LEVI MONDIGO Naging abala ako sa trabaho ko dito sa Manila, pagkatapos ng nangyaring aberya sa shipment namin noong nakaraan ay naging mas maingat na ako. Hanggang ngayon ay inaalam pa namin kung sino ang traydor sa grupo ko. Nandito ako ngayon sa opisina ko, dito sa L. M. BUILDING sa dami ng napabayaan kong trabaho ay natambakan ako. Narinig kong bumukas ang pinto ng opisina ko at pumasok ang aking secretary. "Sir, may babae po sa labas na gusto ka pong makausap." magalang niyang sabi. "Okay, let her in." sabi ko. Hindi pa nakaka labas ang secretary ko ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Celine. "Sweety, Im back!" maarte nitong sabi. Nagulat ako ng makita ko siya, hindi ko alam na uuwi siya galing France. "What are you doing here?" bigla kong naitanong. "I

