Chapter 34 Yari kayo ngayon, Zendy!

1322 Words

Nanlaki ang mga mata ni Zach nang tumambad sa kanya ang kaawa-awang hitsura ni Sab. Para itong basang sisiw na nakasuksok sa sulok habang yakap-yakap ang sarili. May mga pasa at gasgas ito sa noo at pisngi. "Sh*t! Ano ang ginawa sa'yo ng mga 'yon?" ani Zach habang hinuhubad ang suot na jacket. Umiiyak na sinunggaban siya ng yakap ni Sab. Napansin ni Zach na hirap siya sa paghinga kaya agad siya nitong binuhat at itinakbo sa clinic. "Sir, ano po ang nangyari?" anang nurse nang ilapag niya sa kama si Sab. "Nahihirapan siyang huminga, kailangan niya ng nebulizer," natatarantang sabi ni Zach. "Sir, wala po tayong nebulizer," sagot ng nurse. "What?! Bakit wala? Clinic 'to 'di ba? Nasaan ba ang doktor?" sigaw ni Zach sabay linga sa paligid. "Wala po si Dok during weekends," alanganing sago

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD