MAYENN BLAIRE DE VERA “Ma’am dito na po yung address na nasa papel, siguro po pagtanon na lang po ninyo kung saan banda yung exact address na yan.” Sabi sa akin ni Kuyang Driver. Nakahinga ako ng maluwag ng sinabi niya na pwede na akong bumaba. “Ma’am hihintayin ko pa po ba kayo? Baka kasi kailangan pa ninyo ang serbisyo ko, dito lang po ako. Balikan na lang po ninyo ako kapag okay na po kayo.” Saad sa akin ng driver na ikinatuwa ko naman. “Sige po kuya, balikan po kita mamaya kapag nakausap ko na ang may ari ng apartment.” Sabi ko sa kanya. Naglakad na ako at binaybay ang daan kung saan naroon ng bahay na sinasabi ni kuya Guard. May nakita akong isang ale kaya huinto ako at nagtanong. “Ate, alam pa ba ninyo kung saan po yung apartment na pinapaupahan.” Tanong ko. Ibinigay ko sa ka

