Part 10

1171 Words
“DID YOU enjoy it?” tanong sa kanya ni Matthew. Nasa parking lot sila ng CCP at pauwi na. Tapos na ang unang pagtatanghal ng play na idinirehe nito. At hindi naman ito nagawang makalabas agad sapagkat maraming bumabati dito sa magandang palabas na iyon. Maski paano ay alam din naman niya ang hirap ni Matthew sa play na iyon. dalawang beses din siya nitong naisama sa rehearsal. At sa mga pagkakataong ion ay nakita niya ang isa pang katauhan ni Matthew. He was damn serious pagdating sa teatro. Siya ang napapakislot kapag humuhulagpos ang hinahon nito. And then she realized na ganoon nga marahil ang galaw ng mga tao doon. ang mga nabubulyawan, hindi man lang niya nakitang naapektuhan. O marahil ay iba ang paraan ng mga ito na itago iyon. Whatever it was, ang alam lang niya, kapag ipinaulit ni Matthew ang isang sequence ay mas tumitino iyon. Kaya naman alam din niyang deserving din si Matthew sa mga tinanggap nitong pagbati ngayon. At tahimik lang siyang nakamasid sa mga pagkakataong iyon. Natutuwa siyang makita si Matthew na ganito. Gumagalaw sa mismong sirkulo nito. He seemed different yet she felt it was the same man she fell in love with. Oh, yes, she was getting in love with him every day. Wala na siyang magagawa pa. Parang talagang doon na papunta ang nararamdaman niya kay Matthew. Matthew spent more time with her. He was showering her with flowers and small gifts na tila nanliligaw. Pero itinanggi naman nito nang sitahin niya. bahagi lang daw iyon ng preparasyon nila sa pagharap nila sa pamilya niya sa pag-uwi nila sa Montilla. She was disappointed na narinig iyon pero kapag naiisip niya ang mga kilos nito, nakakalimutan na rin niya ang disappointment. Matthew had become extra sweet to her. Palaging nakahawak bagaman hindi naman kailangan. Minsang nakatalikod siya ay bigla na lang siyang gugulatin sa pamamagitan ng isang pagyakap. One day, kapag bigla ay hinalikan na lang siya ng binata ay hindi na rin siya magtataka. In fact, napupuno na rin ang dibdib niya sa antisipasyong hahalikan siya nito. “Mukhang hindi ka nag-enjoy,” narinig niyang wika nito. Mabilis siyang luminga dito. “I enjoyed it, Matt. Mas na-appreciate ko ang palabas kasi alam kong sa iyo ang credit niyon. Ang galing.” Payak na ngumiti ito. “Talaga?” “Talaga. kung aayain mo uli akong manood, sasama uli ako sa iyo. Akala ko boring manood ng play pero hindi naman pala. Thanks, Matt.” Pumihit ito ng upo paharap sa kanya. “Pasalamatan mo ako sa ibang paraan, Dindin,” he said huskily. “What?” halos bulong na wika niya. parang alam na rin niya kung ano ang ibig sabihin nito base na rin sa nakikita niyang bukas ng mukha nito. And his eyes was gazing on her lips. She licked them unconsciously. He groaned at inabot ang batok niya. “Alam mo ba ang ginawa mo, babe?” He leaned closer. “You make me ache to kiss you.” At tinawid nito ang distansya ng kanilang mga mukha. Gaano katagal na ba buhat nang huling magkaroon siya ng ganitong pagkakataon sa isang lalaki? Anim, pitong taon? Her kiss initiation was from Bremond. At hindi niya alam kung matagal na ang mga taong lumipas para siya tila manibago sa kilos na iyon. And kiss with Matthew was different. It was expert, seeking sensual and oddly tender. Kung nagkataon sigurong nakatayo siya ay baka maupos siya. The kiss made her insides melt. Her mind went numb while her nerve endings seemed to burn. At nalaman niya kung bakit. His kiss drove deeper. His tongue plunged inside and touched the soft flesh of her mouth. It made her squirm. At nang sapuhin nito ang kanyang mukha upang lalo pang maianggulo ang mukha niya sa mga labi nito, nakalimutan na niya ang lahat. Maliban sa gumanti sa halik nito. “Oh, hell,” he groaned after a while at tinapos ang halik. And she was stunned. What happened? Masyado na ba siyang kulang sa practice sa larangang iyon at hindi nito matanggap ang galaw niya? Hindi niya alam kung magagalit o maiinsulto. O siguro ay nararamdaman niyang pareho ang mga iyon. Padabog siyang umayos ng upo. “Umuwi na tayo,” she said. Hindi tuminag si Matthew. “Galit ka?” “No.” Pero ang tono niya ay tila magsisiklab. “Dindin, babe…” At tumaas ang kamay nito sa kanya. Hindi pa man sumasayad ang kamay ito sa kanya ay maagap na siyang pumiksi. “Don’t touch me.” But he did. Sa mabilis na segundo ay nagawa nito na ikulong siya sa bisig nito. “Galit ka,” he stated. At isang ngiti ang sumilay sa mga labi. “Of course I have an idea why. I’ll do something about it later.” Isang halik sa sulok ng kanyang mga labi ang ginawa nito bago hinarap ang manibela. NANG MAIHIMPIL ni Matthew ang kotse sa harap ng bahay ay hindi na hinintay ni Geraldine na ipagbukas pa siya ng pinto kagaya nang sa tuwina ay ginagawa nito. She reached for the latch pero hindi niya iyon nabuksan. “Let me do the things I always do to you,” sabi nito at isang click ang narinig niya. Ito ang mabilis na bumaba at umikot sa gawi niya. Mabilis siyang bumaba. “Good night.” At tatalikuran na sana ito subalit naabot nito ang braso niya. “Hindi ko inisip na sa ganito matatapos ang gabing ito. Not when I’ve got to kiss you.” Tumalima ang mga mata niya. “Matthew.” “Let me have your key.” At kagaya ng dati, ito rin ang nagbubukas ng pinto niya. He also turned on the light for her bago muling inabot ang susi sa kanya. “Now, iyong ipinagsisintir mo—” “Wala akong ipinagsisintir,” pakli niya at pumasok na sa loob. Bago pa siya makapagtangka man lang na pagsarhan ito ng pinto ay nakapasok na ito. “It’s about the kiss, isn’t it?” he said bluntly. “Of course not!” mariin niyang tanggi. “Of course it is!” mariin ding ganti nito at bahagya siyang natinag. He stepped closer at hinawakan siya sa magkabilang-balikat. “Dindin.” Then he kissed her. His mouth touched her gently. His tongue swept the line if her mouth as gentle as the butterfly wings. He had eased his way inside at doon gumawa ng malalim na pananaliksik. “Kiss me back, babe,” bulong nito sa sandaling paghihiwalay ng kanilang mga labi at hinanap ang mga mata niya. “I like the way you kiss me back, Din. You make me want you more. Pero kailangan kong tumigil. Dahil kung hindi, makakalimutan kong nasa parking lot tayo. God, I wouldn’t get satisfied just kissing you if you kiss me like that.” . Tila nilipad sa bintana ang ipinagsisintir niya. Nang minsan pang bumaba ang mga labi nito sa kanya, gumanti siya nang buong-puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD