LEVI MONDIGO Tanghali na nang magising ako sa loob ng warehouse. Masakit pa ang katawan ko, at ramdam ko pa rin ang pagod mula sa magdamag na operasyon. Kahit nakapikit ako, parang naririnig ko pa rin ang ingay ng kagabi sigawan, takbuhan, tensyon. Umupo ako at hinagod ang mukha ko bago kinuha ang cellphone ko na nakapatong sa kama. Agad kong tinawagan si Vince. Ilang ring lang at sumagot siya. “Boss,” bungad niya. “Natapos na ba nila Migz ang pinapatrabaho ko sa kanila?” diretso kong tanong, malamig ang boses. “Ano na ang nangyari kay General Vargas?” Sandaling natahimik si Vince sa kabilang linya, parang nag aalangan pa siyang sumagot. “Boss… may tao na pong nakasunod kay General Vargas. Mamayang gabi pa daw po nila itutumba, kapag nakakuha na sila ng tyempo. " Sabi sa akin ni Vi

