MAYENN BLAIRE DE VERA 'Jusko po… baka nga may matirahan nga ako, pero mamamatay naman ako sa takot dito.' sabi ko kay kuya Ben. Huminto ako sandali sa may pintuan habang si Kuya Ben at Mang Lando ay tuloy-tuloy lang sa paglilibot ng buong bahay. Parang antigo na ang bahay na ito, yung mga sinaunang bahay pa ng mga mayayaman. Lumang kahoy ang sahig at bawat hakbang nila ay may kasamang mahinang langitngit. Parang may sumasabay na mahihinang tunog sa likod namin. “Mayenn, halika na. Wala namang kakain sa’yo dito,” biro ni Kuya Ben habang sinusubukang buksan ang bintana na halos ayaw nang gumalaw. “Kuya, hindi mo kasi naririnig yung tunog,” mahinang sabi ko habang dahan-dahang pumapasok. “Parang may… ewan ko, parang may mga matang nakatingin sa amin. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang

