Chapter 10

1579 Words
Toneth Kasalukuyan na siyang nakabalik sa dorm ng University dahil may pasok na siya kinabukasan. Sabay na sila ni Cristine umuwi ng dorm. Ayaw pa sana silang payagan ng magkaibigang Daniel at Dave pero sa huli sila pa din ni Cristine ang nasunod. Sa pinapakita at pinararamdam ni Dave parang umaakto siya bf niya pero alam naman niya sa sarili niya na hindi naman. Hindi pa naman siya ganun kalawak ang imagination niya at mag assume na may gusto ito sa kanya dahil wala naman itong sinasabi at mahirap na baka sa huli siya din ang kawawa. Kaya naman talagang nakakalito ang pinakikita at pinararamdama ni Dave sa kanya. Tulad nalang kanina talagang join force pa sila ni Daniel para pigilan kaming bumalik ni Cristine sa dorm. Si Daniel naiintindihan niya dahil may relasyon ang dalawa at gusto pang makasama ni Mr. Valdez ang kanyang kaibigan, pero ang kanyang amo kahit anung isip niya ay wala siyang mahanap na dahilan kung bakit ito nagkakaganun. “Morning beshy!” Masayang bati sa kanya ni Cristine ng nagkita sila sa lobby ng dorm. “Morning.” Matamlay na sagot niya dito. “Bakit parang matamlay ka may sakit ka ba?” Nagaalalang tanung sa kanya ni Cristine sabay lagay ng palad nito sa noo niya. “Mainit ka Toneth! Huwag ka ng pumasok magpahinga ka na lang at ako na lang magsasabi sa professor natin na masama pakiramdam mo kaya ka absent.” Sabi ni Cristine sa kanya. Paggising niya pa lang mabigat na ang pakiramdam niya at nasakit ang ulo niya. May konting sipon din siya at nainuman na niya ito ng gamot. Hindi niya alam kung bakit siya biglang nagkasinat, sabagay kahapon pa lang medyo sinisipon na siya at medyo gabi na din sila nakauwi baka nalamigan siya kaya nagkasinat siya ngayon. “Ok lang ako beshy at nainuman ko naman na ng gamot ito. Kailangan kong pumasok at major natin ngayon ang subject. Kaya ok lang ako huwag kang magalala.”Nakangiti pero matamlay na sagot niya kay Cristine. “Hay naku ikaw ang bahala.” Kibit balikat na sagot sa kanya ni Cristine. Kaya naman kahit medyo mabigat ang kanyang pakiramdam ay pumasok pa din siya sa kanyang klase. Tulad ng kanyang inaasahan lalong sumama ang pakiramdam kaya naman ng bigla siyang tawagin ng kanilang professor ay ganun nalang ang kanyang pagkabigla. “What is Theories of Personality, Ms. Laureno?” Tanung sa kanya ng kanyang professor na hindi niya napaghandaan. Kung kailan hindi siya nakapagadvance reading tiyaka naman siya natawag sa biglaan. “The theories of personality is....hmmm”. Kinakabahan na siya dahil hindi niya alam talaga ang sagot, idagdag pa na masama ang pakiramdam niya at lahat ng mga classmate niya ay nakatingin sa kanya. “Mam ako na lang po.” Magalang na sa pagatawag ni Cristine sa kanilang professor habang nakataas ang kamay. “Ok Ms. Soriano please help Ms. Laureno at parang inaantok pa.” Seryosong sagot ng kanilang professor at nakarinig siya ng tawanan ng kanyang mga classmate. Tumayo na si Cristine para sagutin ang tanung. “Ok thank you Ms. Soriano for answering my question.” Sabi ng kanyang professor. Kaya naman napatingin siya sa kaibigan at mahina siyang nagpasalamat, nginitian siya nito bilang sagot. Kaya naman pagkatapos ng subject na iyon ay pinilit niyang magfocus sa natitira nilang 4 na subject ngayong araw. Pakiramdam niya ay ang bigat ng ulo niya sa sakit at parang may mainit na sumisingaw sa kanyang mga mata. Hindi niya alam pero nasurvive niya ang maghapong klase niya kahit masama ang kanyang nararamdaman, buti na lang talaga at tanghali pa ang klase niya kinabukasan kaya kahit papaano ay makakapagpahinga siya. “Uminom ka muna ng gamot Toneth, ang init mo lalo ngayon, sabi ko kasi sa iyo ay magpahinga ka na lang matigas ang ulo mo.” Nagaalalang sabi sa kanya ni Cristine. Kasalukuyan silang nasa canteen para magmiryenda. Pinilit kasi siya ni Cristine na sumubo man lang para makainum siya ng gamot. Hindi kasi siya gaano nakakain ng ayos kaninang lunch dahil masama talaga ang naramdaman niya. Kaya nga ba ayaw niyang nagkakasakit. Bihira lang siyang dapuan ng sakit pero matindi naman. Hindi niya napigilang hindi maluha dahil bigla niya namiss ang kanyang Ina. Dahil kung nasa tabi lang niya ito ay aalaagaan siya nito. Ito din ang mahirap sa kanya kapag may sakit siya parang siyang alagaing bata talaga. Siguro dala na din na nagiisa siyang babae lang siya anak ng kanyang magulang at the same time ay bunso pa. “Anu ba ang nararamdaman mo Toneth? Nagaalala naman ako sa iyo niyan, bakit ka umiiyak? ano ang masakit?” Nagaalalalang tanung sa kanya ni Cristine habang nakatingin ito sa kanya. Ayaw niyang pati ito ay magaalala sa kanya. Kaya naman inaayos niya ang kanyang sarili at ininum ang gamot na binigay sa kanya ng kaibigan. “Beshy ok lang ako, bigla ko lang namiss ang inay. Nakainum na ako ng gamot kaya magiging ok na ako.” Sagot niya habang binigyan niya ito ng matamlay na ngiti. “Nakukuha mo pa talaga ngumiti diyan, nagaalala nga ako sa iyo kanina pa?” Sagot ni Cristine sa kanyan habang nakasimangot. Kaya naman napangiti siya dito. “Beshy thank you ha! Talagang isa kang tunay na kaibigan.” Sabi niya dito. At nakatanggap lang siya dito ng isang irap. Niyaya na niya ang kaibigan para sabay na silang bumalik sa dorm bigla naman tumunog ang mobile phone ni Cristine at kahit hindi sabihin ng kaibigan ay alam na niya kung sino ang kausap nito ng sagutin ng huli ang tawag. Kung pagbabasehan sa sagot ng kaibigan ay susunduin siya ni Mr. Valdez at doon magstay sa kanyang nobyo pero umaayaw si Cristine at narinig niya siya ang rason kaya ayaw sumama ni Cristine kay Mr. Valdez dahil hindi siya maiwan nito sa kanyang sitwasyon. “Ok lang ako beshy kaya ko naman. Sige na sumama ka na kay Mr. Valdez. Sir paki sundo na lang po si Cristine sasama po siya sa inyo.” Malakas na sabi niya para marinig siya ng nobyo ng kaibigan. Nakita niya ang pagsimangot sa kanya ni Cristine at tinawanan niya lang ito. Sa lobby na ng dorm susunduin si Cristine kaya naman nagpaalam na siya sa kaibigan na didiretso na siya sa kanyang kuwarto para makapagpahinga. Gusto pa nga sana siya ihatid ni Cristine sa kanyang kuwarto pero tumanggi siya dito at sinabing antayin na lang si Mr. Valdez dahil anu mang oras ay parating na ito. Pagpasok niya sa loob ng kanyang kuwarto ay mabilis siyang nagpalit ng damit at nagaayos para mahiga na sa kama. Medyo busog pa naman siya sa kinain niya kanina sa canteen kaya hindi na siya maghahapunan at nakapagdesisyon siyang matutulog na lang. Talagang masama ang pakiramdam niya at nanakit ang kanyang mga kasu-kasuan. Kaya ng hihiga na sana siya ay napatingin siya sa pintuan dahil may kumakatok. Napaisip siya kung sino ang possibleng nakatok ng ganitong oras. Dahil night class si Liza ang kashare niya sa room kaya alam niyang nakapasok na ito bago pa man siya makauwi sa dorm. Kaya kahit gusto na sana niyang mahiga at matulog ay pumunta siya pintuan para alamin kung sino ang nakatok. Kaya naman nagulat siya ng mapagsino ang nasa likod ng pintuan. “D-ave! Bakit ka andito?” Nagtatakang tanung niya dito. Pero instead na sagutin ang tanung niya binuksan ng malaki ang pintuan at walang babalang niyakap siya nito. Ramdam niya ang lakas ng t***k ng puso nito ng yakapin siya nito. “I’m worried, your friend told me that you’re not feeling well, I was about to fetch you also pero si Cristine lang ang nakita ko sa lobby. I keep on calling you pero hindi ka sumasagot sa tawag ko. My guts telling me na sunduin na kita kanina pa pero may tinapos lang kaming meeting. How do you feel huh?” Sabi niya sa akin habang hindi pa din siya ito kumakalas sa pagyakap sa kanya. Hindi niya alam kung paano niya sisimulan sumagot pero bigla niyang naalala na bukas pa pala ang pintuan ng kanyang kuwarto. Kaya naman agad siyang kumalas sa pagkakayakap ng huli at sinarado agad ang pinto. Ayaw niyang maissue sa University lalo at alam ng lahat na si Dave ang magmamay-ari kung saan siya nagaaral. Bumuntong hininga muna siya bago siya ulit nagtanung sa binata. “Anu nga pala ang ginawa mo dito? Mamaya may makakita sa iyo na pumunta ka dito sa dorm magkaroon ka pa ng issue.” Tanung niya dito. Wala siya sa kundisyon para sungitan ang binata dahil ang gusto talaga niyang gawin ngayon ay ang magpahinga. “The hell I care! all I care right now is you. I will take care of you.” Sagot nito sa kanya na kinanuot ng noo niya. Siguro this is the right time para maging malinaw na ang lahat. Ayaw din naman niyang magassume, kaya naman kukunin na niya ang pagkakataon na tanungin sa kanya ang tanung na ilang araw ng hindi nagpapatulog at nagpapagulo sa kanyang kaisipan. “Alam mo nagugulahan na talaga ako sa mga kinikilos mo, bakit mo ito ginawa? bakit kailangan mong magalala at alagaan ako? bakit para saan ba ang lahat ng ito?” Tanung niya dito “Isn’t obvious? I like you Antoneth. I really do. No one can have you. You belong to me.” Sagot nito sa kanya na lalo niya kinagulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD