LEVY/LEX MONDIGO Matapos ang engkwentro namin sa grupo nila Javier ay agad kong tinawagan ang kapatid ko. "Kuya! May mga armadong lalaki na humarang sa amin." "Ghianna, nasaktan ka ba, si Ayesha nasaktan ba?" nag aalalang tanong ko sa kanila. "Okay lang po kami kuya, alam mo naman na handa kami ni Ayesha sa ganitong sitwasyon. Sayang lang ang mga natutunan namin sa academy kung dito lang matatalo na kami." Mayabang na sagot ng kapatid. Simula nang mapatay ang mga magulang ko at ako ang pumalit sa grupong itinatag ng daddy na kabilang sa isang grupo ng mga Mafia, pinadala ko na sa New York ang kapatid at pinsan ko para doon mag-aral. Ginugol nila ang kanilang kabataan para magpakadalubhasa sa paggamit ng baril at martial arts. Hindi ako papayag na muling may mawala sa pamilya ko. Si

