Chapter 11

1553 Words
Toneth Hindi niya alam kung paano magrereact o sasagutin ang inamin sa kanya ni Dave. Alam niyang ito ang gusto niya, ang alamin ang totoo para once and for all, malaman niya anu ba talaga ang nararamdaman sa kanya ng binata. Aaminin niya na unti unti na siyang nahuhulog dito pero pinipigilan niya lang dahil ayaw niyang mag assume at sa bandang huli ay iwan siya nito at bigla itong magbago sa kanya. Ngayon na nagkaroon ng kasagutan ang matagal ng palaisipan sa kanya, bakit hindi niya alam kung anu ang magiging sagot o sasabihin niya. “Are you alright? You have a fever, you better to rest or do you want me to bring you in the hospital” Tanung sa kanya ni Dave na nagpabalik sa kanyang kamalayan. Hindi niya namalayan na naiupo na siya nito sa kama at kasalukuyang itong nakaupo sa kanyang gilid habang hawak ang kanang kamay niya. “Teka anu sabi mo?” Tanung niya dito. Gusto niya ulit marinig ang sagot nito sa tanung niya kanina. “I said if you want, I will bring you to the hospital, to check and run some test.” Sagot nito sa kanya. “Hindi iyon. Yung unang sinabi mo kanina.” Sagot niya dito. Nakita niya ang pagkunot ng binata na tila iniisip kung anu ang sinabi nito sa kanya kanina. Kaya naman napabuntong hininga na lang siya at napayuko. Sinabi niya sa sarili na lang niya na siguro na nabigla lang ito at napressure dahil sa biglaang tanung niya sa binata. Tiningnan niya ulit ito at simpleng nginitian. “Kalimutan mo na yung sinabi ko. Huwa-.” Naputol ang kanyang balak sabihin ng biglang nagsalita ang binata. “I really like you Antoneth. I really do. I know you are confused this past few days because of my actions but believe me, I like you and no one else can have you but for me.” Sabi sa kanya ni Dave na nagpatahimik sa kanya at tiningnan niya ito sa mga mata. Halos hindi nakurap ang binata at titig na titig ito sa kanya. “Bakit?” Tanung niya sa binata. “Bakit mo ako gusto? Maraming mas babagay sa iyo, Hindi nalalayo sa edad at estado mo sa buhay bakit ako?” Diretsang tanung niya dito. Umangat ang kamay ni Dave upang haplusin ang kanyang pisngi at binigyan siya nito ng isang ngiti na kahit sinong babae at bibigay dahil lalong lumalabas ang kaguwapuhan nito. “To be honest, I don’t know either. All I know when I woke up one day, all I want is to be part of your life. I’m jealous if some boys got your attention. I’ve become possessive when it comes to you. Please give me chance to prove it.” Sagot nito sa kanya. Sa mga narinig niya dito pakiramdam niya lalo siyang nilagnat. Buti na lang talaga nilalagnat siya ngayon kaya kung mapansin ni Dave na namumula siya ay puwede niyang idahilan dahil lamang sa lagnat niya. “Can you be my girl?” Tanung nito sa kanya. Biglang nanlaki ang kanyang mga mata. Ang bilis naman nitong si Boss Amo. Ibubuka pa lang sana niya ang bibig niya para sumagot ng bigla ulit itong nagsalita. “Anyway don’t bother to answer. You are mine. Whether you like it or not.” Sabi nito sa kanya habang pilyong nakangiti sa kanya. Siyempre bilang dalagang Pilipina magpapakipot muna siya dito, maya isipin nito gusto din niya ang binata na totoo naman. “Kapal mo ha!” Sagot niya sa binata sabay inukatan niya ito ng kanyang mga mata na kinatawa lalo ng binata. “You just rolled your eyes on me ha.” Sabi nito na may himig ng pagbabanta. “Eh anu ngayon, if I rolled my eyes on you!” Pagsusungit niya dito. “Since you’re not in good shape, I just think it is because you’re not feeling well but next time you rolled your eyes on me. I will punish you.” Sagot nito sa kanya. “Anung parusa?” Tanung niya dito. “A sweet punish Love and I know we will both love it.” Sagot nito habang pilyong nakangiti at kinindatan pa siya nito na lalong nagpapula sa kanya. Hindi niya alam kung paano itatago ang kanyang mukha lalo at hawak pa din ng binata ang kamay niya. Dalawang araw na siyang nasa bahay ni Dave para magpahinga at magpagaling. Dinala siya ng binata sa bahay nito para daw matutukan at maalagaan siya. Nung una nga ay ayaw niyang pumayag pero nang binuhat na siya nito palabas sa kanyang kuwarto sa dorm at ipasok sa sasakyan nito ay hindi na niyang gumawang pumalag pa. Iniisip niya din kasi baka makatakaw sila ng atensyon kapag nagingay siya, na ayaw niyang mangyari. Kaya naman sambakol ang mukha niya ng iuwi siya nito sa bahay niya. Pagdating nila sa bahay nito ay agad silang sinalubong ng mga katulong at doktor na pinatawag nito para macheck up daw siya. Hindi na siya kumontra dahil alam naman niyang wala din namang mangyayari. Nagawa na nga siyang iuwi nito sa bahay niya, magiinarte pa ba siya. “How are you feeling?” Tanung sa kanya ni Dave na may dalang tray ng pagkain niya. Sabi nga niya dito ay magaan na ang pakiramdam niya kaya sa dining na siya kakain pero mapilit pa din ito na magstay siya sa kuwarto para hindi siya mabinat. “Hmmm wala na akong lagnat at magaan na din naman ang pakiramdam ko salamat sa pagaalaga.” Sagot niya sa binata. “Nice to hear that. Mainit pa yung sopas na pinaluto ko kay Manang kaya kainin mo na ito.” Sabi sa kanya ni Dave na kinatango niya. Habang kumakain siya ay bigla niya naalala ang sinabi nito sa kanya kanina. “Teka nga pala sigurado ka bang walang pasok ang department namin ng 1 week?” Paguulit niyang tanung sa sinabi sa kanya nito kanina ng sabihin niya dito na kailangan niyang pumasok, dahil puro major subjects ang shedule nila ngayong araw. Kaya nagulat siya ng sinabi nito na huwag siyang magalala at huwag ng mag-abalang pumasok dahil 1 week walang pasok ang department nila dahil may trainings at seminars daw ang mga professor nila. Kaya sabi nga niya na maganda ang timing ng pagkakasakit niya dahil wala silang pasok. “Yes and they will be back next week. That is why all you have to do now is to rest para tuluyan ka ng gumaling.” Nakangiting sagot nito sa kanya. Kaya naman tumango tango na lang siya dito bilang pagsangayon. Work from home ang ginagawa ni Dave at madalas, dito siya sa kuwarto ko natambay. Oo kuwarto ko. May sarili akong gamit na kuwarto kapag andito ako sa bahay niya lalo kapag on duty siya dito. Bigla naginit ang mukha niya at nahiya sa sarili niya ng bigla niyang maisip baka magtabi sila sa kama. Kaya naman talagang hiyang hiya siya sa sarili at buti na lang hindi siya nagpadala sa bugso ng kanyang damdamin at agad sitahin ang binata na hindi sila puwede magstay sa iisang kuwarto ng dalhin siya nito sa kuwartong ginagamit niya kapag andito siya sa mansyon. Kaya talagang pogi points iyon sa kanyang boss amo na kahit sinabi nito na gusto siya nito ay nirerespeto siya nito bilang babae. “Buti naman wala kaming pasok ng 1 week. Ayaw ko kasi talagang umaabsent at sayang ang araw. At baka din kasi makaapekto sa scholarship ko kapag may mga absent ako.” Sagot niya sa binata. Kaya talagang maganda ang tiyempo ng pagkakasakit niya dahil hindi na siya magalala na liliban siya sa kanyang mga klase. “Then if you’re ok now. Can I invite you for a date?” Tanung sa kanya ni Dave na nagpatigil sa kanyang pagsubo ng pagkain. “D-date?” Pag-ulit niya sa sinabi nito. “Yes a date. Just a simple celebration because you are ok now. Just the two of us.” Simpleng pagyaya sa kanya ng binata. “Kailangan pa ba iyon?” Tanung niya dito. “Of course. And also I want spend more time to my girl. Antoneth, I’m serious when I’ve said that I like you.” Sabi nito sa kanya. Walang siyang mahanap na tamang sagot para dito. Aaminin niya may nararamdaman siyang excitement dahil first time na may magyaya sa kanyang makipagdate at the same time ay takot dahil paano kung ang lahat ng mga mangyayari ay isang panaginip lamang at magigising siyang isang araw na umiiyak at nasasaktan dahil kay Dave. “Love?” Tawag sa kanya ni Dave para mapukaw ang kanyang desisyon. Nasasanay na din siya kapag tinatawag siyang Love ng binata. Kaya naman napabuntong hininga na lang siya. “Hmmm, Ok sige ikaw ang bahala.” Sagot niya dito habang nakangiti. “Great! Finish your food and call Manang once you’re done. May tatapusin lang akong documents for signing then sunduin kita dito. Kaya magbihis kana and packs your things na good for 3 day. Sa office ko lang ako.” Sabi sa kanya ni Dave at hinalikan muna siya nito sa kanyang sentido at lumabas na din ito sa kanyang kuwarto. “Pack my things for 3 days. Saan kaya kami pupunta?” Nagtatakang tanung niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD