LEVI/LEX MONDIGO Naramdaman kong nakatayo si Mayenn sa likod ko habang nakikipag-usap ako sa tauhan ko sa Manila. Muklang narinig niya ang napag usapan namin at nakita ko sa mukha niya ang biglang pagbabago nito. Habang kumakain kaming dalawa ay tahimik lang siya, nilagyan ko ng pagkain ang plato niya at simpleng 'thank you' lang ang narinig kong sinabi niya. Pinakikiramdaman ko siya, parang ang lalim ng iniisip niya. Hindi ko alam kung ano pero parang nakakakita ako ng takot sa mga mata niya. "Mayenn, do you have a problem? Tell me, baka kaya kitang tulungan." tanong ko. "Wala to, baka pagod lang ako, huwag mo na lang akong pansinin." Mahina ang boses na sabi niya sa akin. Alam kong nag sisinungalin siya, alam kong may ibang sahilan kung bakit biglang nagbago ang mood niya. Ayaw ko

