CHAPTER 2

5000 Words
Napansin ni Lorlien na sa tuwing magkasama sila ni Philip lagi na lamang itong matamlay. "Bhe kumusta na pala si Sonia ang kaibigan mo." tanong nito sa kanya. "Si Sonia na naman? Ano ba? Sa tuwing magkasama tayo lagi nalang nakasingit ang pangalan niya !"galit niyang sagot rito. Inamin ni Lorlien ang sitwasyon nila ngayon ng kaibigan niya. "Hindi na kami nakatira ngayon sa iisang apartment..."pormal niyang pag aamin nito sa binata. Nabigla si Philip sa sinabi ng syota. "Huuh...? Kelan pa? Ba't hindi mo sinabi sa akin." "Huuh..?ba't naman kelangan mo pang malaman. ? Bhe ako ang syota mo pero bakit parang nasa kanya ang simpatya mo?" pagpapaliwanag nito sa kanya habang tinuturo ang kanyang sarili. Naaawa si Philip rito. Shinota nya ito, para mapipigil na ang kahibangan ng kanyang magulang na ipakasal siya sa anak ng kasosyo nila sa negosyo. In short si Lorlien ang nagsagip sa kanya. "Sorry Bhe mabait si Sonia at minsan ko na din siyang naging kaibigan." hinimas himas nito ang kamay ng dalaga. Spoiled si Lorlien kay Philip. Lahat ng gusto nito ay siyang masusunod. Napamahal na din ang binata sa dalaga, pero mas matimbang sa puso niya si Sonia. May bubuksan si Philip na branch sa Batanggas. At sa weekend ay magkakaroon ito ng Grand opening. Lahat ay invited kasali na doon ang kasintahang si Lorlien. Ngunit hindi maging kumpleto ang okasyon kung wala doon si Sonia. Siya ang dahilan kaya sila muling nakabangon. Naalala niya noon, lahat ng negosyong iniiwan ng Daddy niya sa kanila ng Mama niya ay nalugi dahil sa kapabayaan niya. Kaya binenta nila ang shares ng Daddy niya kay Don Juan Salazar. Binili ni Don Juan ang shares ng papa niya ngunit sa isang kasunduan pakakasalan nito ang nag-iisang unica Hija niya. Buntis ito, kaya humanap ng lalaki si Don Juan para aako sa batang nasa sinapupunan ng anak niya para maiwasan nila ang malaking kahihiyan sa pamilya.Pumayag ang mama niya na labag sa kalooban niya. Sa gabi ng announcement ng kanilang kasal ay hindi siya sumipot. Naglasing siya s isang beerhouse na malapit lang din sa beerhousena pag-aari ni Madam Ching. Pauwi na siya noon ng muntik siyang maksagasa ng isang dilag. Naglalakad ito hawak-hawak ang mumurahing cellphone. " Hooyyy, babae TANGA kaba?" mura niya rito "Hindi mo ba nakita lagpas kana sa walking lane..." dugtong pa niya rito Tiningnan ng dalaga ang balingkinitan niyang binti kung nagagalosan ba sa pagsubsub ng kotse ng binata. Para iyong slow motion sa paningin ng lalaki ng humarap ito sa kanya galing sa kanyang pagkakayuko. Maganda ito, na may katamtaman ang laki ng mga mata.Hindi gaano matangos ang ilong. Ang mga mata nito ay tila nangungusap. Morena ang kutis na may balingkinitan ang pangangatawan. Nakalugay ang mahaba, maitim at bagsak nitong buhok sa siyang nagsisilbing takip sa hubog ng kanyang katawan. Hindi ito katangkaran pero, napakahaba ng binti nito kung tingnan. Malakas ang t***k ng kanyang puso na hindi pa niya kelan man nararamdaman. Ng makita niya ang maamong mukha nito ay agad siya bumalik sa loob ng kotse. Ayaw niyang makita itong nagagalit sa kanya. Simula noon si Sonia na ang hinahanap ng puso niya't isipan. "Hahanapin ko siya." ang nasabi na lamang niya habang nagmamaneho. Hinanap niya angp dalaga. Bumalik siya kung saan niya ito nakita. At hindi naman siya nahihirapan na hanapin ito. Nakita niya ang ang hinahanap niya sa Club na pag mamay-ari ni Madam Ching. Nalaman niyang, doon pala ito nagtatrabaho. Sa tulong ni Lorlien, nalaman niya ang buong pagkatao ni Sonia. Naawa siya sa dalaga, at gusto niya itong ilayo sa lugar na pinagtatrabuhan nito. Simula ng may nangyari sa kanila. Nagbago ang pananaw niya sa buhay. Doon siya kumuha ng lakas sa dalaga, para makabangon muli. Pumunta siya sa Amerika para baguhin ang takbo ng kanyang buhay. Doon nagsimula siyang mangarap. Nagtrabaho siya sa Tequila Wine Company. At ng makapag ipon ay umuwi siya sa bansa at nagsimula ng Tequila wine Company sa Pinas. Komontak siya ng maraming investors sa ibang bansa. At nakipagdeal naman ito sa kanya. Kaya pupuntahan niya si Sonia, para imbetahan ito. "Kuya diyan lang po sa bakery." para niya sa manong driver. Alas 4:00 na ng hapon ng siya ay makauwi. Nagtaka siya sa nakaparadang kotse sa kabilang kalye. Kilala niya ang kotse. Hindi niya alam kung maging masaya ba siya o hindi. "Binisita siya ni Lorlien at kasama nito si Philip."isip niya. Binilisan niya ang paglalakad, hanggang sa matanaw niya ang gate ng kanyang apartment. Sa labas nito ay may nakaupong isang lalaki. Naka shirt ito na may manggas. Pina-paresan iyon ng kulay black na pantalon. Agad naman siyang nakita ng binata ng lumingon ito. Tumayo ito mula sa pagkakaupo, at hinintay siya habang papalapit. "Sonia andito kana pala." sabi nito sa kanya. "kasama mo ba si Lorlien? Asan siya?" lumingon lingon pa siya ng makita niyang nag-iisa lang itong nasa labas. "Hindi ko kasama si Lorlien, ako lang mag-isa." sagot nito sa kanyang titig na titig sa mukha niya. Nag-iba ang reaksyon ng kanyang mukha. "At bakit ka nandito?, anong pakay mo? ? ? Wag mo na akong guluhin , please...," mahina iyon pero may halong galit ang tono nito. "No... Sonia hindi ako nandito para guluhin ka. Gusto lang kitang imbetahan." sabay abot ng invitation Card sa dalaga. "Imbetahan? Para saan? Para sa kasal nilang dalawa....????ooohhhh, no hindi" pagtutul ng isipan niya. Matagal din niyang kinuha ang inabot nito sa kanya. Nagdadalawang isip parin siya kung kukunin iyon o hindi. Pero curious siya sa laman nito. Kinuha niya ang maliit na card na inabot sa kanya. Parang may ginhawa siyang nararamdaman ng malaman niya kung para saan ang invitation na iyon. "Sigurado kaba talagang invited ako dito?" tanong niya habang binabasa ang laman. "Oo Sonia..., aasahan kong makakapunta ka, wag mo akong bibiguin." Hindi siya sumagot. Tumalikod siya at iniwan na ang binata sa labas ng gate. Lagpas alas dose na ng gabi, pero hindi pa rin siya makatulog. Iniisip niya ang invitation sa kanya ni Philip. Sa Sabado na iyon pero undecided pa rin siya. "Magmukhang tanga lang ako doon sa maga mata ng Pamilya, kaibigan at mga kasosyo sa negosyo ng binata." ang sabi niya sa kanya sarili. Palimbag limbag siya sa higaan. Hanggang tuluyan na siyang nakalimot. Di inaasahang bisita ang dumating sa apartment ni Sonia kinabukasan. "Uyyy Sherly ikaw pala. Dali tuloy ka. Buti naman at naisipan mong dumalaw dito sa apartment." masayang sabi niya rito. Mabilis naman itong umupo at parang nagmamasid sa buong paligid. Habang kumuha siya ng maiinom. "Siguro may kelangan ka nooh..?, kaya ka naparito."biro niya rito. "Oo, tungkol sa party ni Philip ngayong sabado. Pupunta ka ba?" tanong nito sa kanya habang iniinom ang tinimpla niyang juice. "Di pa ako sure...maalayo ehh." "Huuuhhh.? Anong hindi sure? Malayo lang naman yon kung babaktasin natin." tumawa itong sumagot sa kanya. "At hindi pweding hindi ka pupunta doon. Nagpromise ako kay Philip na makakapunta tayong tatlo doon."dugtong pa nito. "Anong promise?"nabigla siya sa sinabi ni Sherly. "Oo Sonia, nagpromise ako kay Philip na makakapunta tayo doon. Makulit ehhh..."irap nito sa kanya. Sa pangungulit ni Sherly sa kanya'y napa oo siya nito. Matapos mag-usap ay sumama siya sa dalaga. Gumala-gala sila sandali at isinama na rin siya nito sa trabaho. Na-enoy naman siya na kasama ito. Naibsan ang lungkot na nararamdaman niya. Samatala biglang nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang lalaking paparating. "Philip?" hindi niya mapigilang nasambit ang pangalan nito. Agad naman lumingon si Sherly sa likuran. Kausap ng lalaki si Jack at parang siya ang pakay nito. Kumaway naman ang bagong kaibigan sa lalaki. Agad naman sila nitong nakita. Lumakas ang pintig ng kanyang puso lalo na ng tumabi ito sa kanya. Pero may syota na ito ang kaibigan niya. "Sonia iwanan ko muna kayo." pagmama-alam ni Sherly sa kanila. Wala siyang nagawa kundi harapin ang lalaki. Hinawakan nito ang kamay niya, hindi niya alam kung bakit sa tuwing maramdaman niya ang balat nito ay naging mahina siya. "Sonia, aasahan kong makakapunta ka." muli nitong pagpapaalala sa kanya. Hindi siya nakasagot. Para ng tambol ang t***k ng puso niya. Hindi na niya ito mapipigilan. "Alam ba ni Lorlien na andito ka?" pinilit niya ang sariling magsalita habang winaksi ang kamay ng binata. "Hindi, wala naman sigurong masama kung pupunta ako dito." Umabot ng kalahating oras ang kanilang pag-uusap. Doon nalaman niya ang pinagdaanan ng lalaki noong gabing malapit siyang masagasaan. Unti-unting gumaan ang loob niya rito. Mabait pala ito nagkamali siya sa akala niya noon. Sa ikalawang pagkakataon ay muling nangyari ang nangyari noon. Napasarap ang kanilang kwentuhan at inuman hanggang sa sila ay malasing. Sa kagustuhan ay siya nito. Hindi na niya alam ang mga sunod na nangyari. Nagising na lamang siyang, kayakap ang lalaki. "Ohh my God! ba't siya nandito sa apartment ko?" gulat niyang sabi habang tiningnan ang sarili na walang saplot. Pareho silang nakataklop sa iisang kumot. Agad namang nagising ang lalaki ng akmang tatayo siya. "Sonia I'm sorry.Hindi ko sinadya ang nangyari." hingi ng paumanhin nito sa kanya. Kinapa ng lalaki ang kanyang saplot malapit sa tabi nito. At nang makapagbihis na ay tumayo na. Iniaabot din nito ang kanyang damit habang nakatalikod. Agad naman iyon kinuha ng dalaga at sinoot na rin. "Parehong tayong lasing kagabi. Kung ano man ang nangyari sa atin ay kalimutan na natin." sagot niya rito. Nakaramdam siya ng guilty. Babae siya, pero bakit parang siya pa yata ang may mali. "Makakauwi kana." binuksan niya ang kwarto, para palabasin ang binata. "Sonia.. sana naman sa nangyari sa atin ay makakapunta kapa rin sa Sabado." muli ay nagpa-alala ito. Nabibingi na siya sa mga katagang iyon. Hindi lamang isang beses iyon pinaalala ng lalaki. Samantala ang hindi alam ni Sonia ay pumunta pala ang dating kaibigan sa Club. Nagtanong-tanong ito kung nakita ang syota sa gabing iyon. Dahil sa marami ang nakakita sa kanila hindi maitatanggi ni Sherly at Jack katotohanan. Tumataas na naman ang dugo ni Lorlien sa kanya. Dumating ang araw ng Sabado. Maraming bisita, lahat ay naka toxedo. Lahat ng bisita ay nakakotse maliban sa kanilang tatlo ni Jack at ni Sherly. Galing manila ay nag Van-van sila. Pagdating ng terminal ay sumakay na naman sila ng tricycle sa lugar kung saan gaganapin ang okasyon. Malaking Building ang bumunggad sa kanila. "Sherly, wag nalang kaya tayong tumuloy." pag-aalangan niya. "Hindi pwedi, andito na tayo." tutol ni Sherly sa kanya. "Hoy, ano na. Mag-uusap nalang ba kayo diyan sa labas." tawag sa kanila ni Jack na nauuna na pala sa kanilang lumakad. Walang nagawa si Sonia kundi ang sumunod sa dalawang kasama. Pumasok sila sa loob. Hindi sila makapaniwala na ganun kalaking event pala ang dadaluhan nila. Tila lahat ng mga bussinesman sa lahat ng sulok ng bansa ang present sa event na iyon. Doon lamang nila nalaman na hindi lang pala dito sa pinas mayroong branch ang Tequila Wine Company. Meron din pala itong mga branches sa ibang bansa. Sa entablado kita nila ang malaking screen monitor. Nakasulat doon ang WELCOME GRAND OPENING, FELI'SO TEQUILA WINE COMPANY BATANGGAS BRANCH PHILIPPINES Di nagtagal nagsimula na din ang event. "Let us welcome to our CEO Presedent. Felipe Mondragon III." Sa mga oras na iyon nagmumukhang stranghero si Philip sa mata nila ni Sherly. "Ang yaman pala ni Philip.!!!" napapawow si Sherly sa nakita kay Philip habang nasa entablado ito't nagsasalita. Samantalang si Sonia ay tahimik lamang na pinanood ang binata. Sa di kalayuan natanaw ng Mrs. Mondragon ang bisitang hindi pamilyar sa kanya. Nilapitan iyon ng nobya ng kanyang anak... Curios siyang malaman iyon. Nanlaki na lamang ang kanyang mga mata ng makitang sampalin ng nobya ng kanyang anak ang isang babae. Napahawak si Sonia sa kanyang pisngi ng sampalin iyon ni Lorlien. Inawat ni Jack at ni Sherly ang dalaga na tila sasambutanutan siya nito. Lahat ng bisita ay nakatingin sa kanila. "Napakalakas naman ng loob mong pumunta dito! Matapos mong akitin ang nobyo ko. Hindi ka pa rin nahiya." galit na galit na sabi nito sa kanya. Para siyang natunaw sa kahihiyan. Buti nalang andiyan si Jack sa tabi niyang nakahawak sa kamay niya. Tumayo siya, at minabuting hindi sagutin ang mga bintang sa kanya ni Lorlien. Kilala niya ang kaibigan kung magalit. Wala itong sinasanto. Hindi ito ang tamang oras at lugar para makipag-argumento dito. Akmang tatayo na sana siya para aalis sa lugar na iyon. Ngunit muli siyang binanatan ng masasakit na salita. Mga salitang hindi niya inaasahan sa bibig ng kanyang matalik na kaibigan noon. "Alam nyo ba, na ang babaeng ito ay daig pa sa isang SAWA....kung makatuklaw. Siya lang naman ang sawang best friend ko noon na tinuklaw ang nobyo ko. Si Philip. Manang mana sa ina na tinuhog lahat ng kabayawan niya....!" Nagbulong bulongan ang lahat ng mga bisitang andon. "Oh my Goodness!"nasabi na lamang ni Mrs Mondragon. Hindi natapos ang speech ni Philip ng makitang mukhang nag eeskandalo ang nobya niya. At mukhang si Sonia ang pinag-iinitan. Agad siyang nakababa sa entablado para awatin ang nobya.Ngunit hindi na niya naabotan si Sonia. Mabilis itong tumakbo palabas. Sumunod naman si Jack at si Sherly sa kanya. "Bhe, ano ba?stop it" pigil niya sa nobya, habang hinawakan ang dalawa nitong balikat. Doon lamang natauhan si Lorlien ng marinig ang boses ng nobyo. Hindi alam ni Philip na kanina pa pala sa likod niya ang kanyang mama. At hindi niya napansin na unti-uting ng nagsiuwaian ang mga bisita. "Oh..Philip is this kind of woman, you want to marry? She is not a woman I wished for you. Wala siyang delikadesa." pagmamaliit ng mama niya sa nobya. "Masisira lang ang pangalan mu sa kanya, just what she did tonight. Sinira niya ang gabing ito." taas kilay nitong sabi. Tumingin siya sa kanyang mama habang hinawakan ang kamay ng kanyang nobya para pigilan ang nararamdaman nito. Ngunit pilit iyon na winaksi ng dalaga at tumakbo palayo. Grabe ang insultong ginawa sa kanya ng mama ni Philip. Ngunit ni isang sagot ay wala si si Lorlien narinig sa bibig nito para ipagtanggol siya. "Bhe....--" tawag nito sa nobya. Ngunit para itong asong tumakbo palayo ni hindi man lang ang siya nito nilingon. Dahil sa ma-ilan ilan na lamang ang bisitang naroon natigil ang okasyon ng wala sa oras. Lahat ng mga foriegn Investors ay nagsiuwian na din. Namumugto parin ang mga mata ni Sonia sa kakaiyak. Hindi niya labis maisip na sukdulan ang galit na nararamdaman sa kanya ng kaibigan. Hindi niya malimot-limot ang huli nitong sinabi sa kanya "mana sa ina na tinuhog lahat ng kabayawan niya." Para iyong tambol na umalingaw-ngaw sa tenga niya. Unti-unti na niyang nalilimutan ang mapait na ala-ala sa kanyang buhay noong siya ay bata pa. Ngunit ngayon, pilit iyong bumalik sa kanyang memorya. Lahat ng hirap at sakit na nararanasan niya. Ang pinakamahirap ay ang pagbaboy na ginawa sa kanya ng tiyohin. Napahagulhol na naman siya ng maalala iyon. Parang gusto na niyang tapusin ang buhay niya, ng sa ganun ay tuluyan na niyang malimutan ang lahat-lahat. "tok!tok!tok!tok!" Malakas na katok ang gumising sa kanya, isang umaga. "Ate may tao ba dito?" boses iyon ni Sherly. "Wala yata." sagot naman ng kapitbahay niya. Hindi nagtagal, parang umalis na din ito ng wala na siyang boses na narinig na nag-uusap. Tiningnan niya ang kanyang phone. Lahat iyon ay halos galing kay gregor. Labis na itong nag-alala sa kanya. Binasa niya ang lahat na mga message na iyon. Hindi niya namalayang napaluha na naman siya. Hindi pala siya dapat mawala sa mundo. Dahil may nagmamahal pa sa kanya. Naghihintay ito sa kanya. At tanging kasagutan na lamang niya ang kulang para luluwas ito sa Pinas. Hindi mapakali si Philip habang hawak-hawak ang cellphone niya. Napansin naman iyon ng mama niya. "Hijo what's wrong? May nangyari ba sa opisina"? Tanong nito sa kanya. "A little bit problem, mom." maikli niyang sagot rito. "About what..? Why don't you share your promble with me. Maybe I can I help you Hijo." pangungulit nito sa kanya. "I can handle it mom. It's a small isuue.." pagpapaliwanag niya. Minabuti niyang hindi sabihin sa kanyang mama na may problema siya kay Lorlien. Kelangan niya itong puntahan ngayon na. Naiwan si Mrs. Mondragon na naging palaisipan ang problema ng anak. Kilala niya ang Unico Hijo niya, hindi ito mapakali kapag merong problema. Katulad lamang noong nalugi ang kanilang kompanya hindi ito mapakali sa kakahanap ng solusyon para lamang masalbar ang kompanyang pinamana ng kanyang papa. Ngunit dahil sa wala na itong nahanap na sulosyon kaya napagpasyahan niyang tanggapin ang alok na kasunduan na ipakasal ito sa anak ni Don Salazar. Akala niya bukas ang kalooban nitong magpakasal sa dalaga. Ngunit hindi pala. Hindi ito sumipot sa gabi ng kanilang engagement party. Noon galit siya sa anak dahil sa kahihiyan na ginawa nito sa kanya hindi lamang sa kanya kundi sa buong angkan ng Mondragon. Nagpakalayo-layo ito, hanggang sa bumalik siyang dala ang tagumpay. Natuwa naman siya sa nasaksihang tagumpay ng anak , ngunit ang hindi niya matanggap ay sa likod ng tagumpay nito ay kasali pala doon ang babaeng nagngangalang Lorlien. Tataas lagi dugo niya rito kung ito ang kanyang maging manugang. " Hindi maaari...!" sigaw ng isip ni Mrs. Mondragon. "Bhee...'Im here!" tawag ni Philip sa nobya. Agad iyon binuksan ni Lorlien ng marinig ang boses ni Philip. "Are you okay?" pag-alalang tanong niya rito. "I will take you in the hospital bhe, for check up". "Wag na bhe."pigil nito sa binata. "Are you sure?" paninigurado niya. "Oo." maikling sagot ni Lorlien habang tinitigan ang nobyong nag-aalala sa kanya. "Bhe magdadalawang buwan na ang dinadala ko, hanggang kelan tayo maging ganito.?" Bigla siyang natahimik sa tanong na iyon. Anak niya ang nasa sinapupunan ng dalaga. Hanggang kelan nga ba silang maging ganito? Ayaw niyang magmula't ang anak niyang ganoon ang kanilang sitwasyon. Naaawa siya sa dalaga. Mag-isa itong nakatira sa kanyang apartmen. Wala kasamang aalalay sa kanya sa mga oras na mag-iba ang pakiramdam. Katulad lamang ngayon na nag-iba ang sikmura. Kelangan pa itong tatawag sa kanyang cellphone para ipaalam. "Bhe ba't hindi ka makasagot?talagang ganito nalang ba tayo.?"putol nito sa kanyang katahimikan. Naaawa siya rito. Anak niya ang dinadala nito ngayon. Pananagutan niya ito, sa ayaw at gusto ng kanyang mama. "Pananagutan kita bhe. Bukas na bukas sa bahay kana titira." hinimas himas niya ang tiyan ng nobyo at hinawakan ang mga palad nito. "Ipangako mo lang sa akin bhe na aalagaan mo ang sarili mo, para sa ating anak. Huwag kang ma estressed sa kakaisip ng kong ano-ano. Nakakasama sa baby natin yan." Umaliwalas ang mukha ng dalaga ng marinig ang pangako ng nobyo. Napayakap na lamang siya nito, at siniil ito ng halik. Ginantihan naman iyon ng malalim na halik ni Philip. Ang halik na iyon ay umabot ng sigundo ng muling gantihan iyon ng dalaga. Magaling si Lorlien magdala. Alam nito kung paano dalhin ang nobyo at kung ano ang pinakagusto nito. Walang nagawa si Philip kundi ang sumandal na lamang sa bubong at hayaan ang nobya sa mga gagawin nito. Natapos ang gabing puno ng lampungan. "Caridad, nasan si Philip.?" tanong ni Mrs. Mondragon sa Comadrona ng mapansing isa lamang ang nakalagay na plato sa lamesa. Nasanay na siyang kakain ng agahan na kasabay ito palagi. "Hindi pa po umuwi madam kagabi pa po." sagot nito. "Wala ba siyang sinabi sayo nung umalis siya.?" "Wala po madam." maikli naman nitong sagot. Walang nagawa si Mrs. Mondragon kundi ang kakain na lamang. Pagkatapos niyang kakain pupunta siya sa opisina ng anak para alamin ang pinagkabusyhan nito. "Pottt....pooottt....pooottt...." pogpopot-pot ni Philip sa kotse. Agad namang binuksan iyon ng kanilang hardeñerong si Tatay Paeng. Napanganga si Lorlien sa lawak ng bakud ng bahay nito. Lalo siyang humanga ng bumaba sila sa loob ng kotse. Nagsiunahan ang mga katulong nitong kunin ang kanilang mga dala. Lahat ng iyon ay mga bag niya. " Bhe, tara na. Pasok na tayo sa loob." hinawakan nito ang kamay ng nobya. Nakakatulong iyon kay Lorlien para palakasin ang kanyang loob. Hindi man sinabi ng nobyo na hindi siya gusto ng mama nito. Naramdaman naman niya iyon. Minsan na siya pinakilala nito, at halata naman na wala itong gusto sa kanya. Lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa malapad na kamay ni Philip ng sumalubong sa kanila ang matandang Mondragon. "Hijo , where have you been last night.?" salubong na tanong nito sa anak. Ngunit napahinto ito at tumingin sa kanya. "Why she's here?" "Mom , si Lorlien dito na siya titira.?" maikling sagot nito sa ina. "WHAT? Are you serrious?" nanlaki ang mata nito sa sagot ng anak. "Mom, buntis siya. Please respect her. Ina siya sa maging anak ko, at sa maging apo niyo." pagtatanggol nito sa nobya. Sa puntong iyon hindi na sumagot si Mrs. Mondragon. Walang siyang nagawa kundi taasan ng kilay ang dalaga. Matapos ipagtanggol sa mama ng nobyo panatag na siya ngayon. Kasama na niya ang pinakamamahal niya at wala nang sinumang makakaagaw nito sa kanya kahit pa si Lorlien at kahit pa ang matandang magulang nitong si Mrs. Victoria Mondragon. Hindi na sila nito mapapahiwalay lalo na sa sitwasyon niya ngayon. Magagamit niya ang batang nasa sinapupunan niya para pakakasalan siya ni Philip. At maging isang ganap na Mrs. Lorlien Mondragon. Gayunpaman, hindi niya nakakalimutan ang mga kapatid niyang naiwan sa probinsiya. Bago siya umalis sa kanila nangako siya mga ito na babalikan sila. At ngayon nga unti-unti nang natupad ang minimithi niya sa buhay. Nakapag-asawa na siya ng mayaman. Ngunit hindi pa yun sapat. Kelangang mapakasal siya nito sa lalong madaling panahon. Sa kabilang daku muling nag propose ang 48 yrs. old na kano, "Please Marry Me..." "Yess I Will...." maikling sagot niya sa proposal nito. Kitang-kita niya sa mga mata nito kung gaano ito kasaya. Napalukso pa ito sa tuwa. Dinikit nito ang kamay niya sa screen ng computer, at ganun din sa kanya. Magkaaklob na ngayon ang kanilang mga kamay sa screen. Isang buwan bago dumating ang fiance niyang si Gregor. May napansin siya sa kanyang sarili. Laging masama ang kanyang pakiramdam. Nakakalarma na ang lagi niyang pagsusuka at walang ganang kumain. "Congratulations! You're three months and one week pregnant."nakangiting sabi sa kanya ng ni Dra. matapos siya magpultrasound. Hindi niya alam kung matutuwa siya sa kanyang narinig. Kung kelan siya magpapakasal na ay tsaka lamang siya mabuntis. Tulala siyang lumabas sa OPD ng hospital. Dinala siya ng kanyang mga paa sa beerhouse ng dati niyang pinagtrabahuan. Kelangan niya ng kausap, para lakasan ang kanyang loob. Pagpasok pa lamang ay nakita siya agad ng kaibigang si Jack. Busy ito. Tumango ito sa kanya ng makita siya. Di nagtagal lumabas si Sherly. Malayo pa'y nakangiti na ito sa kanya. "Ayy, salamat naman at nagpakita ka. Panay ang punta ko doon sa apartment mo, lagi naman walang tao." sabi nito sa kanya habang binubuksan ang order niyang beer."kumusta kana pala.?" Hindi siya sumagot, hindi niya alam kung paano niya simulang sabihin kay Sherly ang sitwasyon niya ngayon. Nagpatuloy lang siya sa pag-inom. Hanggang mahalata na ng kausap na meron parin siyang mabigat na dinadala. "Son, may problema ba." hindi ito pinakawalan ang titig sa kanya."kung may problema ka andito lang ako, pwedi mung ishare sa akin." hinawakan na nito ang kamay niya. Tila naramdaman nito ang kanyang pinagdaanan. "hu...hu...hu..hu..." hindi na niya napigilang umiyak. Niyakap na siya ng bagong kaibigan. Tinahan siya nito habang hinahaplos haplos ang kanyang likod. "Sher, buntis ako...hu...hu...hu..."pagtatapat niya sa kanyang problema. Nanlaki ang mga mata nito at tumingin sa kanya ng deretso, "Huuh? I mean sino ang ama.?" Sa puntong iyon dinetalye niya ang buong pangyayari. Nakinig naman sa kanya ang dalaga habang patuloy siya nitong pinapatahan. "Please Sherly, paki-usap ko sayo hindi makakarating kay Philip ang sitwasyon ko ngayon, ayokong masira ang relasyon nila ni Lorlien." "Maaasahan mo ako. Alam mo Son, mas mabuti pa siguro doon ka muna sa amin tumira habang naglilihi ka. Para meron ka laging kasama. " pag-alala nito sa kanya. "Sher salamat, hindi ka parin nagbago sa akin." pinapahiran na niya ang mga luha sa kanyang mata. "Diba sabi ko nga sayo andito lang ako lagi, oh ano payag kana sa bahay titira?" pilit nito sa kanya. "Nakakahiya naman sa mama mo sher, huwag na lang. Lilipat nalang ako ng apartment malapit sa inyo." sagot niya rito. "Tama, merong apartment doon malapit sa amin. Bukas na bukas ihanap kita doon ng bakante." nakangiting sabi nito sa kanya. Nakatulong ang paglipat ng apartment niya malapit sa bahay nila Sherly. Hindi na siya gaano naboboard. Gayunpaman hindi parin maikukubli ang pag-alalang bumagabag sa kanya ngayon. Tila hindi siya tinatantanan ng pagsubok. Kung kelan narealize niya ang kahalagahan ng kanyang buhay ay saka naman may pagsubok na namang nakaabang sa kanya. Humarap siya sa salamin, at tiningnan ang kanyang katawan. Parang wala paring nagbago sa hubog ng kanyang katawan, ngunit kung pagmasdang maigi ang kanyang balakang at bilbil ay may kunting pagbabago. Ngunit para lamang iyon bilbil kung tingnan ng iba. Ang kanyang balakang ngayon ay medyo din umi expand ng kunti. Napahawak siya sa kanyang tiyan. Hindi niya alam kung paano ipagtapat kay Gregor ang batang nasa sinapupunan niya. Matatanggap parin pa kaya siya nito? "Lord, bigyan mopo ako ng sign...., diko napo alam ang gagawin ko." lumuha na naman siya ngayon. Napansin ng matandang Mondragon na panay ang labas ni Lorlien habang wala ang anak. Nagdududa na siya rito. "Gavasto...halika nga dito." tawag nito sa kanyang driver. "Bakit po madam.?" tanong nito sa matandang amo. "May iuutos ako sayo." Bumulong ito sa driver, pagkatapos ay agad naman itong umalis. Pumunta si Lorlien sa isang mamahaling restaurant. Meron siyang ka meet up doon. "Have a set." pinaupo siya nito. Umupo naman siya sa harapan nito. At tumingin sa kausap ng deretso, "Ito na ang huli nating pagkikita. May asawa na ako." "Alam ba ng asawa mo na anak ko ang dinadala mo.?" mariin na tanong nito sa kanya. Lumingon lingon siya sa mga tao doon na tila naniniguradong walang nakarinig sa sinabi nito, saka sumagot, "Ayaw mo nun, may sumalo sa responsibilidad mo.? Alam ko hindi mo ako kayang panindigan. May asawa ka, at ayokong lalaki ang anak ko na tatawaging anak sa labas." Bigla itong natahimik sa sinabi niya. Hinawakan ang kutsara at kubyertos at sumubo ng kunti. Kumain na lang din siya sa inorder nito. Katahimikan ang naghari at walang imikan. Matapos kumain ay tumayo na siya, ngunit hinawakan iyon ng lalaki. Ang hawak na iyon ay sapat na para pigilan siyang humakbang. "Ano ba?" tinapi ang kamay nito. Ngunit imbes na pakawalan kumalas ang kamay nito sa pagkakahawak sa kanya ay lalo pa nitong hinigpitan. "Huwag mo akong hawakan nasasaktan ako." malakas na ang boses niya. Napatitig sa kanila ang nasa kabilang mesa. Doon lamang siya binitiwan ng ng kausap. Tumalikod na siya at iniwan ang lalaki. Alas tres na ng hapon pero hindi parin nakabalik si Gavasto. May inutos siya nito. Hindi na siya makapaghihintay. Tatawagan na niya ito, kung anong balita. Habang dinial ang number ni Gavasto'y dumating si Lorlien. "Uyy, saan galing ang maganda kung manugang." taas kilay niyang tanong sa babae. Inirapan lang siya nito na parang walang narinig. Dumeritso ito patungo sa hagdan. Naiwan ang matandang Mondragon na madilim ang mukha. "Shiiittt...." nasabi nalang nito sa sarili. Araw ng linggo. Alam ni Sonia na walang pasok ngayon si Sherly. Pumunta siya sa bahay nito, "Nanay , andito po ba si Sherly?" "Oo, andiyan siya sa loob. Pumasok kana lang." sagot nito sa kanya habang naglalaba. Nasanay na siya rito. Pumasok siya sa loob, doon nakita niya ang dalaga kabababa lang sa hagdan. "Uyy, Sonia andiyan ka pala. Halika pasok ka." dali-dali itong bumaba sa hagdanan."May lakad ka?"tanong pa nito sa kanya ng mapansing nakabihis siya. "Sherly, may lakad kaba ngayon.? Magpapasama sana ako sayo." nakikiusap ang mga mata niua. "Oo ba. Bakit saan kaba pupunta.?" inosenting tanong sa kanya. "May alam kabang manghihilot?" matapang niyang tanong sa dalaga. "Manghihilot? Bakit? Huwag mong sabihing ipalaglag mo ang baby na nasa sinapupunan mo." pagtutul nito sa kanya. "Wala na akong maisip na paraan. Gulong-gulo na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko." pagpapaliwanag niya habang nakahawak sa kanyang noo. "Pero Sonia hindi paraan ang pagpalaglag mo sa bata para takasan ang yong problema. Isipin mo isang inosenting buhay ang ipalaglag mo. Para mo na ring pinatay ang sarili mong anak sa iniisip mong yan." hinawakan nito ang kanyang kamay. "Darating si Gregor sa susunod na linggo. Paano ko sasabihin sa kanya na buntis ako.?" punong-puno ng pangamba ang mga mata niya. "Huwag mong hintayin ang pag-uwi niya, ngayon palang sabihin mo sa kanya ang kalagayan mo ngayon. Mabait ang fiance mo. Siguro naman maiintindihan niya." hinimas nito ang magaspang niyang mga palad. Pagkarinig sa advised ni Sherly ay agad siyang natauhan. Tama ito, siguro nama'y maintindihan siya ni Gregor. Tao lamang siyang natutukso. Imbes na humanap ng manghihilot ay nagtungo sila ni Sherly sa simbahan. Doon ay nangungumpisal siya. Unang beses niyang ginawa iyon. Napakagaan ng loob. Naramdaman niya. "Father ang laki po ng kasalanan ko. Unang beses ko pong ngayong mangumpisal. Nahihiya po ako. Dahil alam kopong sa sarili ko hindi ako karapatdapat na sumandal sa inyo." naluluha na siya habang sinasabi iyon. "Bakit gaano ba kalaki ang kasalanan mo?" tanong ng nasa loob ng munting bintana. "Buntis po ako father. Ngunit ang lalaking pakakasalan ko ay hindi siya ang ama. " napaluha na siya. "Ramdam ng diyos ang pinagdaanan mo ngayon. Ngunit isipin mong may hangganan ang lahat. Subukan mong ipagtapat sa kanya ang dinadala mo ngayon. Kung ano man ang kahinatnan ng pag-uusap ninyo, maging matapang ka." pagpapayo nito sa kanya. Yumuko siya habang pinakinggan ang payo nito. Para pa nitong nahulaan ang isipan niya ng muli itong nagsalita,"Isipin mong blessings ang nasa sinapupunan mo ngayon, at hindi isang dagok na dumating sa yong buhay. Kaya tanggapin mo ito ng buong-buo." Tumutulo na kanyang mga luha. Tama ito. Hindi siya dapat magpadala sa pangambang bumabalot sa kanya ngayon. Dapat lalaban siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD