Chapter III

5000 Words
"Salamat po Father sa mga payo ninyo." Tumayo na siya at binalikan si Sherly sa kinaroroonan nito kung saan ito nagpaiwan. Parang nababasa ni Sherly ang kinukumpisal niya sa loob. Inakbayan siya nito na tila pinapalakas ang kanyang loob. Buo na ang pasya niyang ipagtapat sa fiancee ang kalagayan niya ngayon. Saktong pag-open niya sa kanyang messenger ay online ito. Marami na itong mga messages sa kanyang inbox. "Hon, I have something to tell you." nagsend siya rito ng message Agad naman iyon nagreply,"What you want to tell me hon. I'm here to listen." Nagvedio call ito sa kanya. "Honey, I'am----" hindi niya masabi rito ng deretso, parang may bumabara sa lalamunan niya. "Yess hon..tell me." pakiusap nito. "Hon, I'am pregnant." inaklob niya ang dalawang palad, na parang nakiki-usap na patawarin siya. "Believe me...." Magpapaliwanag pa sana siya, ngunit pinigilan siya nito. "Psssttt..." pigil nito sa kanya. "I know this is not what you wanted to." Wala iyon halong galit, na siyang ikinagulat niya sa naging reaksyon nito. "Honey, I will be here for your baby. We will take care it together." Sukdulan ang kaligayahang nararamndam niya matapos sabihin iyon ng fiancee. Nagpasalamat siya kay Sherly na siyang nagpalakas sa kanya ng loob. Muli siyang bumalik sa simbahan. "Father salamat po. Magaan na po ngayon ang ang loob ko, dahil sa ginawa kong pagtatapat sa fiancee ko." pasasalamat niya. "Huwag ka sa akin magpasalamat. Kundi sa ating Poong Maykapal. Basta lagi mo lang tatandaan na ang lahat ng pagsubok ay may hangganan." payo nito muli sa kanya. Nanumbalik ang dating Sonyang masayahin. Makikita na muli ang ngiti sa mga labi niya. "Advance happy wedding sa inyo..." bati ni Sherly sa kanya habang hinahatid sila sa Airport. "Thank you Sher..." niyakap niya ang dalaga. Nakangiting nakatingin naman sa kanila si Gregor. Matapos nilang magpaalam sa isa't-isa ay pumasok na sila ng kasintahan sa departure area. Naiwan nila si Sherly na kumakaway parin sa kanila, hanggang sa tuluyan na ito mawala sa kanilang paningin.. Hindi siya nanaginip. Lahat ng nangyayari ay totoo. Unti-unti na nga niyang naabot ang pngarap niya. Habang lumilipad ang eroplanong sinasakyan, muling nanumbalik ang mga ala-ala nila noon ng kaibigang si Lorlien. Pangarap nila noon na makapag-asawa ng foriegner at sabay silang sasakay ng eroplano. Nalungkot siya ng maisip iyon. "Ohh, anak nasan si Lorlien.? Ba't hindi natin kasalong mag breakfast? masama ba ang pakiramdam niya?" taas kilay na tanong ni Mrs. Victoria sa anak. "Mamaya na daw siya ma, napapagod yata." sagot nito sa ina. "Ewan ko kasi yang asawa mo hijo. Hindi naman sa nakikialam ako. Bakit ba kasi panay ang labas niya." nakataas parin ang kilay nito "Hayaan na natin ma. Para hindi rin siya dito maboboard." sagot naman ni Philip. Hindi na siya nakipag argumento sa anak. Ayaw niyang magmukha siyang kontrabida sa mata nito. Wala na doon ang kinakasam ng lumabas si Lolien ng kwarto. Nag-iisa na lamang niyang nadatnan ang biyenan. Nasa living room na ito. Hawak nito sa kabilang kamay ang cp habang nasa kabilang kamay naman ang magazine. Dinaanan lang niya ito na parang walang nakita. Dumeritso siya sa dinning area. Doon ay nadatnan niya si Manang Caridad. Nagliligpit na ito ng mga pinggan. "Siñorita kakain na po kayo?" tanong ni Caridad ng makita siya. Akmang kukuha na sana ito ng plato ng biglang magsalita ang matandang Mondragon na nasa likuran ng seniorita. Sinusundan pala niya ito. "Caridad hayaan mo siyang magsandok sa sarili niyang pagkain." Hindi na sumagot ang matandang katulong. Dali-dali itong naghugas ng pinggan ng makita ang matandang amo. "Sumunod ka sa akin." utos nito sa katulong. Naiwan si Lorlien sa kusina. Simula ng dumating siya sa mansion, ni minsan wala pang maayos na pakikitungo sa kanya ang kanyang biyenan. "Seniorita intindihin mo nalang yan si Siniora. Ganyan talaga yan. Alam mo na...matanda na kasi." nakangiting paalala ni Basyang sa kanya habang tinutuloy ang hugasing iniwan ni Caridad. Lahat ng katulong ay magaan ang loob sa kanya. Dahilan kung kaya't kahit lait-laitin siya ng kanyang manugang ay malakas parin ang loob niyang harapin ito dahil marami siyang mga kakampi. "Gavasto , nakahanda naba ang kotse?" boses iyon ng matandang Mondragon "Opo seniora." maikling sagot naman ng driver. Iyon lamang, at nagmamadali na itong sumakay. Kitang-kita ni Lorlien ang dalawa. Kumukubli siya sa puno ng pine tree malapit sa pool. May kutob siyang hindi maganda. Minsan na niya nahuli si Gavasto na sinusundan siya. Muli siyang nangamba ng maisip iyon. Sa mumurahing apartment huminto ang kotse ni Mrs. Mondragon. "Mama kilala niyo ba ang babaeng ito rito?" pinakita ni Mrs. Victoria ang larawan ng isang babae. "Oo," maikling sagot ng mama. "Ano po pangalan niya." muling nagtanong si Mrs. Victoria. Tumitig sa kanila ang mama na parang nag-aalinlangan. "Hindi po kami mga masasamang tao kuya. May gusto lang sana kami itanong sa kanya." si Gavasto na ang kumimbinse sa lalaki. "Sonia po, doon po siya dati nakatira, pero matagal na po siyang umalis mga dalawang buwan na." tinuro nito ang dating tinitirhan ni Sonia. "Ganun ba, segi po kuya salamat po.." pasalamat ni Gavasto. "Pano yan seniora wala na pala dito nakatira yon." tanong ni Gavasto sa matandang amo. Hindi umimik ang matanda tumalikod na ito bumalik ng kotse. "Malalaman at malalaman ko rin ang tunay mong pagkatao kang babae." si Lorlien ang tinutukoy nito. Gigil na gigil si Mrs. Victoria na malaman ang katotohan. Alam niyang may sekreto ang kanyang manugang na hindi alam ng kanyang unico Hijo. Habang wala na ang biyenan, ay may tinatawagan si Lorlien sa kanyang cellphone. "Hello." boses iyon ng lalaki. "Hello Samuel, si Lorlien ito." mahinang boses na sagot nito. Hindi alam ni Lorlien na may nakarinig sa kanya. Nasa likuran niya pala si Caridad. "Bakit? Akala ko ba mahalaga kami sayo." sagot ni Lorlien sa kabilang linya. "Basta magkita nalang tayo." dugtong pa nito at pinatay na ang cellophone. Ngunit muli itong tumunog. Agad naman niya itong sinagot, "Oo nga.----" Hindi na nito tinuloy ang sasabihin ng mapansing may tao sa kanyang likuran. "Yaya? Kanina kapa diyan?" agad nitong pinatay ang cellphone. "Ngayon lang po seniora" pagsisinungaling ng katulong. Nakakatunaw naman ang ipinukol na titig ng nibLorlien sa kay Caridad habang pinupunasan ang plorera. Tulad ng dati kung saan nakipagkita si Lorlien kay Samuel. Muli silang nagkita. Si Samuel ay dati niya itong costumer. Mas matanda ito sa kanya ng sampung taon. Ito ang galanti niyang costumer noon. Kaya hindi siya makakatanggi rito, kapag ito ang nag-anyaya sa kanya dahil nagtatape ito sa kanya ng malaki. Hanggang sa nabuntis nga siya nito. Ngunit hindi niya ito gusto maliban sa pamilya ito ay walang makakapalit sa pagtingin niya kay Philip. "Bakit ano ba ang ginawa sayo ng biyenan mo." tanong nito sa kanya. "Wala pa siyang ginawa ngayon. Pero alam ko may binabalak siyang masama." sinabi niya rito ang kanyang kutob. "Sabi ko naman sayo kaya kitang buhayin kahit na may pamilya na ako. Bakit kasi kelangan mo pang ipa-angkin ang dinadala mo sa ibang lalaki." lakas loob na sabi nito sa kanya. "Para ano? Para maging kabit? At tawaging anak sa labas ang anak mo.? No, ayokong mangyari sa anak ko yan." hindi siya sumang-ayon rito. Noon paman, ng malaman ng lalaki ang kanyang pagbubuntis ay never itong naging iresponsable sa kanya. Kahit na may pamilya ito. Naglalaan parin ito ng oras para sa kanya. "Tutulungan mo ba ako o hindi?" pinapipili na niya ito. "Tutulungan kita. Pero sa isang kondisyon." seryoso nitong sagot."Kapag naisilang mo na ang anak natin ay hindi mo sa akin ipagkakait. Ipapakita mo parin siya sa akin."dugtong pa nito Hindi nakasagot si Lorlien sa kondisyong iyon. Wala siyang magawa kundi makipagdeal rito. "Okay, " pasang-ayon niya. Natapos ang kanilang pag-uusap sa isag kondisyon. "Manang,, nasan ang mga tao rito." tawag ni Philip ng madatnang walang tao sa sala "Umalis po kaninang umaga si Seniora, kasama po si Gavasto , Seniorito." sagot naman ni Caridad. "Si Lorlien nasaan ." tanong nito ng mapansing wala doon ang fiancee. Nagtinginan ang dalawang katulong. Hindi nila alam kung paano simulan na sabihin sa amo ang narinig. Pero mas pinili nilang manahimik. Gamit ang messenger app ay masayang nag-usap si Sonia at Sherly.. "Hello, kumusta kana diyan?" tanong ni Sherly sa kaibigan. Na-iisa lamang si Sonia sa malawak na higaan. "Nasan si Gregor.? mukhang ikaw lang yata diyan mag-isa.?" tanong nito ng mapansing wala doon ang fiancee ng kaibigan. "Oo ako lang dito ngayon, bumisita si Gregor sa bahay ng mama niya. "sagot nito sa kanya. "Ba't hindi ka sumama.?" may halong pag-alala ang tanong ni Sherly, "Huwag mong sabihin na walang gusto sa iyo ang biyenan mo.?" Tumawa si Sonia sa sinabi ni Sherly. Napakabait nito. Nawala man sa buhay niya si Lorlien ay pinalitan naman iyon ni Sherly. "Hoy, wag kang tumawa diyan. Hindi kaba gusto ng biyenan mo.?" pangungulit pa nito. " Hindi, at hinding hindi mangyayari iyon. Mga mababait sila sa akin, minsan nga nahihiya na ako." nakangiting sinabi ni Sonia. "Talaga? Wow, ang swerte mo naman friend." tinawag na siya nitong friend sa unang pagkakataon. Tunay nga itong kaibigan. Hindi siya nito iniwan sa mga oras na siya ay nag-iisa. "Ikaw kumusta naba kayo diyan.?" nakangiting tanong niya rito. "Ayy , may sasabihin nga pala ako sayo. Kami na pala ni Jack., hehehe." kinikilig ito habang kinuwento ang tungkol sa kanila ni Jack. "Talaga.! Kaya pala napakablooming mong tingnan ngayon, hehehe."pagbobola ni Sonia. Sa hindi sinasadya ay nabanggit ni Sherly si Philip. Nag-iba ang expression ng kanyang mukha ng marinig ang pangalan ng binata. Agad naman napansin iyon ni Sherly at agad na pinalitan ang usapan, " Kelan ba kayo magbakasyon dito?" Ngunit iba ang sinagot ni Sonia, "May balita kaba kay Lorlien? Kumusta na pala siya?" Walang nagawa si Sherly kundi sagotin ang kanyang tanong. Doon nalaman niyang buntis pala ang dating kaibigan at si Philip din ang ama. Akala niya nakamove on na siya pero matapos nilang mag-usap ni Lorlien ay nakaramdam ulit siya ng pangungulila at labis siyang nasaktan. Nagtaka si Philip sa ikinikilos ng ka live-in partner. Halos mag isang linggo na itong nakabunto't sa kanya. "Bhe, ba't ang aga mo yata ngayon.?" tanong ni Lorlien sa kinakasama habang pumipili ng masusuot. "Dito kana lang muna sa bahay bhe, baka maboboard ka lang sa office. Maghapon ang meeting namin ngayon." sagot ni Philip habang iniayos ang kurbata. "Mas maboboard lang ako dito bhe." tanggi nito sa gusto ng lalaki. Kelangang makita niya oras-oras ang fiancee. Kelangan malaman niya kung sino ang makakausap nito araw-araw. Baka gigising nalang siya isang araw buko na pala ang sekreto niya. Usap-usapan na sa office ng lalaki ang pabubuntot buntot niya rito. "Baka takot maagaw ng iba...hahaha," narinig niya iyon sa loob ng kompanya pagpasok pa lamang nila. Pero tila , walang narinig si Philip. Tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad patungo sa kanyang office. Sasagotin pa sana niya ang mga ito , pero pinipigilan siya ni Philip. Hinawakan nito ang kamay niya. Ang hawak ng lalaki ay sapat na iyon para siya ay kumalma sa galit na nararamdamn. "Bhe ganyan ba talaga mga empleyado mo dito, hindi na sila sayo nagbigay ng respeto?" hindi maitatago ang dissapoint na nararamdaman. "Bhe, hayaan mo na sila, ako na ang bahala sa kanila." kalmado ito na parang walang narinig. "Caridad lumabas ba si Lorlien kahapon.?" tanong ni Mrs. Mondragon "Opo seniora, kasama po si seniorito." sagot ni Caridad. "Saan sila nagpunta?" muling tanong nito. "Sa trabaho po." miikling sagot ng katulong, ngunit agad naman iyon dinugtungan ni Caridad ng makita ang reaksyon ng amo ng matanda na parang naguguluhan, "Mag isang linggo na po sseniora, na sumasama si seniorita sa trabaho." "Ano naman ang ginawa niya doon?" nalilito ito sa sinabi ng katulong, "wala ba kayong napansin sa kanya." Matagal nakasagot si Caridad na tila nag-iisip, "wala naman po akong napansin sa kanya maliban lang po noong may kausap siya sa cellphone niya." "Kausap? Sinong kausap niya? Narinig mo ba?" sunod-sunod na tanong nito sa katulong. "Narinig ko po, may sinasambit siyang pangalan...Sa..." pilit nitong inisip ang pangalan ng lalaki pero hindi nito matandaan. Magpapaalam na sana si Sherly sa kanilang madam Cheng. Katulad kila Sonia at Lorlien ay aalis na din siya sa pinagtrabahuang club. Yon ang napagpasyahan nila ni Jack aalis siya, para magbagong buhay. Ngunit naudlot ang pagpapa-alam niya ng mayroong costumer na gustong makipag-usap sa kanya. "Madam, hindi na po ako tumatanggap ng costumer.." pagtatanggi niya sa sinabi ni Madam Cheng. "May kelangan lang sayo, may itatanong lang." pagpupumilit ng kanilang madam sa kanya. "Pero madam baka magalit si Jack." ayaw parin niya. "Huwag kang mag-alala akong bahala kay Jack." giit parin nito. Lumabas si Sherly sa dressing room. Agad niyang nakita ang naghihintay na costumer. May kataandaan na ito at mukhang hindi ito ang tipo ng lalaki na mahilig sa chicks. "Sir ano pong kelangan natin.?" tanong niya sa naghihintay na lalaki, habang nakaupo sa harap nito. "Ikaw ba si Sherly?" tanong nito sa kanya. "Opo sir ako po." mabilis niyang sagot. Sa sulok ng kanyang mga mata ay ramdam ni Sherly na nakatingin sa kanila ang kasintahang si Jack. "May kilala kabang Lorlien Budol?" tanong nito. "Opo sir, dito po siya nagtatrabaho noon. Bakit po sir? Sino po kayo." tanong ni Sherly na puno ng pagtataka. "May nobyo ba siya?" tanong ulit ng lalaki. "Opo, si Philip Mondragon po." labis na siya nagtataka sa kausap, sa dami na tinanong nito. Hindi maiwasan ni Sherly na lumingon sa kasintahan. Agad namang napansin iyon ng kasintahan. Pumuta ito sa kanila at pinikpik ang balikat ng kausap," Bro, hindi paba kayo tapos?" Nagulat naman ang estrangherong lalaki ng makita si Jack. Mukhang nahulaan naman agad nito na kasintahan niya si Jack ng akbayan siya. "Salamat! At pasensiya na kong naabala kita."pasalamat nito sa kanya . Nakatitig na lamang ang magkasintahan sa papalayong estranghero. "Sino yon." walang halong malisya ang tanong nito. "Diko nga rin alam ehh, hindi naman sa akin nagpakilala, pero ang ipinagtataka ko lang kung ano ang kelangan niya kay Lorlien?" sagot naman niya. Nagtinginan ang dalawa. Sa kabilang dako, umuwi si Gavasto sa mansion ganap ng alas 10:00 ng gabi Kinabukasan, maaga siyang hinanap ni Mrs. Mondragon. "Kumusta ang lakad mo kagabi?" tanong ng matanda sa kanyang driver "Seniora positive po. Doon nga siya nagtatrabaho." pagtatapat nito sa seniora. "Ano pa ang nalaman mo sa kanya?" tanong pa nito "Yong Sonia pong hinahanap natin, yon po ang matalik niyang kaibigan. Pero wala po silang alam na naging syota ni Lorlien maliban po kay seniorito Philip." mahabang paliwanag ni Gavasto sa matanda. "Nasaan na daw ang Soniang yan?" "Nasa Amerika na daw po seniora" muling sagot nito "Alamin mo ang pamilya niya at kung saan sila nakatira baka may makukuha tayong impormasyon." sa tono nito ay parang malakas parin ang paniniwala nito na may tinatagong baho ang manugang. Simula ng marinig ni Caridad ang seniorita ay naging matabang na ang pakikitungo ng lahat ng katulong sa mansion. Hindi na tulad noon na malaki ang respeto nila rito. "Alam nyo may kutob ako niyan kay seniorita, na may tinatago siya." pag mamarites ni Caridad sa mga kasamahan, habang nagtitimpla ito ng kape. Tatlo silang mga katulong na babae. Dalawang hardeñero at dalawang driver. Agad naman nadala sa kanyang paniniwala ang mga kasamahan nito. "Kaya pala, siguro napansin niyo. Halos isang linggo siyang nakadikit sa seniorito?" taas ngusong sagot naman ng hardeñerong si Pedro. "Pero bakit?" palaisipan naman kay Basyang. Hindi na nakapagtimpi si Gavasto. Sumali na rin ito sa usapan, " Alam nyo ba na sa Club pala nagtrabaho noon si seniorita. At take note, doon sila nagkilala ni seniorito?" "Huuhhh? Talaga?" hindi napigilan na tumaas ang kanilang boses. "Pssttt...psstt..." pagsasaway ni Lorna sa mga kasamahan, "Baka marinig tayo." Nabasag ang pa-uusap ng mga katulong ng marinig ang boses ni Philip tila narinig nito ang pinag-uusapan, "Sino ang pinag-uusapan ninyo, mukhang ang aga naman ata." nakangiti ito, kitang-kita ang mapuputing ngipin, kasama nito ang fiancee pero nakatayo lamang ito at walang imik.. Agad naman naghihiwalay ang mga katulong at tumungo sa kanya-kanyang trabaho. Maliban kay basyang at Caridad ay naiwan sila sa kusina. "Caridad tawagin mo doon si mama." nakasimangot ang mukha nito Agad naman sumunod sa utos ang katulong. Di nagtagal ay dumating si Mrs. Mondragon. Mailawalas ang mukha nito. Tahimik si Lorlien habang kumakain. Ayaw niyang may mapansin na naman sa kanya ang biyenan. Ngunit hindi parin nakaligtas sa pananahimik niya. "Lorlien, ilang buwan naba yang dinadala mo?" taas kilay na tanong nito sa manugang. "Dalawang buwan po mama." si Philip ang sumagot. Nakasimangot ang biyenan na lumingon ito sa kanya. "Hindi ba nakakasama sa kanya ang pagsama-sama niya sayo sa trabaho? Baka naman makunan siya sa ginawa niyang pabuntot buntot sayo." Tumingin sa kanya ang lalaki ngunit tahimik lamang ito. Hindi na rin nagsalita si Mrs. Mondragon. Sa kotse habang nagmamaneho si Philip ay doon lamang nilabas nito ang kanyang saloobin, "Bhe, tama nga si mama mas mabuti siguro habang nagbubuntis ka ay doon kana lang muna sa bahay." "Pero bhe, maayos naman ang pagbubuntis ko." pagsasamo ni Lorlien sa fiancee, doon inilabas nito ang saloobin."Bhe, galit ba sa akin si mama?" "Ba't mo naman nasabi yan?" inosenteng tanong ni Philip sa fiancee. "Nasabi ko lang." matabang na sagot niya. "Gavasto, ihanda mo ang kotse, may lakad tayo." utos nito sa driver. Muling nagbalik ang dalawa sa Club. Ngunit wala parin silang napala. "Sori po sir, pero wala na po dito si Sherly, umalis na po." yon lang ang sinagot ng isang waitress doon. Gusot na gusot ang noo ng matandang Mondragon. Wala na siyang alam na paraan. Sa Houston Methodist Hospital malapit sa Midtown Mentrose Washington Avenue kung saan nakatira ang mag-asawang Sonia at Gregor Davis napasugod sila sa hospital ng wala sa oras. "Honey are you okay?" tanong ni Sonia sa asawa. "Yes hon, I'am okay now." nakangiti na ito ngayon sa kanya. Sinugod niya ang asawa sa hospital dahil namimilipit ito sa sakit sa puson. At nahihirapan din itong umihi. "He is okay now Mrs. Davis," yon lang ang sabi ng Dr. sa kanya, "You have nothing to worry." Sapat na ang salitang iyon para papanatagin ang kanyang loob. Nagstay sila sa hospital ng isang araw. Matapos ng isan araw ay umuwi na sila. Hindi naman daw malubha ang sakit ng asawa. Lahat ng oras ay tinuon niya rito. Mahal niya narin ito, ayaw niya itong mawala sa buhay niya. Para sa kanya hulog ito ng langit para baguhin ang takbo ng kanyang buhay. Gayundin ang pamilya nito na buong-buo siyang tinanggap kahit alam nito na buntis siya. At ngayon nga lumaki na ang tiyan niya, pero ni minsan ay hindi ito nagpapakita sa kanya ng kunting pagbabago. Bagkus lalo pa siya nitong minahal at excited ang mg ito na siya ay manganak. Tunay nga siyang pinagpala. December 16, 2022 "Ang bilis ng panahon." nasabi ni Sonia sa kanyang sarili ng mapansin ang ang kalendaryong nakasabit sa dingding.. Nakaramdam siya ng pangungulila. Unang beses niyang magpapaskong hindi kasama ang bestfriend na si Lorlien. Ngayon din ang unang beses na dito siya sa Amerika magpapasko. Namimis niya ang kanyang nakaraan. Noong bata pa siya , ito ang mga araw na masayang-masaya sila ng kaibigan niya dahil makakaipon na naman sila ng maraming coins sa pamamagitang ng panganga roling. Pilit niyang ibinaon sa kanyang ala-ala ang lahat. Ayaw niyang simulan ang kanyang pag-iisip mahahalangkut lang ang kanyang nakaraan sa kanyang isipan kasama na doon ang mga mapapait niyang karanasan sa buhay. Mula sa kanyang master's beedroon ay tanaw niya ang mga batang puti na nagsisidala ng gamit sa pangagaroling. Kilala na niya ang mga batang nasa labas. Mga anak lang ito ng kapitbahay nila. Napangiti siya ng huminto ito sa kanilang malaking gate , at nagsimulang kumanta. Agad naman niyang tinakip ang kurtina sa wall glass ng makita iyon at bumaba na rin. mo ba namimis ang pamilya mo? Bakit ba ayaw mo silang imbetahan dito, diba dapat minsan ay anyayahan mo silang pumunta dito. Lalo na ngayong malapit na ang pasko. Hindi mo ba sila naiisip?" mahabang storya nito sa kanya. Plano ni Mrs. Mondragon na kilalanin ang pamilya nito ng makilala ng husto ang manugang. Baka may malalaman siya tungkol sa totoong pagkatao ng babae. Hindi pa sapat sa kanya ang nalamang nagtrabaho ito sa Club. Ang gusto niyang malaman ay kung may mga lalaki itong nakasintahan bago si Philip. May duda siya sa dinadala nito. Imbes na sumagot ay pilit naman na sumingit si Lorlien para makadaan. Ngunit hinawakan nito ang kanyang braso. "Ano ba? Bingi kaba? Bakit ayaw mong magsalita?" hindi na nito maikukubli ang galit na nararamdaman. "Malaki po ang respeto ko sa inyo. Wag nyo po akong turuan na lalaban sa inyo." mahina niyang sagot sa manugan. Iyon lang ay pinakawalan naman ng matanda ang pagkakahawak ng braso niya. Matapos makawala sa pagkakahawak nito ay humakbang na siya patungo sa kanilang kwarto. Hindi nakasagot ang seniora sa kanyang narinig. Tiim bagang na lamang ang nagawa niya sa mga sandaling iyon. Hindi nakakibo ang katulong na Basyang at Lorna sa nasaksihan, habang nakakubli sa pinto. Patungo sana sila sa loob ng makita ang kanilang dalawang amo na tila may hindi pinagkaintidan. "Confirm... May pangit na ugali nga yang Lorlien na yan." sabi ni Basyang na siyang may pinakatsismosa sa tatlo. "Oo nga, alam na kaya ni seniorito ang tungkol sa kanila?" sagot naman ni Lorna, na nahahawaan na din sa pagkatsimosa. "Bakit kaya sila nag-away?" tanong ni Basyang na parang naguguluhan. Agad naman komontak si Lorlien kay Samuel. " Hello Lorlien bakit ka napatawag?" tanong ni Samuel sa kausap. " Umalis na naman si Manong Gavasto kaninang umaga. Gusto kumg alamin mo kung anong pinagkaabalahan ng taong yon." sumbong nito kay Samuel. " Busy pa ako ngayon, hindi ko pa magagawa ang inuutos mo." "Lagi kalang busy. Ni isang pangako mo noong huli tayong nagkita ay wala kapang natupad." nakataas ang kilay ni Lorlien habang sinasabi iyon. "Tatawag nalang ako sayo mamaya." namamaalam na ito sa kanya. Halatang busy nga ito sa sarili niyang pamilya, ng marinig ni Lorlien ang boses ng batang babae. "Hello...." magsasalita pa sana siya ngunit tuluyan na ngang pinatay ng kausap ang linya nito. "Manang Caridad pakidala ako nito sa loob." binigay nito ang dalang pizza kay Caridad. Dali-dali namang kinuha iyon ni Caridad at pumasok sa loob. Agaw pansin naman kay Mrs. Mondragon ang dala ng katulong. "Caridad ano yang dala mo." tanong nito sa katulong. "Pizza po seniora, dala po ni seniorito." mabilis na sagot ni Caridad. "Andiyan na si Philip?" tumingin ito sa suot na mamahaling relo. Hindi na nakasagot si Caridad ng pumasok si Philip sa loob. "Manang sa mesa mo lang ilagay." utos uli ni Philip sa katulong. " Ang dami naman yata ng pizza na binili mo hijo." pansin ng matandang Mondragon. "Nagpapabili po si Lorlien ma." nakangiting ito sumagot sa ina. "Hindi ba nakakasama sa kanyang pagbuntis yan? Concern lang ako kasi I remember when I'am pregnant, My Dr. remind me no to eat too much pizza. It contains high number of wasteful calories wich is not good for her habang nagdadalang tao siya." pakitang tao nito sa harapan ng anak. "Nakakasama siguro kung sobra, ngayon lang naman siya kakain ng pizza mom.," napatigil ang pagpapliwanag nito sa ina ng makita ang fiancee, "Bhe, andiyan kana pala, dinalhan kita ng pizza..." Agad namang lumapit si Lorlien sa fiancee at inakbayan ito. Para namang iyon puwing sa mga mata ng matanda. Pero pilit itong ngumiti sa harapan ng dalawa. "Mama, come on kainin na natin ang dala kong pizza." sabi nito sa ina habang nakaakbay kay Lorlien, at tumungo sa kusina. Ayaw niyang magkagalit sa anak kaya, sumunod na lamang ito. Sa hapagkainan, habang kumakain ang tatlo. Nagtungo si Caridad at dala dala nito ang cellphone ng kanyang seniora. "Seniora, tumawag po si Gavasto." hinahawakan nito cellphone ng matandang amo. Agad namang tumayo si Mrs. Mondragon ng marinig iyon, at mabilis na kinuha ang cellphone sa kamay ng katulong. Agaw pansin naman iyon kay Lorlien. Nahulaan na niya ang pinagusapan ng dalawa. Ayaw niyang isipin ang nasa isipan niya ngayon. Sinundan niya ng tingin ang manugang paglabas ng kusina. Napansin naman iyon ni Philip.2 " Bhe...." tawag pansin ni Philip sa kanya. Yon lang ay napukaw din agad kanyang diwa. At tinuloy na nila ang pagkain. Hindi naman maiiwasan ni Caridad lumingon sa dalawa at basahin ang expression ng seniorita. Hindi nakakibo ang katulong na Basyang at Lorna sa nasaksihan, habang nakakubli sa pinto. Patungo sana sila sa loob ng makita ang kanilang dalawang amo na tila may hindi pinagkaintidan. "Confirm... May pangit na ugali nga yang Lorlien na yan." sabi ni Basyang na siyang may pinakatsismosa sa tatlo. "Oo nga, alam na kaya ni seniorito ang tungkol sa kanila?" sagot naman ni Lorna, na nahahawaan na din sa pagkatsimosa. "Bakit kaya sila nag-away?" tanong ni Basyang na parang naguguluhan. Agad naman komontak si Lorlien kay Samuel. " Hello Lorlien bakit ka napatawag?" tanong ni Samuel sa kausap. " Umalis na naman si Manong Gavasto kaninang umaga. Gusto kumg alamin mo kung anong pinagkaabalahan ng taong yon." sumbong nito kay Samuel. " Busy pa ako ngayon, hindi ko pa magagawa ang inuutos mo." "Lagi kalang busy. Ni isang pangako mo noong huli tayong nagkita ay wala kapang natupad." nakataas ang kilay ni Lorlien habang sinasabi iyon. "Tatawag nalang ako sayo mamaya." namamaalam na ito sa kanya. Halatang busy nga ito sa sarili niyang pamilya, ng marinig ni Lorlien ang boses ng batang babae. "Hello...." magsasalita pa sana siya ngunit tuluyan na ngang pinatay ng kausap ang linya nito. "Manang Caridad pakidala ako nito sa loob." binigay nito ang dalang pizza kay Caridad. Dali-dali namang kinuha iyon ni Caridad at pumasok sa loob. Agaw pansin naman kay Mrs. Mondragon ang dala ng katulong. "Caridad ano yang dala mo." tanong nito sa katulong. "Pizza po seniora, dala po ni seniorito." mabilis na sagot ni Caridad. "Andiyan na si Philip?" tumingin ito sa suot na mamahaling relo. Hindi na nakasagot si Caridad ng pumasok si Philip sa loob. "Manang sa mesa mo lang ilagay." utos uli ni Philip sa katulong. " Ang dami naman yata ng pizza na binili mo hijo." pansin ng matandang Mondragon. "Nagpapabili po si Lorlien ma." nakangiting ito sumagot sa ina. "Hindi ba nakakasama sa kanyang pagbuntis yan? Concern lang ako kasi I remember when I'am pregnant, My Dr. remind me no to eat too much pizza. It contains high number of wasteful calories wich is not good for her habang nagdadalang tao siya." pakitang tao nito sa harapan ng anak. "Nakakasama siguro kung sobra, ngayon lang naman siya kakain ng pizza mom.," napatigil ang pagpapliwanag nito sa ina ng makita ang fiancee, "Bhe, andiyan kana pala, dinalhan kita ng pizza..." Agad namang lumapit si Lorlien sa fiancee at inakbayan ito. Para namang iyon puwing sa mga mata ng matanda. Pero pilit itong ngumiti sa harapan ng dalawa. "Mama, come on kainin na natin ang dala kong pizza." sabi nito sa ina habang nakaakbay kay Lorlien, at tumungo sa kusina. Ayaw niyang magkagalit sa anak kaya, sumunod na lamang ito. Sa hapagkainan, habang kumakain ang tatlo. Nagtungo si Caridad at dala dala nito ang cellphone ng kanyang seniora. "Seniora, tumawag po si Gavasto." hinahawakan nito cellphone ng matandang amo. Agad namang tumayo si Mrs. Mondragon ng marinig iyon, at mabilis na kinuha ang cellphone sa kamay ng katulong. Agaw pansin naman iyon kay Lorlien. Nahulaan na niya ang pinagusapan ng dalawa. Ayaw niyang isipin ang nasa isipan niya ngayon. Sinundan niya ng tingin ang manugang paglabas ng kusina. Napansin naman iyon ni Philip.2 " Bhe...." tawag pansin ni Philip sa kanya. Yon lang ay napukaw din agad ang kanyang kanyang diwa. At tinuloy na nila ang pagkain. Hindi naman maiiwasan ni Caridad na lumingon sa dalawa at basahin ang expression ng seniorita. Sa maliit na bahay tumuloy si Gavasto. Bahay iyong ng mag-asawang Sherly at Jack. Sa isang linggo niyang pabalik-balik sa Club ay napagaan na din ang loob ni Jack sa kanya. Sinabi narin niya rito ang pakay niya rito. Mabait ang mag-asawa at magaan ang loob nito kay Sonia kesa kay Lorlien. Kaya napasubo itong buksan ang usapin tungkol sa dating bestfriend na Sonia at Lorlien. "Ga, taga saan nga pala si Lorlien?" tanong ni Jack sa asawa. "Ang natatandaan ko umuwi silang magbestfriend ng mamatay ang nanay ni Lorlien.." pilit nitong inaalala ang sinabi ng kaibigan. Umiinom naman ng kape si Gavasto habang nagsasalita ni Sherly, muntik ng matapon ang kape nito ng muling magsalita si Sherly. "Ayy alam ko na sa San Juan Pampangga sa bayan ng Apalit, sigurado ako." paningurado ni Sherly sa sinabi. Matapos makakuha ng impormasyon ay nagpapaalaam na si Gavasto sa mag-asawa. "Jack, tanggapin mo pala ito." may inabot ito kay Jack. "Wag na kuya Gavasto, " tinganggihan nito ang inabot ng kausap. "Tanggapin mo na to," pilit nitong nilagay sa palad ni Jack ang pera hanggang sa tanggapin ito. "Jack , Sherly salamat uli." pasasalamat ni Gavasto sa mag-asaw bago ito tumalikod. "Saan ba ang lakad mo bukas bhe?" tanong ni Philip sa fiancee ng mapansin itong pumipili ng damit. "Check-up ko nga pala bukas bhe." maikli nitong sagot. "Gusto mo samahan kita?" tumingin sa kausap. "Okay lang bhe?"nakangiting sagot nito. Tumayo si Philip, nilapitan ang ka live-in, yumakap sa likuran at humarap. "Basta para sa inyo ng anak natin, okay lang." hinagkan nito ang lumalaking tiyan ni Lorlien. Tinugunan naman ng fiancee ang halik na iyon. Hinalikan naman niya ito sa noo. "I LOVE YOU bhe." sagot ni Lorlien sa mahinang boses. Tumayo naman ng matuwid si Philip mula sa pagkayuko.Sinalubong naman siya ng halik ni Lorlien hanggang tuluyan na silang nakalimut sa masayang idinulot nila sa isa't-isa. "Good morning po seniora." bati ng mga katulong "Si Philip gising naba?" tanong nito. "Hindi pa po seniora." maikling sagot ni Caridad. "Hindi pa? Anong oras na?" tanong ni ng matandang Mondragon sarili ng marinig iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD