CHAPTER 4

331 Words
“Pagbabalik sa Pilipinas”** Hindi lahat ng misyon ay dugo. Minsan, pag-uwi ang pinakamasakit. Pagkatapos ng taon ng training, ng laban, ng pag-aaral na halos walang tulog, natapos ni Aviya ang kursong Nursing. Hindi para magpagaling. Kundi para marunong siyang mag-ayos ng sarili kapag wasak na siya. Walang graduation picture. Walang celebration. Dalawang bag lang at passport. Paglapag niya sa Pilipinas, mabigat ang hangin. Ibang lamig. Ibang lungkot. Bahay ng Lola. Lumang bahay na may amoy ng kahoy at lumang mantikilya. May nakasabit na rosaryong luma na parang tao na ring pagod. “Aviya?” Mahina, pero puno ng pag-uwi ang boses ng Lola niya. Yakap na parang paghilom. Yung yakap na hindi nagtatanong. Hindi nag-aalala. Alam lang. “Lola… nandito na ako.” --- Boom. Next scene. After ilang buwan, dumating si Anthony (RR). Bitbit ang maleta. Oversized sunglasses. At attitude. “Hoy b*tch, akala mo ba iiwan kita dito mag-isa? Akala mo ikaw lang may dramatic comeback?” Tawa niya, pero may halong lambing na pang-pamilya. Nagyakapan silang dalawa, yung tipong parang pareho nilang alam na sa gulo ng mundo, sila yung ligtas sa isa’t isa. “Ano plano natin?” tanong ni Anthony. Tumingin si Aviya sa lumang building sa tabi ng plaza. May lumang signage na halos hindi na mabasa. FOR RENT “Coffee shop.” Simple. Tahimik. Pero may lihim na daan sa likod para sa mga taong may trabaho na hindi dapat makita. “Cafe and Bake Shop?” sagot ni Anthony, umiilaw ang mata. “Olive Ash Café,” sabi ni Aviya. Pangalan ng puno na kaya mabuhay kahit sunugin ang lupa kung saan siya nakatanim. Anthony ngumingiti. “It fits you. Beautiful and hard to kill.” --- At doon nagsimula: Olive Ash Café by Aviya Quinn & Anthony Lee. Lugar na amoy tinapay. Lugar na mukhang normal. Lugar na parang payapa. Pero sa underground contact network… ang cafe na ito ay front ng isang agent na hindi tumatakbo sa dilim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD