bc

Drowning Into Your Truthful Lie's

book_age12+
7
FOLLOW
1K
READ
revenge
love-triangle
possessive
badgirl
drama
comedy
bxg
highschool
lies
seductive
like
intro-logo
Blurb

Nakakalungkot na sa mismong kaarawan mo na dapat ay masaya ka, tumatawa kasama ang mga Mahal sa buhay pero sa kaso ni Tamia. Ang kaarawan niya ay sinira sa isang pagsasabi ng totoo lamang. Ang dapat ay masaya napalitan ng lumbay ang dapat ay nagtatawanan napalitan ng hagulgol... Pero paano kapag nakilala niya si Kurt Justine Chad Rodriguez ito ba ang magiging daan niya upang maging masaya uli? Paano sila nag-ka-in-laban? Paano nila haharapin ang masakit na nakaraan?

chap-preview
Free preview
Prologue
“Kung hindi mo kayang magbago rito, pwes ipapadala kita sa probinsya ng lolo mo...” Malamig na sabi ni daddy, nanlalaki ang matang inangat ko ang tingin sa kaniya. “What? Dad, Ayaw ko du---” “Gustohin mo Maria,” Igting pangang pigil niya sa'kin, napanguso ako. Tsk! Saan na namang kagubatan ako ipapatapon ni dad? May signal ba do'n? Hindi talaga kita mapapatawad dad 'pag may namissed akong episode sa palabas ni oppa song jong ki ko. “Pero dad please, parusahan niyo nalang ako na mag linis ng kotse niyo araw-araw. Wag mo na lang ako ipatapon dun sa masungib na lugar na 'yon.” Pagmamakaawa ko tiningnan niya ako ng masama. “Masungib huh,” Tatango-tangong usal niya, napayuko ako.“Bakit nakapunta ka na ba do'n?” Sarkastikong tanong niya sa'kin,umiling ako. “Hindi pa d-dad...” Utal kong sagot,bumuntong hininga siya. “Tsk! Then what the fvck are you saying that it is masungib?” Galit na sigaw ni dad sa mukha ko, napalunok ako. Sinabi ng kutob ko dad. “F-feel ko lungs?” Patanong na sagot ko, nasapo niya ang noo at tiningnan ako ng napakasama. Piece dad, daga ako tigre ka. “Get out of my sight Maria!” Galit na talagang sigaw niya napapikit pa ako sa gulat. Para namang nasa k-drama ako neto, pinapagalitan ng daddy niya ang bida BWAHHAA--- “Honey, what's going on here? Why are you shouting?” Nagliwanag ang mukha ko nung marinig si mommy, nilingon ko kaagad siya sa pintuan nakakunot ang noo niya na animong hinihintay ang sagot namin. Nakasuot pa rin si mom ng puting roba niya,oo isa siyang doctor at si daddy naman isang engineer. “Mom!” Masayang tawag ko sakaniya kunot noo parin siyang lumapit sa'min. “Maria baby, ano na namang kagagahan ang ginawa mo?” Kunot noong tanong ni mommy, napanguso ako. Hindi ko naman talaga tinulak si Charmaine sa hagdan, sadyang ang likot niya lang talaga. “A-aksidente ko p-pong natulak si Charmaine sa h-hagdan...” “What?!” Gulat na tanong ni mommy, Inasahan ko naman na to. “W-where's Charmaine?!” Kinakabahang tanong ni mom kay dad, bumuntong hininga pa muna si dad. “She's in her room, nagpapahinga matapos mahimatay kanina.” Randam ko ang pandidiin ni dad sa mga salitang binitawan niya pero pinapalabas ko lang sa kabilang tenga ko. Sawa na ako sa mga sermonng ganito, wala nabang ibang lines dyan? Bruh! “Is she okay?” Nag-aalalang tanong ni mom, nakaramdam ako ng inis. Bakit pag si Charmaine grabe kayo kung mag-alala akala niyo naman mamamatay na yung kolerang yun. “Mm...” Tanging tango lang ang naisagot ni dad, bumaling si mommy sa'kin bahagya pa akong nagulat nung makitang ang sama ng tingin niya. Mababasa mo sa mata niya ang pandidiri at pagkadismaya, Mapakla akong ngumiti sa naisip, psh! First time ko atang nakita tong ganito ako tignan ni mommy, “What's wrong with you, Tamia? Why did you hurt your little sister?”Galit na tanong ni mommy napamaang ako. Hanudaw? L-little sister? WAHHAHA little sister kuno! f**k mom! She's not my fvcking sister?! “Correction mom, It's evil sister.” Sarkastikong sagot ko, namamangha nila akong tiningna'ng dalawa. 'di pa kayo nasanay? “What happened to you Maria? Where's my lovely Tamia?” Nanghihinayang na tanong ni dad, hindi ako nakasagot nagbaba tingin na lamang ako. I'm not your lovely Tamia anymore dad, you all made me like this. “Wag niyo na pong pagalitan si ate Tamia mom, It's my fault naman po kung bakit ako nahulog sa hagdan.” Napairap ako sa kawalan nung biglang sumabat ang artistahin kong kapatid. Yeah, mabait siya pag kaharap namin sina dad, pero pag pareho silang wala dito sa bahay kawawa ang mga katulong at mga body guards namin dito, She's a real devil, Malaanghel sa labas malademonyo sa loob. “Oh my god!” Anas ni mom nung makita ang kabuuan ni empakta. Psh! Mom naman wag oa, napilayan lang yan malayo sa bituka. “I'm okay mom,” nakangiting sabi ng empaktang kapatid ko kay