The Phone

1429 Words
Parehong nakangiti ang mag-ina na bumalik sa Room 102. Si Jenny, masaya na sasama ang anak sa bible study. Si Lance, masayang nakasalamuha ulit ang babaeng may mala-anghel na boses. “Naku, Sir, bawal po sa inyo ang lumakad lakad ng walang supervision, ha? Yung IV niyo po, hindi nakaangat ng ayos, muntik na yung dugo niyo lumipat sa IV,” mahinahon na reminder ng nurse kay Lance. “Sorry, kuya nurse. Eh, parang gusto ko kase ng totoong hangin.” “Hmm… Kita kita kanina eh. Smile na smile ka dun kay Leiah eh.” Pang-aasar nito. “Uy, kuya. ‘Di ako ganyan ah. Technically, di ko pa nakikita si Leiah.” Natatawa lang na palihim na nakikinig si Jenny sa pag-uusap nina Lance at ng nurse. Nang matapos ang pagpapainom ng gamot at pag-check ng vitals, lumabas na agad ang nurse. “Ma,” “Oh?” “Hindi naman ata nasira yung phone ko, noh? Nasa bag ko yun eh sa compartment ng sasakyan ni Ken.” Sabi ni Lance. “Ah, oo. Nandito. Ini-charge ko. Kailangan mo ba tumawag?” “Hindi, Ma. Ah eh,” nangingisi si Lance. “Kase, gusto ko sumali dun sa bible study. I mean, nakakahiya naman kay Leiah na ‘di ako pumunta, eh, nag-oo na ‘ko.” Sabay kamot sa batok. “Anong kinalaman no’n sa phone mo?” “May bible app ako, Ma. Buti na lang may audio bible na, hahaha!” Natuwa naman si Jenny dahil nagkaroon ng interes na sumama si Lance sa activity na yun. Dali-dali niyang kinuha ang cellphone at tinulungan si Lance na ire-set up ang phone nito – tinaggal muna nila ang password at iba pang mga apps na di naman niya magagamit. Nagsimulang makinig si Lance sa verse na sinabi ng mama niya na pag-aaralan mamaya. Hindi tulad kahapon na halos parang ginuhuan ng mundo, ngayon parang naging maganda pa ang nangyari sa kanya. Paulit-ulit si Lance sa pakikinig sa isang chapter lang. Pilit na mini-memorya ang mga sasabihin niya mamaya. Nakatulugan ni Lance ang ginagawang pag-saulo. Hanggang gisingin siya ng kaniyang ina. “Alas-tres na ba, Ma?” tanong niya agad. “Lampas. Alas-quatro media na.” Biglang umupo si Lance, “Ma, gusto ko maligo.” “Anak, hindi pa pwede.” Kunot noong sagot ni Jenny. “Fine. Yung cologne ko nasa bag ko rin yun eh. Dala mo, Ma?” kamot ulong tanong ni Lance. “And, Ma yung navy blue ko na polo shirt. Nasa bag ko yun. Favorite ko yun. Yung niregalo ni Gracie nung Christmas. Perfect sa skin tone ko sabi niya.” Umiling-iling nang nakangiti si Jenny. “At bakit parang masyado naman atang gustong maging presentable ng panganay ko?” “Well, this is the first bible study, Ma.” Palusot nito. “And Ma, yung hair gel ko. Kabibili ko lang nun eh.” “Lance Jacob, hindi date ang pupuntahan mo, ha?” pamewang ng ina. “Mama naman. Nakakahiya kay Pastor kung ang gulo-gulo ng hitsura ko mamaya. Tsaka di ba, sabe niyo look presentable when attending church activity because it’s a meeting with the King of kings and the Lord of lords?” Napa-irap na lang talaga si Mrs. Bautista sa anak. Hindi pa naman nagpakilala ng ‘girlfriend’ si Lance noon sa kanya pero nararamdaman niyang interesado ang anak sa bagong kakilala. As requested, Jenny handed Lance’s bag to him and assisted him with getting ready. At exactly 4 o’clock, he is more than ready for the bible study. “Ma, hatid mo ‘ko dun ah? Baka sabihin naman ni Leiah nagpapasundo pa ‘ko, kalalaki kong tao.” “Oo nga. Ilang ulit pa, Lance?” Natawa si Lance. Hindi niya agad na-realize na paulit-ulit na pala siyang nagde-demand sa mama niya na samahan sya sa kabilang side ng building. Nang malapit na sa kwarto kung saan gaganapin ang bible study, nagkita sina Pastor Sam at Jenny. “Uy, Sis. Jenny, buti at magjo-join si Lance ngayon. Kamusta, hijo?” tanong nito. “Ininvite po ako ni Leiah, Pas.” Hindi mapigil ni Lance ang ngiti niya. “Talaga?” ngisi ng pastor. “Hindi ka magsisisi na um-oo ka sa pagsama!” sabay tapik sa balikat ni Lance. Sa gitna ng kumustahan, narinig ni Lance ang pag-tugtog ng keyboard sa saliw na madalas kantahan ng mga kristiyanong kabataan. “Leiah?” bulong ni Lance sa sarili. “Lance? Lance!” bahagyang natigil ang tugtog. Narinig niya ang pamilyar na tunog ng pag-apak ng tsinelas. Papalapit si Leiah. “Lance!” mas lumakas ang boses. “Tara, pasok tayo sa loob. Sine-set up ko lang yung keyboard.” “Sige,” “Ah, tulungan kita,” itinulak nang marahan ni Leiah ang wheelchair ni Lance hanggang makapasok sila sa loob.” “Parating na rin yung iba.” Sabi ni Leiah habang iniaayos ni Leiah ang effects sa keyboard niya. “Marami ba tayo?” “How many is marami for you? We have 5 room occupants right now, and new members na din. Tapos may sampu pa na tao sa labas, including your mom. Nakikipag-kumustahan kay Papa.” Sagot ni Leiah. “In a bit, magpapakilala tayo isa-isa.” “Ok.” Tumango-tango si Lance. “Wait,” sniff, “Wow…” ngisi ni Leiah, “Someone had a spongebath.” Pang-aasar niya. Napangiti si Lance, “I mean. Do I smell that bad?” “That’s a compliment, silly.” Mas lumaki ang pagkaka-ngiti ni Lance. “Alam mo, marunong din ako mag piano eh.” “Really? Maganda yan, Lance! Naku, excited na ‘ko gumaling yang braso mo. Tugtugan mo ‘ko. Ah?” sabi ni Leiah habang nagbibigay ng mga bible sa mga pasyente. Hindi alam ni Lance kung pa’no itatago ang ngiti niya at sa pakiramdam pa nya ay namumula na ang pisngi niya. Ilang saglit lang ay nagsimula na ang bible study sa pangunguna ng ama ni Leiah. Aktibong estudyante si Lance kaya’t di siya nahihiya pagdating ssa recitation, pero ngayon? Para siyang bagong salt ana nauutal magpakilala at mag-share ng natutunan niya sa pag-aaral ng bible. Medyo nagsisisi siya na hindi siya masyadong attentive sa mga bible study ng church, naisip niyang mas maayos sana siyang nakapagpaliwanag kung pamilyar lang siya sa paksang ito. Matapos ang bible study ay bumalik na ang mga pasyente sa kani-kanilang silid. Pero, kahit tapos na ang bible study ay parang gusto pa ni Lance na manatili sa silid na ‘yon. “Ma, aalis na ba si Pastor Sam?” “Oo. Bakit?” sagot ni Jenny habang tulak-tulak ang wheelchair ni Lance. “Ihahatid ba niya si Leiah sa labas? Samahan kaya natin?” Sandaling ‘di nakaimik ang ina. “Mama?” “Ah. Nagpapahinga kasi Leiah, Lance. Bukas na lang kayo mag-usap ulit.” “Siguro napagod siya tumugtog kanina.” Sabi na lang ni Lance na halatang nalungkot sa narinig. “Siguro nga.” Nakabalik si Lance sa kwarto niya at pili na dahan-dahang iginagalaw ang pilay na braso. Kung maigagalaw ko lang siguro ‘to, matutulungan ko si Leiah sa tasks niya eh. Ugh! Nkakainis naman ‘tong sitwasyon na ‘to. I can’t see. I can’t move freely. Hindi siya naging matagumpay sa pagsubok niya na igalaw ang pilay na braso kaya’t mas lalo siyang naiinis sa paligid. Napansin yun ni Jenny ngunit ‘di niya na lang ipinahalata sa anak. Nang mapagod si Lance si ginagawa niya, bigla siyang huminto. “Ma, anong sakit ni Leiah?” “Akala ko naman ayan ang una mong malalaman. Hindi ako sigurado. Bakit mo naitanong?” “Well, baka sabay kaming lalabas or baka mauna siya madischarge.” Napangiti na lang si Jenny sa anak. “Lance, unahin mo muna isipin ang pag-galing mo bago ka makaisip lumabas ng ospital.” Sumapit ang madaling araw ay nagising si Lance sa narinig niyang musika. Karaniwan. Mabagal. Malungkot. “Leiah?” bulong niya sa hangin. Umupo siya at taimtim na nakinig. Walang boses. Pure instrumental. Naisip niyang lumabas ulit ng kwarto pero masyadong malamig ang hangin ngayon kaya’t nahiga siyang muli at pumikit. Sa pagpikit niya ay nag-imagine siya na nasa tahimik na lugar siya at nakakakita. Normal na nakakagalaw kagaya nang dati. If I get to go back to how I was before, I’ll be a better person. Sabi niya bago tuluyang makatulog ulit sa pag-asang bukas ay mag-uusap sila ng bagong kaibigan ngunit lumipas ang dalawang araw ay walang Leiah siyang narinig. (TBC)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD