"ANONG ginagawa niyo dito?" tanong ni Nate sa bagong dating na babae. "Nataniel, baka nakakalimutan mo kung kaninong bahay 'to?" Bahagyang nagulat si Lila nang marinig ang matatas nitong pagta-Tagalog. Sa pagkakatanda niya kasi base sa sinabi ni Toby sa kanya nang malaman nito na anak si Nate nung sikat na pianista, isang purong Amerikano ang ina ni Nate. But there was not even a hint of accent in her voice. Naisip na lamang niya na marahil ay dahil 'yon sa matagal nitong paninirahan sa Pilipinas. "Ang ibig kong sabihin, you don't usually go here during this time of the year," wika ni Nate. "Your father has a charity event at one of the resorts near the lake. Kagagaling ko lang do'n actually. Nagpaiwan sila do'n ni Tillie para kausapin yung may-ari. Nag-decide akong bumalik muna d