mom. “No your not okay Charmaine, look at yourself! Puno ka ng pasa, I don't think nahulog ka lang sa hagdan...” Inis na ani mom at bumaling sa'kin,palihim akong ngumisi nung makita ang pang-aasar ni Charmaine sa'kin sa likod ni mom. Hindi ako naasar, gusto ko lang sakalin siya. “Tamia?” Tawag pansin sa'kin ni mom,bumuntong hininga ako. “Hindi ko siya ni-wrestling mom.” Pagsisinungaling ko, nag-igting ang panga nila. “Tsk, your lying again Maria!” Galit na anas ni mom sabay sapo sa noo niya mabilis siyang nilapitan ni dad at inilalayang umupo sa sofa. Psh! Ayaw niyo namang magsabi ako ng totoo. “Go to your room, NOW!” Galit na sigaw ni dad tiningnan ko siya sa mata, nagtatanong. Tatay ba talaga kita? “Tsk.” Singhal ko akmang tatalikod na sana nung biglang magsalita na naman si dad. “Mag-impake ka na...” Napapabuntong hiningang utos niya, parang gumuho ang mundo ko nung sinabi niya ang mga salitang yun. Damn! Tamia, kailangan mo ng masanay hindi na sila yung magulang na kinalakihan mo, Hindi na sila yung magulang mo na minahal ka, Hindi na sila yung magulang mo na inaalala ka. “What? Mag-impake?” Takang tanong ni mommy, walang gana ko siyang tiningnan. “Oh, she will be goin' at Grandpa's place mommy...” Maarteng sabat ni Charmaine,napairap ako at hinarap muli sila. Napangisi pa ako nung makitang nakaupo silang tatlo sa sofa at nasa gitna na yung empakta, naalala ko yung sarili kong nakakandong kay mommy noon habang ginugulo ni daddy yung buhok ko. Pero nawala lahat yun no'ng dumating 'tong empakta kong kapatid, she's not truly my sister, she's adopted. I'm not jelous, hindi talaga. “What? Are you serious, Jackson? Pa'no pag-aaral niyan? Wala pang bakasyon? Why do you want to send her away all of a sudden?” Sunod-sunod na tanong ni mom, napabuntong hininga si dad at tiningnan ako ibinaba ko ang paningin sa sahig. “Look at her honey, she's getting wild I don't know how to treat her the way I did back then...” Paliwanag ni dad mas lalo akong napatungo sa sahig. Nakita ko sa peripheral vision ko ang bahagyang pagngisi ni Charmaine, bumuntong hininga ako. Hindi ako naiinis. “But hon, do you think magbabago siya pag pinadala mo siya dun sa lugar ni papa?” Patungkol ni mom kay lolo. “I trust her, alam kong babalik yung dating tamia'ng hindi sinungaling, hindi mataray, hindi nakikipag-away, at higit sa lahat yung tamia'ng Mahal na Mahal ko.” Naingat ko ang tingin kay dad binigyan niya ako ng matamis na ngiti, napabuntong hininga si mom. Kumirot ang puso ko pero hindi nun magawang paiyakin ako, para sa'kin... 'crying in front of your family is bullshit!' Hindi ko rin alam kong bakit nag-kagan'to ako, pero nag-simula lang naman 'to nung pinagpalit niyo ako sa demonyetang ampon niyo. Iniwas ko ang paningin at nahigip nun ang empaktong si Charmaine na kinakagat ang kuko sa inis. Binlangko ko ang mukha ko, tiningnan ko siya sa mata nilingon niya ako at pinandilatan. Palihim akong ngumisi, Wait, what time is it? Baka may update na sa palabas ng oppa ko. “Dad, papadalhan mo ba siya ng pera buwan-buwan?” Kunwaring takang tanong ni Charmaine tiningnan ko sila dad, nagkatinginan sila ni mom. “Hindi.” Maikling sagot ni dad ngumisi si Charmaine,napalunok ako. B-bakit? “Jackson...” Tawag ni mom kay dad, “Bakit?” Wala sa sariling tanong ko nilingon naman nila ako. “Gusto niyo 'kong ipatapon sa probinsyang 'yon, tapos hindi niyo 'ko bibigyan o papadalhan man lang ng pera? What the fvck dad?!”Galit na mura ko, nakita ko ang pagkagitla ni dad sa inasta ko. Habang si Charmaine nanatiling nakangisi nilalaro ang buhok. Wala talaga akong mapapatay pag nagtagal pa ako dito. “Tamia,” sita ni mommy sa'kin nilingon ko siya, umiling siya na animong hindi nagustuhan ang ginawa ko. Ha! Tuluyan na nga talagang tinalikuran ako ng sariling mga magulang ko, okey then... “Tam--” “Fine,” Napapaatras na pigil ko kay dad nung akmang magsasalita na sana siya. Tumigil ako at sinulyapan ang demonyetang nasa gitna nilang nakangisi. I will never forget you Charmaine Rose, babalik ako at babawiin lahat ng kinuha mo sa'kin. Sisiguraduhin kong hindi ka na makakabalik sa pamilyang 'to.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
819.2K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
35.7K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
10.4K
bc

The Lone Alpha

read
125.5K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
612.7K
bc

Bad Boy Biker

read
8.7K
bc

The CEO'S Plaything

read
19.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook