“Ma, Sunday ngayon, ‘di ba?” tanong ni Lance pagdilat ng mga mata niya.
“Ah, anak, hindi ka muna lalabas ng kwarto.” Kaagad na sumagot si Jenny.
“Bakit daw?” mamaos-maos na tanong ni Lance. “Si Leiah, hindi pa siya pumunta dito. Umalis na ba siya?”
“Hindi, anak. Nagpapahinga siya. Bawal lumabas ng kwarto,” alanganing tono ni Jenny. “Ngayon ka na mao-operahan. Makakakita ka na ulit.”
“Talaga?” tuwang-tuwang sabi ni Lance. “Ang galing naman!”
“Oo. Maya-maya andito naman ulit yung dalawang makulit.” Biro ni Jenny.
Kinuha ni Lance ang maliit na keyboard na ibinigay ni Leiah. Tinugtog niya ang kantang narinig niya kay Leiah noong una. Tanging ang pagtugtog lang ni Lance ang naririnig sa kwarto—actually, sa buong ospital.
Matapos ang kalahating oras, dumating ang nurse. Hindi marinig ni Lance kung anong ibinulong ng nurse sa ina pero alam niyang bumulong ito.
“Ma, si Kuya Nurse ba ’yan?” tanong ni Lance.
”Oo, pogi. Si Kuya Nurse nga,” tawa ng nurse. “Congrats na kaagad ah, makikita mo na ako. Malalaman mong magkasing-level tayo ng kagwapuhan.”
Sabay-sabay silang tumawa.
“Mommy Jenny, grabe yung tawa mo ah, parang ‘di mo bet na magkasing-pogi kami ng anak mo ah,” biro pa ng nurse.
“Hindi.” Awat ni Jenny, “Natatawa lang talaga ako sa’yo.”
“Naniniwala akong mas gwapo ka, Kuya Nurse,” tawa ni Lance.
“Thanks, pogi! Ikaw talaga ang pinaka-deserve na lumabas ng ospital, eh. Kailangan mong magpakalat talaga ng lahi.”
“Ano palang meron?”
“Ililipat kita ng room,” sabi ng nurse. “Sa operation room.”
Natahimik silang tatlo.
“Ah, oras na pala para sa panibagong mata,” ngiti ni Lance.
“Sabi ni Doc, after 2 days pwede ka na rin agad umuwi.” Sabi ng nurse.
“O?”
“Oo, Lance. So, tara na,”
Alalay na alalay sila kay Lance hanggang makarating sa operation room. Pinatulog siya habang isinasagawa ang transplant. Tumagal ito ng dalawang oras.
Hinintay naman nina Dan at Nate na mailipat ulit si Lance sa kwarto niya matapos ang transplant. Sa loob ng dalawang araw na iyon ay wala silang ibang pinag-usapan kung hindi ang mga kalokohan nila sa school at iba pang nakakatawang bagay na nangyari.
Kahit walang bumabanggit ay hindi naman mapigilan ni Lance na tanungin ang sarili kung anong ginagawa ngayon ni Leiah.
Sa ikatlong araw matapos ang operasyon ay oras na para alisin ang nakatabing sa mga mata ni Lance. Matiyagang naghintay ang pamilya ni Lance kasama sina si Nate at Dan. Nakaabang silang lahat.
“Open your eyes,” sabi ng doktor nang matapos ang pag-alis ng gasa sa mga mata ni Lance.
Dahan dahang dumilat si Lance.
Sa una’y malabo’t sobrang liwanag pero unti-unti rin namang luminaw ang nakikita niya.
“Try to look on your left,” utos ng doktor at sumunod naman si Lance.
Saka naman tumingin si Lance sa kanan.
Una niyang nakita ang doctor na hindi naman pamilyar sa kanya. Sa likod ay ang kanyang ina na nakatingin sa kanya. Katabi ang ama.
“Kuya!” Patakbong lumapit ang bunsong kapatid ni Lance sa kanya saka yumakap.
Niyakap siya ni Lance, “Gracie! Namiss mo ‘ko?”
“Akala ko iniwan mo na ‘ko,” maiyak-iyak nitong sinabi.
Nagbilin ang doktor kay Jenny bago tuluyang maiwanan ang pamilya at kaibigan ni Lance sa silid.
Hindi naiwasan ni Lance ang maiyak nang makitang naiiyak ang ina.
“Nate, baka makiiyak ka rin, ha?” biro ni Dan.
“Hindi ah!” tanggi naman ni Nate.
Nagkatawanan sila.
Oras na rin para lumabas si Lance ng ospital. Sobrang saya ni Lance ng makarating sila sa kanilang bahay ulit.
“May bagong kapitbahay?” tanong agad ni Lance.
“Oo. Bumati ka bukas. Kailangan mo pang ipahinga ang mata mo.” Sabi ni Jenny.
“Ma, kailan lumabas ng ospital si Leiah?”—tanong ni Lance.
Natahimik si Jenny. Nawala ang sigla sa mukha nito.
“Hindi ba, nagpaalam siya sa’yo?” tanong ni Jenny na walang ekspresyon sa mukha.
Bumuntong hininga si Lance, “Nag-paalam.”
May kinuha sa bulsa ng jacket si Jenny saka iniabot ito kay Lance, “Ito yung kuwintas na ibinilin sa’yo ni Leiah.”
Pag tingin ni Lance sa ibinigay ng ina ay pamilyar ito. Nakita niya na kung saan. Hindi pala kuwintas ang ibinilin ni Leiah, isa itong locket na kalahating puso. Binuksan ito ni Lance, may nakasulat na mga letra. Letrang S sa kaliwa, letrang L sa kanan.
“Ang linaw ng matang napunta sa’ken, Ma.” Ngisi nya at hindi niya mapigilang hindi maluha.
Hindi nag-salita si Jenny, niyakap niya lang ang anak. Matagal silang nakahinto hanggang sa pumasok si Gracie sa kwarto ni Lance.
“Kuya, look, I completed my piano class!” ipinakita ni Gracie ang certificates at picture niya sa recital.
“Ang galing mo!” bati ni Lance.
“Of course! Mana ako sa’yo eh,” ngiti ni Gracie.
“O, sige, diyan muna kayong mag-kuya, magaasikaso lang ako sa baba,” paalam ni Jenny.
“So, kamusta ka naman dito?” usisa ni Lance.
“Well, mostly bored,” sagot ni Gracie. “The new neighbor is nice. She taught me a technique for playing piano. It was plenty helpful.”
“I could’ve taught you, too. Mas gusto mo na ata yung new neighbor ah.”
“Well,” pang-aasar ni Gracie.
“I want to meet that neighbor. Ako lang dapat favorite mo.”
“Good luck with that, Kuya,” tawa ni Gracie. “Oh, I showed Ate Sam your picture. She said you looked fair. That’ll do.”
“Fair?” taas ng kilay ni Lance. “I’ll show her ‘fair’!”
Natawa na lang si Gracie sa kapatid.
“You’re so silly, Kuya. Anyway, since you’ve missed my recital, I will give you an exclusive show.”
“Wow. Nakaka-touch,” sabi ni Lance habang nakahawak sa puso. “When?”
“Tomorrow. I’ll invite Ate Sam over.”
“Fine.”
Imbis na mag-usisa kung nasaan ang cellphone niya, mas pinili ni Lance ang magpahinga. Nang hindi siya makatulog ay tumambay siya sa balkonahe nanonood ng mga batang nagsisitakbuhan sa initan. He never thought that a simple, plain scene could be beautiful. It wasn’t even grand, but it made him feel a little alive.
Nang makalubog ang araw ay nakita ni Lance ang isang pamilyar na sasakyan na huminto sa tapat ng kabilang bahay.
“Pastor Sam?”
(To be continued)