MAYENN BLAIRE DE VERA Nakatanaw ako ngayon sa bahay nila Gianna, ilang araw ko na kasing hindi nakikita si Lex. Ang sabi ni Gianna ay bumalik na raw ng Manila dahil nagkakaproblema ang negosyo nito. Hindi pa rin naman mawala sa isip ko yung narinig kong usapan ni Lex at ng tauhan niya sa telepono. Tama kaya ang iniisip ko na tauhan siya ni Daddy, baka isa sya sa mga naghahanap sa akin para ibalik kay Mr. Mondigo. Kung sya ngayon, kailangan kong makaalis dito. Kailangan kong mag ingat, hindi ako pwedeng mahanap nila Daddy; ayaw kong makapangasawa ng matanda. Buo na ang desisyon ko, magpapaalam ako mamaya kay Nanay Sonya. Inayos ko na ang mga gamit ko para pagdating ni nanay Sonya ay makakapagpaalam na ako. Habang nandito ako sa silid ko ay ang bigat ng pakramdam ko, naaawa ako sa matand

