mousse cake here is one of the best I've tasted." "Salamat," nawika na lang niya. Sumubo siya ng cake and it was really good. Somehow, it lighten up her mood. "Good, h

