CHAPTER 1
May mga gabing hindi natin pinili… pero tayo ang binayarang mawalan.
Sa isang maliit na kanto sa bayan ng Lirios, may amoy ng kape na palaging nagbubukas ng umaga.
Hindi mayaman ang pamilya, pero may bahay na hindi kailanman nagkulang sa halakhak at yakap.
Aviya, anim na taong gulang.
Pulang headband, maliit na isip, malaki ang puso.
Ang tatay niya ay architect.
Laging amoy lapis, blueprint, at gabi.
Ang nanay niya ay may-ari ng isang maliit na coffee shop.
Amoy kape, pastry, at araw.
Isang pamilya na simple… pero sapat.
“Aviya, hindi lalampas ng gate ha?”
Nakangiting paalala ng nanay niya habang inaayos ang mga tinapay.
“Promise, mommy!” tugon ng batang halos tumalon sa tuwa.
Sa murang edad, natutunan na ni Aviya kung ano ang ibig sabihin ng bahay.
Hindi ito perpekto, ngunit totoo.
Pero ang tahimik na tahanan… may nanonood.
Sa kabilang lungsod, may lalaking nakapatong ang tingin sa lumang larawan:
Ang nanay ni Aviya, mas bata, nakangiti.
At siya, ang hindi napili.
Ang ampon.
Ang una sana.
Ang natabunan nang dumating ang tunay na anak.
Tito ni Soren.
Ang lalaking punong-puno ng inggit… at panlalamig.
Hindi niya makuha ang babaeng mahal niya.
Hindi niya makuha ang posisyong dapat kanina pa sa kanya.
Hindi niya makuha ang mundong pinagkaloob sa iba.
Kaya alam niya ang pinakamadaling kunin:
Ang mga hindi niya makuha… ay dapat mawala na lang.
Gabi ng Bagyo
Malakas ang ulan.
Sarado na ang coffee shop.
Pero naroon pa rin ang magulang ni Aviya, nag-aayos, nagtatawanan, para bang walang panganib sa mundo.
Si Aviya ay nasa ilalim ng mesa, nagguguhit gamit ang crayons.
“Tay, oh, tayo ‘to. May araw, may bahay, may—”
KNOK. KNOK. KNOK.
Hindi parang customer.
Hindi parang kaibigan.
Parang kamatayan ang kumatok.
Tumayo ang tatay niya.
“Sir? Sarado na po—”
BANG.
Isang putok.
Lumipad ang tasa.
Tumalsik ang dugo.
Hinigpitan ng nanay ni Aviya ang yakap, tinakpan ang ulo niya.
“Aviya… baby… don’t look. Don’t look.”
Pero nakita niya.
Ang taong naka-itim.
Itim ang gloves.
Itim ang aura.
At sa pulso nito, isang lotus na may patak ng dugo.
Black Lotus.
Isang simbolong umaalingawngaw sa dilim ng pamilyang D’Angelo.
“Matagal ko na kayong tinanggal sa kwento,” mahina pero malamig na sabi ng lalaki.
Tatlong putok.
Tatlong bagsak.
Pero dalawa lang ang walang hininga.
Nanay na yakap pa rin siya kahit patay na.
Tatay na nakatingin sa kanya kahit wala nang boses.
Umiyak ang gabi.
Ang Pagdating ng General
Kumaway ang ilaw ng pulis, sirena, ulan, sigaw ng kapitbahay.
May sundalong dumating.
Matigas ang mukha, pero magulo ang mata.
Tito.
General.
Kapatid ng ama niya.
Yumuko siya, binuhat si Aviya, basa sa ulan at luha.
“From now on… hindi ka na nila pwedeng saktan ulit.”
“Turuan kita kung paano lumaban.”
At sa gabing iyon…
Ang batang si Aviya ay namatay kasama ng mga magulang niya.
Pero ang anino… nanatili.
Tahimik.
Matapang.
At naghihintay maghiganti.
Ang ulan ay tumila, pero ang bakas nito nanatili.
Sa malamig na ospital, naka-upo si Aviya, nakayakap sa stuffed toy na nabasa ng luha.
Wala siyang sinasabi.
Wala siyang tinatanong.
Wala siyang hinihingi.
Tahimik.
Blangko ang mata.
Pero ang puso—gumuguhit ng apoy.
Sa gilid, nakatayo ang General.
Ramdam niya ang bigat ng gabing iyon, pero kailangan niyang tumatag.
Para sa batang nakaligtas… pero hindi talaga nabuhay.
“Simula ngayon… hindi ka na magiging ordinaryo.”
Hindi siya sumagot.
Hindi niya kailangan.
Sa puso niya, may isang pangako na umusbong:
“Babalikan ko kayong lahat.”
At doon nagsimula ang kwento ng anino.
Hindi bilang inosenteng bata…
Kundi bilang babaeng babasag sa mundong kumuha sa kanya.