"Ano? Hindi ka na nakakibo, riyan?" ani Sab habang naglalagay ng gamot. "Eh, ano naman ang gusto mong isagot ko? Oo? Kapal, ah. Ang pangit mo kaya," ani Zach sabay pisil sa pisngi niya. Napikon si Sab sa isinagot ni Zach kaya tinapik niya ang kamay nito atsaka niya ito tinalikuran. "Pikon ka na naman," natatawang sabi ni Zach. Umikot ito sa kabilang side atsaka humarap sa kanya. "Okay ka na ba?" seryoso na ang mukhang sabi nito habang pinapanood siya kung paano gamitin ang inhaler. Sa halip na sumagot, sumenyas lang siya na okay kay Zach. Tahimik lang si Zach habang pinapanood siya. "Matagal ka na ba'ng may asthma?" tanong niya nang ibaba na ni Sab ang inhaler. "Noong bata pa ako, madalas akong sinusumpong. Pero nung nagdalaga na ako, medyo dumalang na. Ngayon na lang ulit ako sinump

