The First Encounter
****
"Bro you already in your 27, you don't have any plan to be a husband?" questioned from my friend, i know he still curious about my love life, sometimes naiinggit ako sa kanya, he have a good work, business, two daughters, a loving wife and a happy life. But me, i have a good work,owned house, and good looks only, walang sasalubong sa paguwi ko, walang yayakap, walang kasabay sa pagkain ko at walang magsasabi ng I Love You Too
"I have but she's still missing" yeah i have no idea who is she, where is she now, or she's planning to be found? Siguro tatandang lalaki na lang ako
"You're so choosy, that why you're still single"
" Pumipili lang ako ng tamang tao, and nagka-girlfriend naman ako before "
"Pero hindi nagtatagal" siguro hindi parin talaga ako ready nung mga times na yon, or maybe may hinahanap pa din ako
"You know, sana pinili mo na lang siya, she's a perfect woman for you, swak na swak ang chemistry nyo"
"Who?" I don't know who's he talking about
"Your kiddos, what's her name again?"
The word kiddos, biglang may nagflash na mukha sa utak ko at kilalang-kila ko na kung sino sya
"Si Tricia Cyan Servando" siya lang naman ang alam kong may ganung palayaw
"I think its Tricy not Tricia"
"Tricy from the combination of Tricia and Cyan"
Inubos ko na ang natitirang laman ng beer na iniinom ko, he called me to drink with him
"Paano nga ulit kayo nagmeet?" Yong pagiging reporter nya ina-apply nya sa akin, isa kasing reporter itong si macky
Ano nga ba yong first encounter namin sa isat-isa, pilit kong inaalala ang araw na iyon, it happened a long long ago
Nasa state pa din ako ng pagre-recall sa past
"Im so sorry Albie but i need to go, my Maui needs me"
"Dont mind me bro, i think its emergency, you should hurry up"
"I'll go ahead"
Tumango nalang ako sa kanya bilang pagsang-ayon at mabilis pa sa alas kwatro ang pagalis nya, may emergency talaga sa kanila
Tinake home ko nalang ang hindi namin na ubos na beer sayang naman kung iiwanan ko dito, paid na kaya ito
Lumabas na ako sa resto bar na pinag-inuman namin, hindi pa naman ako lasing, mainit lang sa katawan dahil sa epekto ng beer
Nilalakad ko lang kung saan nakapark ang sasakyan ko hindi naman ito masyadong malayo, habang natatanaw ko ang kinaroroonan ng sasakyan ko, isang alaala ang muling bumabalik, isang alaala kung paano kami nagkakilala
*****
( ALBIE )
Nakaupo ako sa bangko dito sa lobby ng school habang iniintay ko ang pinsan ko, kakatapos palang ng event sa school ngayon, kahit na walang event ang school bastat same kami ng out ng pinsan ko isinasabay ko na sya wala namang kaso yun sa akin bukod sa pinsan ko sya, bata pa sya at delikado kung magiisa pa sya na uuwi lalo na't babae ito, first year highschool palang ito, samantalang ako 3rd year college kaya minsan sa akin pinapaubaya na samahan ito kapag uuwi dahil sa ako ang nakakatanda at isa pa same din naman kami ng inuuwian, sa bahay namin ito nakatira, nasa ibang bansa nagtatrabaho ang ina nito samantalang ang ama naman nito ay ipinagbubuntis palang siya ni tita ng iwan sila nito at hanggang ngayon missing in action, sa amin inihabilin si Heiven dahil kami lang ang kamag-anak na pwedeng paghabilinan ni tita.
"Para sayo" may lumapit sa akin na batang babae siguro nasa kaedaran lang ito ni heiven, dala nya ang isang daisy na kulay pula ang bulaklak, at malakas pa ang kutob ko na sa garden ng school ito kumuha ng daisy, hindi ko pa kinukuha ang bulaklak na hawak nya, tamang nakatingin lang ako sa kanya, sinusuri ko kung bakit nya ako bibigyan ng bulaklak
"Tanggapin mo na oh, kamuntikan pa akong mapahamak makuha lang yan" sisisihin pa nya ako kung bakit kamuntikan na syang mapahamak
"So sinabi ko ba na kumuha ka?" Sinungitan ko ang batang nasa harap ko at ibinaling ko ang tingin sa labasan ng mga estudyante baka kasi lumalabas na si heiven
"hindi po, gusto ko lang itong ibigay sa iyo"
Tumingin muli ako sa batang babae na nakatayo lang sa harap ko "Bakit?"
Hindi sya umimik bagkos tumungo ito ng bahadya at nakita ko pa ang pamumula ng tainga nya, may kaputian ito kaya halata ang pagkapula nito
"Crush po kita" believed ako sa lakas ng loob nitong batang to na mag confessed, pero hindi ibig sabihin nun na icu-crush back ko sya, ayukong maging child abuse
Mabilis nitong kinuha ang kamay ko at inilagay ang daisy na hawak nya, matapos nya naman nailagay ang daisy ay inalis nya rin agad ang kamay nya
"Ilan taon kana ba bata?"
"12 na ako kaya hindi na ako bata, h'wag mo na akong tawaging bata"
"Haha, bata ka pa din, bata-bata mo pa puro crush crush na iniintindi mo"
"Bata man sa iyong paningin kaya naman kitang pasayahin"
"Hahaha"
"See napasaya kita" proud pa sya sa sarili nya
"Itigil mo na yang kahibangan mo nene, naguguluhan kalang"
"Totoo na crush kita, masaya ako kapag nakikita kita at mas masaya ako ngayon dahil finally nakausap na kita"
"Ito lang masasabi ko AYAW KO SA MAS BATA sa akin"
"Kuya sorry napaghintay pa kita ng matagal" lumingon ako sa nagsalita, papalapit na sa akin ang pinsan ko
"Okey lang naman hindi naman matagal tsaka maaga pa kaya" tumayo na ako para umuwi, inayos ko muna ang nagusot kong damit
"Oh Tricy, akala ko nakauwi kana?" So Tricy pala ang name nitong batang may crush daw sa akin
"May importante lang akong ginawa" sabay tingin nya sa akin at bahadya lang itong nagsmile
"Ay Kuya albie si Tricia Cyan Servando pwede ding Tricy para maikli, friend ko po sya"
"Tricy si Kuya Albie Andal pinsan ko na parang kapatid na din"
Tumango lang ako sa kanila "Tara ng umuwi, baka naiinip na sina mama, may dinner tayo ngayon" umuna na ako ng lakad kay heiven kukunin ko muna ang motorbike ko na ipinaparada ko sa parking lot
Pagkakuha ko ay pinatakbo ko ito tumigil lang ako sa tapat ng entrance kung saan naghihintay ang pinsan ko
Okey lang magmotor kahit na ilang metro lang ang layo ng bahay namin sa school
Minsan nagtataxi ako kapag tinatamad din magmotor at kapag maulan na din
Pagkatapos isuot ng pinsan ko ang helmet ay sumakay na sa motor ko ang pinsan ko at saka kumapit ito sa balikat ko at sya ko na naman pinatakbo ang motor
Nang makarating na kami sa bahay ay naabutan namin sina papa at mama na nasa sala at nanonood ng tv
"Dito na po kami" sabi ni heiven
"Kamusta ang event kanina?" Tanong ni mama
"Ayos naman po nakaka-enjoy ang mga palabas" masaya ang pinsan ko habang nagkukwento
"Mabuti kong ganon"
"Kuya albie kanina mo pang hawak yang daisy, saan mo ba nakuha yan" bulong sa aking ng pinsan ko kaya napatingin ako sa kamay ko
Nakita ko nga dito ang daisy na hawak ko, kung hindi pa pala sinabi ng pinsan ko baka hindi ko na nga maalala na may hawak pala ako
"May nagbigay lang, pero itatapon ko din ito"
"Ang bad mo sa nagbigay"
"Wala pa akong ginagawa" lumakad na ako paakyat ng hagdan papuntang kwarto ko
Hawak ko pa din ang daisy na bigay nong si tricy, kumuha ako ng libro at ang nakuha ko ay ang isang novel na isinulat ng sikat na writer, binuksan ko ito at isiningit ang daisy doon, itatabi ko na lang ito dahil sa ito ang kauna-unahang bulaklak na bigay sa akin ng isang high school, isinara ko ito saka ko muling ibinalik sa lalagyan nito.
( TRICY )
Nasa tapat na ako ng clinic at papasok na dito, nakaalalay sa akin ang isa kong classmate, in-excuse kasi ako ng teacher namin dahil sa masama ang aking pakiramdam
Sa pagbukas ng pinto bumugad sa amin ang isang lalaki at nang makita ko sya feeling ko nawala ang masama kong pakiramdam, parang ang warm ng presence nya
Sya ba ang nurse dito? Para tuloy gusto ko ng magkasakit araw araw para may dahilan ako na pumunta ng clinic
"Ano ang nangyari sa kanya?" Tanong nya sa amin ng makapasok kami
"Sumama po ang pakiramdam nya"
Hindi na naalis ang tingin ko sa kanya, ang puti nya maitim yong kilay nya, tapos ang tangos ng ilong nya, yung mata nyang bilogan na may pagkasingkit isama pa na may kahabaan ang pilik nito, tapos sa labi nya manipis lang at mapula ito
"Anong pakiramdam?"
"Nahihilo po ako, tapos nanghihina"
"Hindi naman ba sumasakit ang tiyan mo?"
"Medyo lang po"
"Kumain ka ba kaninang umaga?"
"Malalate na po ako kanina kaya hindi ko na po nakakain"
"Next time kahit tinapay kumain ka para may laman ang tiyan mo, sadali lang" tumayo ito at may kinuha sa bag nya inilabas nya doon ang isang cupcakes at isang bottle water "kainin mo ito pagkatapos higa ka dito sa kama para makapagpahinga ka muna"
Napatingin ako sa pinto ng may pumasok, naka all white ito
"May naging pasyente ka pala, anong problema nyan"
"Nahilo sya at nanghihina doc, then tinanong ko sya kung kumain sya kanina pero hindi daw sya nakakain, binigyan ko lang sya ng pagkain at tubig"
"Okey thank you, tyaka bumalik kana room nyo, malapit na next class nyo, lagi ka nalang dito tumatambay"
Hindi pala sya ang nurse dito
"Pagaling ka huh, lagi mong tatandaan na kumain bago pumasok baka magka stomach ulcer ka kapag lagi kang hindi kumakain"
"Sige po"
Umalis na ito
Sayang hindi ko man lang nalaman name nya
"He's a nursing student, pero nakikita ko na, na magiging magaling syang nurse"
"Ano pong name nya?"
"Albie"
At yun ang una naming pagkikita
Natutuwa ako kapag nakikita ko syang laging nasa lobby hindi nga lang ako lumalapit dahil sa nahihiya ako at baka hindi na rin ako natatandaan
Natuwa ako ng malaman kong pinsan pala ni heiven si kuya albie, kaibigan ko kasi itong si heiven
Nagdaan ang isang buwan at nalaman ko na hindi na daw tumatambay doon sa clinic si kuya albie baka nagiging busy lang ito
Nagka event at nakita ko nanaman sya sa lobby, papalabas palang sana ako nun ng exit ng bumalik ako sa loob, gusto kung magkausap kami, namimiss ko ang pakikipagusap nya sa akin
Kung ang lalaki ay nagbibigay ng bulaklak sa babae pwede din sigurong babae naman ang magbigay sa lalaki
Pumunta ako sa garden ng school, i know na bawal pumitas ng bulaklak dito pero no choice ako, pasimple akong lumapit sa daisy na nakatanim lang sa tabi at kinuha ito
Nakakalayo layo na ako ng may tumawag sa akin
Patay sya pa naman ang guardian councilor ng school
"Bakit may dala kang bulaklak? Saan mo yan kinuha? Pinatas mo ba?"
As in sunod-sunod ang tanong nya
Ayaw kong mafailed sa plano ko ngayon
"Hindi ko po ito pinitas, aminado po ako na nasagi po ng bag ko ito bulaklak nong umupo po ako at naputol po ito, sayang naman po kung itatapon ko sa basurahan kaya po iuuwi ko nalang po para ibigay sa mama ko, pasensya na po" ang galing mong magsinungaling Tricy
"Okey papalampasin ko yan ngayon pero sa susunod h'wag ka nang uupo malapit sa mga halaman huh, baka masira mo na naman"
"Okey po salamat po"
Umalis na ako para pumunta sa lobby, lucky dahil nandoon pa sya
Sa muli naming paguusap nalaman ko na masungit pala ito iba sa albie na nasa clinic, siguro mabait lang sya kapag pasyente nya, pero hindi yon ang magiging dahilan para hindi ko sya maging crush naniniwala ako na kahit sinong tao may sungit na taglay
Basta ang alam ko lang crush ko sya
___