PART 2: Codename: Specter
(POV: Loren)
Tahimik ang paligid ng penthouse. Wala na si Anthony—umalis para ayusin ang bakery orders nila sa Olive Ash Café.
Si Aviya naman, nakaupo lang sa couch, hawak ang cup ng kape na hindi pa rin nababawasan.
“Kanina… ‘yung lalaking ‘yun sa rooftop,” basag ni Loren sa katahimikan. “May naalala ako.”
Tumingin si Aviya, seryoso. “What do you mean?”
Lumapit si Loren, bitbit ang maliit na USB drive. “Sa intel file na nahack ko dati sa agency—may isang pangalan na madalas lumabas sa classified missions. Codename: Specter.”
“Specter?” kunot-noong ulit ni Aviya.
“Yeah. Agent na nagtrabaho sa parehong unit natin noon, pero ‘biglang nawala’ after a failed extraction mission sa Istanbul. Walang record kung patay o buhay. Pero base sa galaw ng lalaking ‘yun kanina…”
Napatingin si Loren sa bintana, parang sinusubukang hanapin uli ang anino.
“…he moves exactly like him.”
Hindi kumibo si Aviya, pero ramdam ni Loren ang paninigas ng panga nito.
“Kung tama ako, Viya… hindi lang tayo ang may ginagalaw laban sa Black Syndicate. Someone’s already one step ahead of us.”
Tinitigan ni Aviya ang baso ng kape. “Specter, huh…”
May kumurap na emosyon sa mga mata niya—takot, o baka pagkilala.
Loren crossed her arms. “So tell me, Aviya—may kilala ka bang ganyang galaw?”
Tahimik. Ilang segundo.
Hanggang sa bumuntong-hininga si Aviya. “May kakilala ako noon… parehong-pareho.”
“Agent din?”
“Hindi lang agent,” sagot ni Aviya, malamig ang boses pero may bigat sa tono. “Partner ko.”
Meanwhile…
Sa loob ng safehouse, binuksan ni Raze ang lumang file ng joint missions nila ni Aviya. May mga larawan, audio logs, at confidential notes.
Pinindot niya ang voice record ng dating training nila—narinig niya ang boses ni Aviya, buo, matapang, at dati’y masaya.
“Target locked. No hesitation. That’s the rule, Raze.”
Napangiti siya ng mapait. “You broke the rule first, Viya… when you hesitated to pull the trigger.”
(POV: Loren)
Kinabukasan, bumisita si General Quinn sa condo. Tahimik si Loren habang pinagmamasdan niya ang bawat kilos nito — matalim, mabigat, parang may tinatago.
“Loira,” tawag ng general sa kanya habang inaayos ang mga dokumentong dala. “Nasaan si Aviya?”
“Umalis saglit. May pinuntahan sa Olive Ash branch,” sagot ni Loren, habang nag-a-adjust ng surveillance feed sa tablet niya.
Tumango lang ang General. “Good. Mas mabuti na hindi niya marinig ‘to muna.”
Napakunot-noo si Loren. “About what, sir?”
“About Specter.”
Napatingin siya agad sa general — hindi niya inaasahan marinig ang codename na ‘yon mula mismo sa bibig nito.
“Paano niyo—?”
“I know everything about that mission.” Lumapit si General Quinn, inilapag sa mesa ang isang lumang folder na may tatak na ‘Confidential - Black Lotus Operation’.
“Specter was declared KIA three years ago. Pero may nakakita sa kanya, alive — at may bagong allegiance.”
“Black Syndicate,” bulong ni Loren.
Tumango ang General. “Exactly. Pero hindi lang siya basta member… isa siya sa mga enforcer ngayon ng grupo.”
Napasinghap si Loren. “So ibig sabihin—”
“Kung buhay si Specter,” putol ni General, “then he’s inside the same web that killed Aviya’s parents.”
Tumahimik si Loren. Ramdam niyang bumigat ang hangin sa pagitan nila.
“Sir,” mahina niyang sabi, “bakit hindi niyo pa sinasabi kay Aviya?”
“Because she’s not ready,” malamig pero mabigat ang tono ng General. “At kapag nalaman niya na ang dating partner niya ang bahagi ng mga taong gustong patayin siya… baka siya mismo ang masira.”
Napalunok si Loren. “Then what’s the plan?”
“Simple.” Lumingon si General Quinn, diretsong tumingin sa kanya.
“Watch her. Protect her. And when the time comes—kung magpakita si Specter… you take the shot before she does.”
Nabitawan ni Loren ang tablet. “Sir, you’re asking me to—”
“—save her from herself,” tapos ng General.
Pagkatapos ay iniwan siya, tahimik at puno ng kaba.
(Cut to: Later that night)
Si Aviya, nakatayo sa terrace, hawak ang lumang pendant na pag-aari ng kanyang ama.
“Specter…” mahinang bulong niya. “Kung totoo ngang buhay ka… bakit hindi ka nagpakita?”
Sa malayo, sa isa sa mga gusaling nakapalibot, nakamasid si Raze gamit ang scope ng rifle. Hindi niya tinutok sa ulo ni Aviya — sa halip, sa ilaw ng pendant.
“Because I never left, Viya,” mahinang sagot niya sa hangin. “I’ve been watching over you all along.”