LEVI MONDIGO Agad kong tinawagan si General, hindi pwedeng mabulilyaso ang operasyon namin ngayon. Ilang ring pa lang ay sinagot niya na agad. “Levi,” malamig na boses niya sa kabilang linya. “Anong meron?” “May problema sa convoy,” diretso kong sabi, walang paligoy-ligoy. “May checkpoint sa unahan General. Akala ko ba naayos muna ito. Iniinspeksyon nila isa-isa ang mga truck.” halata sa boses ko ang galit. “Bakit ngayon lang lumabas ‘yan?” tanong niya, mas mababa na ang boses, halatang iritado. “Hindi ko alam,” sagot ko, habang nakatingin kay Vince na abalang-abala sa pagtanggap ng updates. “General, ang laki ng binabayad ko sa'yo para proteksyunan ang grupo ko; mukhang hindi mo muna nagagawa ang trabaho mo,” sabi ko sa kanya. "I want you to call your men to stop checking our conta

