CHAPTER 11 BRIELLE’S POV Tahimik ang naging biyahe namin, hindi ko namalayang nakalampas na kami ng SLEX patungo sa Batangas. Tatlong oras pa ang gugugulin bago makarating sa pupuntahan naming hotel and resort. Doon gaganapin ang team building ng company. Napatingin ako sa aking katabi. Malalim ang kaniyang paghinga, marahil ay tulog. Naka-sunglasses ito kaya hindi ko mabanaag ang kaniyang mga mata. Gayunpaman, hindi ko mapigil ang sarili sa pagtitig sa makinis na mukha niya. Biglang nahiya ang mga pores at tigyawat ko. Gumalaw si Sir Archie kaya mabilis na nag-iwas ako ng tingin at nagkunwaring tulog. Baka kasi pag-isipan na naman niya akong masama. Madalas pa naman itong tamang hinala. Ramdam kong gumalaw si Sir. Hindi ko tinangkang dumilat, ngunit nanigas ang katawan ko nang hawak

