chapter 4

1491 Words
CHAPTER 4 BRIELLE’S POV Huminga ako nang malalim at pabagsak na humiga sa sofa. Latang-lata ang buo kong katawan. Maghapon akong binugbog sa trabaho, lunch break lang ako nagkaroon ng pahinga. Nauubusan na ako ng pasensiya. Si Dragon ang may kasalanan! Pati hindi ko trabaho ay ipinagagawa niya sa akin. Wala akong ideya kung bakit ganoon ang trato ng tukmol na iyon sa akin simula’t sapol noong magtrabaho ako sa kaniya bilang secretary. Hindi ko pa naranasan na utusan niya ako na hindi sumisigaw. Palagi siyang galit! Wala akong maisip na tamang rason para magalit siya. “Sa klase ng paghiga mo riyan sa sofa ay tila pagod na pagod ka, ah!” puna ni Sandra sa akin. Hindi ako nag-atubiling idilat ang aking mga mata. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. “Sino ba ang hindi mapapagod? Kulang na lang pati gawain ng mga janitor ay ipagawa na sa akin ng boss kong palaging high blood. Para talaga siyang dragon, kulang na lang ay bugahan niya ako ng apoy. Tustado palagi ang abot ko sa lintik na tukmol na ’yon. Grabe, pagod na pagod ang katawang lupa ko!” himutok ko kay Sandra. Malungkot na tumingin ako sa kaniya. “Kailan ba hindi sinapian ang boss mo? Araw-araw ay ikaw yata ang napagtitripan, eh! Bilib nga ako sa ’yo dahil ayaw mo pang mag-resign! Puwede ka namang maghanap ng ibang mapapasukan. Sigurado naman akong matatanggap ka agad!” Napakagat ako sa pang-ibaba na labi. Tama naman ang sinasabi niya. “Puwede kang mag-resign kung nahihirapan ka na, Brielle!” dagdag pa niya. “Maraming salamat, Sandra. Pag-iisipan ko iyang suhestiyon mo. Kaya ko pa namang tiisin! Tinatamad pa akong maghanap ng bagong trabaho kaya pagtiyatiyagaan ko na lang muna ang boss ko! Sanay naman na ako sa mood swings niya,” tugon ko. “Ikaw ang bahala. Kung nais mo nang umalis sa poder ng boss mo ay mayroon akong alam na puwede mong malipatan. Mabait ang magiging amo at magaan pa ang trabaho. Sabihan mo lang ako!” Tumango ako. “Sige, pag-iisipan ko. Anyway, maiwan na muna kita riyan. Magpapalit pa ako ng damit,” paalam ko kay Sandra. “Sure!” Umakyat na ako sa second floor kung nasaan ang aking silid upang palitan ng pambahay ang aking suot na damit. ACRYLIC HOME FURNITURE COMPANY BRIELLE'S POV Papikit-pikit at pahikab-hikab pa ako habang naglalakad papasok sa loob ng company. “Kainis! Bakit kasi tinapos ko pa ang series na ’yon? Sabi ko two episodes lang ngunit nagpatuloy pa rin ako sa pag-click ng next episode,” bulong ko sa sarili. Ilang gabi na akong puyat dahil sa mga Korean drama series na pinapanood ko. Hanggang alas tres ng madaling araw ay nanonood pa rin ako. Kaya ito ang premyo ko ngayon, mukha akong panda dahil sa nangingitim na paligid ng aking mga mata. Walang ganang pinindot ko ang pangwalong palapag na button kung saan naroon ang work office ng boss kong dragon. Alam kong may kasama ako sa loob ngunit hindi ako nag-abalang tingnan kung sino ito. Malamang ay isang tulad ko ring employee. Pumikit ako at sumandal sa gilid ng elevator sabay hikab. “Mukhang napuyat ka, Miss Lucasta.” “Ay, kabayo ka!” bulalas ko dahil sa pagkagulat nang biglang may magsalita sa bandang likuran. Mabilis na itinikom ko ang aking bibig nang mapagtantong tinig iyon ni Sir Archie. “What did you just say?” he asked sa inis na tono. “Grabe naman kasi kayo, Sir Archie! Bigla-bigla na lamang kayong sumusulpot sa likuran ko. Paano po kung may sakit ako sa puso? What if ma-heart attack ako tapos hindi ako makahinga? Madadala mo ba ako sa hospital?” mahabang litanya ko. Nilingon ko siya para tingnan ang kaniyang reaksyon, ngunit sana ay hindi na lang pala sapagkat ang nakabusangot na mukha na naman nito ang nasilayan ko. Wala akong narinig na salita mula sa kaniya hanggang bumukas na ang elevator. Nilampasan niya ako na parang hangin at tuluy-tuloy na lumabas. Lihim akong napairap sa kaniyang likuran, “Sungit talaga!” palatak ko habang sinusundan si Sir Archie. “Kailan kaya magbabago ang ugali niya? Iyong tipong ngingiti siya sa akin sa tuwing babatiin ko siya. O kausapin man lang sa mahinahon na paraan, hindi pasigaw. Sana mag karoon ng himala,” dasal ko sa isip. “Tsk! Hindi man lang ako lingunin ng kutong lupang ito!” anas ko pa bago dumeretso sa aking table. Nagtimpla ako ng dalawang tasang kape para alisin ang sobra kong pagkaantok. “Bakit kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko sa panonood ng mga drama?” Sinasampal-sampal ko ang aking magkabilang pisngi upang gisingin ang aking diwa. “Tuwing weekend na lang ako manonood.” “What are you doing?” Napaigtad ako nang biglang sumulpot si Sir Archie mula sa likuran ko. “Aaah! Ang sakit!” Natapunan ng mainit na kape ang kamay ko. Impit akong dumaing, namumula iyon at medyo malaki. “D*mn it!” mahinang mura ng boss ko sabay hawak sa kamay ko. Wala siyang sinayang na segundo, dinala niya ako sa may sink ng pantry. Itinapat niya ang kamay kong napaso sa running water. After a minute, kumuha siya ng ice pack bag at inilagay iyon sa burn area. “Hindi ka kasi nag-iingat!” paninisi niya sa akin, hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. “Bigla na lamang po kasi kayong nagsasalita! May lahi ba kayong multo? Bigla-bigla na lang kayong nanggugulat. Ang hilig mo pang tumayo sa bandang likuran?” pagdadahilan ko naman. Pinaningkitan niya ako ng mga mata. “Ikaw itong parang wala lagi sa sarili. Nagsasalita kang mag-isa, and what? You are about to drink two cups of coffee? Are you out of your mind, Miss Lucasta? Tapos sa tono mo ay parang ako ang sinisisi mo kung bakit nasaktan ka!” Umangat ang sulok ng kaniyang labi na tila nang-uuyam. “Hindi kita sinisisi! What I mean is huwag mo po akong gulatin!” katuwiran ko naman. “At nagdahilan ka pa talaga!” Binitawan niya ang kamay kong napaso sabay talikod sa akin. Naiwan na lamang akong nakatingin sa likuran niya. “Anong problema niya? Ang hirap talagang kabisaduhin ng ugali niya!” Napailing na lamang ako. Ipinagpatuloy ko ang paggamot sa aking kamay. Hindi ko nais magkaroon iyon ng peklat. Napangiwi ako nang maramdaman ko ang hapdi nito. “Pumunta ka sa clinic. Humingi ka ng ointment para sa paso mo,” utos niya sa akin. Pumikit muna ako nang mariin at huminga nang malalim para mawala ang inis ko bago ko siya hinarap. “Hindi na po, Sir Archie. Pag-uwi ko na lamang po sa bahay. Medyo malayo ang company clinic. Marami pa po akong tatapusin na trabaho, right?” tanggi ko. Muli, sumama ang tingin niya sa akin. Binalewala ko na lamang iyon. “Bukod sa talent mong magpasaway ay matigas din ang iyong ulo!” angil nito. Hindi na niya ako hinintay na sumagot. Tumalikod siya at naglakad palayo sa akin. ARCHIE’S POV Isang malalim na buntonghininga ang aking pinakawalan. Ngayon lang ako nakakilala ng isang secretary na may katigasan ang ulo na ang hilig ay suwayin ang utos ng kaniyang amo. Minasahe ko ang aking noo at pinilit na lamang ibalik ang aking atensyon sa laptop na nasa aking harapan upang ipagpatuloy ang aking ginagawa. Hindi ko na namalayan ang oras, lunch time na naman pala. Kumakalam na ang aking tiyan. Napasulyap ako sa pintuan nang pumasok si Brielle, may dala itong paper bag. “Sir,” tawag niya. Inangat ko ang aking kilay, “Yes, Miss Lucasta?” “A-aah. . . E-eeh. . . K-kasi, Sir. . .” pakamut-kamot siya sa ulo. “Balak mo bang i-recite sa harapan ko ang lahat ng vowels? Kung may sasabi---” Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang ilapag niya sa table ko ang hawak niyang paper bag. “Nag-order na po ako ng food mo, Sir Archie!” Lihim akong napangiti. Kahit araw-araw ko siyang sinusungitan ay ginagampanan pa rin nito ang tungkulin bilang secretary ko. Kahit hindi ko na sabihin ay ginagawa na niya. Kung minsan nga lang ay palpak siya. Sa loob ng isang taon bilang secretary ko ay nasanay na rin ako sa ugali niya. Minsan lutang kapag kinakausap at pasaway. Tumango ako at hindi umimik man lang. Siya naman ay tumalikod na. Naririnig ko na naman ang mga bulong niya na para bang bubuyog. “Miss Lucasta, naririnig kita.” “Grabe ka talaga, Sir! Ang lakas naman ng pandinig mo! Bukod sa may lahi kang multo, may sa paniki ka rin pala?” sarcastic nitong tanong. “Ano?” “Wala po! Ang sabi ko lalabas na po ako, Sir Archie!” mariin na paalam niya. Minsan gusto ko na lang siyang sakalin dahil sa mga pinagsasabi niya. Huminga ako nang malalim at isinandal ang likod sa may upuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD