CHAPTER 9 ARCHIE’S POV “T-tarantado ka!” nabubulol na wika ng lalaking lasing na nasuntok ko. Sinugod niya ako para gumanti ngunit naging maagap ako sa pag-iwas at nasalo ko ang kaniyang kamao. Sumunod pang sumugod ang kasama nitong isa pang lalaki ngunit mabilis na umigkas ang aking paa sa sikmura nito. Bumagsak ito sa lupa na namimilipit sa sakit. “S-sino ka bang pakialamero ka?” nagkikiskisan ang mga ngipin na tanong nito sa akin. Akmang pasugod na muli ang mga ito ngunit nahinto nang marinig ang sirena ng pulis. Huminto ang police patrol car malapit sa amin, kasunod ang pagbaba ng dalawang unipormadong mga pulis. “Anong kaguluhan ’to?” tanong ng isa sa kanila. “H-hulihin po ninyo ang dalawa na iyan, Mister Officer! B-binabastos po nila ako!” sumbong ni Brielle sa kanila. Luma

