MAYENN BLAIRE DE VERA Tinignan ko pa habang papalayo ang sasakyan, hindi ako sigurado kung si Lex nga talaga ang nakita ko… Nakaramdam ako ng lungkot, parang bigla ko na lang siya namiss. Siguro kung nandito siya hindi niya ako pababayaan, ang tanga mo naman kasi Mayenn lagi kang tamang hinala. Tignan mo tuloy nangyari sa buhay mo, daig mo pa palaboy walang bahay na matuluyan. Napabuntong hininga na lang ako, naglakad na ako papunta sa hotel; gumagabi na at ayaw kong maabutan ng dilim dito sa daan. Hindi ko mapigilan ang malungkot sa nangyayari sa buhay ko. Kung ba nagpakasal ako at sinunod ko ang magulang ko, ano kaya ang buhay ko ngayon? Paubos na ang personal savings ko, kailangan ko ng makahanap bukas ng matitirhan para makapag simula na rin akong maghanap ng trabaho. Hindi ako pwe

