Part 11

1083 Words
“YOU’RE café latte, ma’am,” Matthew said to her, grinning from ear to ear. Ibinaba ng binata sa mesa ang kape na kinuha nito sa Sweets. Ito rin ang nagboluntrayong kumuha niyon nang malamang nag-uutos siya sa tauhan niya na ipag-akyat siya ng kape. Nahawa siya sa masayang bukas ng mukha nito. “Baka mahipan ka ng hangin, Matt. Ang luwang ng ngiti mo, eh,” malambing na sabi niya. “Wala akong pakialam. Masaya ako, eh.” Napailing na lang siya. “Yeah, right. Kailangan mong magsaya. Baka mamaya, kapag nakaharap mo na ang pamilya ko, ni hindi mo na makuhang ngumiti. Hindi naman sa tinatakot kita, ha. Nagpapaalala lang ako.” “Relax, babe. Hindi ka mapapahiya sa akin. Everybody will be convinced that I’m your fiancé.” Malungkot siyang napangiti pero mabilis ding ikinubli kay matthew ang ekspresyong iyon. Right, maaari ngang makumbinse nila ang lahat pero hindi siya. And it was hurting her. Sapagkat alam din naman niya na ang nagaganap sa kanila ngayon ay bahagi lang ng “practice” at pagkatapos ng kasal ay wala na siyang ideya kung ano ang susunod pa. “Tara na sa ibaba. Isasakay pa natin iyong mga cake,” aya niya at binitbit na ang baon niyang damit. “Iyong kape mo, hindi mo pa ginagalaw man lang,” malambing na paalala nito. “Oo nga pala. Thanks!” palibhasa’y hindi na masyadong mainit kaya mabilis na rin niyang naubos iyon. Si Matthew na ang kumuha ng bitbit niya at pati pagsasara ng bahay ay ginawa nito. Sabay na silang bumaba. Katulong ang mga assistant niya ay buhat na ang cake at pati ang stand na ia-assemble na lang niya pagdating doon. Napatda siya nang makitang nakatayo si Matthew sa isang itim na Ford Expedition. Makintab na makintab iyon at wala pa ngang plaka. “Iyan ang sasakyan natin?” tanong niya dito. “Mukhang bagong labas lang sa casa, ah.” “Oo.” Sinenyasan na nito ang may dala ng cake upang isakay ang mga iyon. Hinintay lang nito na makapagbilin pa siya sa mga tauhan niya at siya naman ang inalalayan nito sa pagsakay. “Hiniram ko,” wika uli nito. “Ang alam nila’y mayaman ako, di ba? Baka ma-disappoint sila kung karag-karag lang ang kotse ko. Daig mo pa ako, Civic ang sa iyo.” “Hindi naman ganoon!” depensa niya. “Hindi naman sila titingin sa kung anong sasakyan ang meron ka.” “Ganoon na nga iyon. Sabi mo, rich ako, eh. At pa-abroad-abroad pa, di ganito na nga iyon. Panindigan na natin.” “Matt, down-to-earth ka dapat,” paalala niya. “I don’t forget. Friendly, honorable, walang ere sa katawan, magalang, mabait at kung anu-ano pang katangian. Pero higit sa lahat na iyon, in love na in love ako sa iyo.” Ngumiti ito sa kanya na may kasama pang kindat. “Iyong huli ang pinakamadaling gawin sa lahat, sa totoo lang.” “H-halos isang araw lang naman ang pretending natin. Makapananghali na tayo darating doon at bukas naman, pagkatapos ng kasal ay luluwas na tayo uli.” “Kahit ba abutin ng isang linggo, balewala lang sa akin,” wika nito. “Oo nga pala, bago ko makalimutan. Here, you need this, don’t you?” Napamaang siya sa singsing na ipinakita nito sa kanya. Dahil kay Lorelle, ang alahera na supplier din ni Eve ay natuto na rin siya sa pagtingin ng klase ng alahas. At ang nasa harap niya ngayon ay walang dudang engagement ring. A very expensive solitaire diamond engagement ring. Banayad siyang umiling. “M-meron naman ako dito. Ang balak ko’y mamaya na lang isuot bago tayo bumaba ng sasakyan.” Inilabas niya buhat sa secret pocket ng kanyang bag ang isang cajeta. Iniingatan niya iyon dahil hindi naman kanya iyon. Hiniram lang niya iyon kay Lorelle upang gamiting props. “Saan galing iyan?” At hindi niya alam kung para saan ang pagkagulat sa tinig ng binata. Tila may bahid ng galit iyon. “Hiniram ko sa kaibigan kong alahera. Iyong pinakamahal nga ang ipinagkatiwala sa aking ipahiram kaya itinatago ko muna. Kaya ayaw kong suutin muna. Mahirap na baka magasgas.” Ginawa niyang pabiro ang tono. Tinitigan siya nito na tila inaalam pa nga kung totoo ang sinasabi niya. Pagkuwa ay ngumiti. “Well, mabuti pang itago mo na iyan para hindi ka na din mag-alala na baka magasgas or worst mawala. Itong sa akin na ang isuot mo.” Hindi na rin nito hinintay na sumagot siya at kinuha na nito ang kamay niya. Sukat na sukat naman sa daliri niya ang singsing. “Matt, mukhang hindi rin nalalayo ang presyo nito sa singsing ni Lorelle,” wika niyang nakatitig sa singsing. Hindi lang iyon kasya sa kamay niya. Bagay na bagay pa. Parang gusto niyang manatili na roon ang singsing sa matagal na panahon. “Magkano ito, not less than a hundred thousand?” “Huwag mo nang isipin. Basta isuot mo na lang iyan.” “H-hindi ako sanay na may suot na ganito kamahal. Baka maiwala ko, siyempre mapipilitan akong bayaran. Masasaktan nang husto ang savings ko.” Tumawa ito nang mahina. “Hindi iyan mawawala sa iyo. Eksaktong-eksakto sa daliri mo, di ba?” “Oo. Ang ganda nga, eh.” “I should know. Pinili ko talaga iyan, eh.” Dito naman bumaling ang titig niya. “B-binili mo pa ito para sa akin?” “What do you think?” ganting-tanong nito. Si Matthew, bibili ng ubod nang mahal na singsing para lang gamiting props? Tinitigan niya uli ang singsing. Baka naman hindi totoong diamond iyon. But then, marunong na nga siyang tumingin ng totoong diamond. “Hindi ko alam, eh,” sagot niya dito. “Iingatan ko na lang.” He nodded. “Iyan, talagang fiancé mo na nga ako. How about a kiss?” He leaned down to her. “Matt…” He kissed her brief yet she felt how he nipped her lower lip and teased her tongue with his. It made her melt again. At nang tinapos nito iyon ay hindi niya alam kung matutuwa o manghihinayang. Pinili niya ang una. At mabilis na iginala ang tingin sa paligid. Baka nakita sila ng staff niya! “Relax, babe,” wika nito sa kanya na halatang alam din ang nasa isip niya. “Tinted itong sasakyan.” Then he dropped another kiss on the corner of her mouth bago tuluyang hinarap ang manibela.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD