The Hug

3802 Words
( ALBIE ) Nung bumalik na sa regular ulit ang pasok doon nagsimula na lagi na lang may gumugulo sa akin sa twing sabay kami ng pinsan ko ng uwi, pati nga pinsan ko alam na may crush sa akin yong friend nya, at ang walang hiya kong pinsan botong-boto pa ata, sabi pa nya support daw sya sa amin Tinutulongan pa nga ata ng pinsan ko si Tricy dahil minsan nagpapahuli ito kapag uwian na at pinapauna si tricy sa lobby Parang ngayon katabi ko si Tricy sa mahabang upuan "Para sayo albie, may nakapagsabi kasi sa akin na favorite mo daw ang cloud 9" Lagot ka talaga sa akin heiven, alam kong ikaw ang nagsabi But wait hindi nya ako ginalang parang magkaedad lang kami nitong nene na ito "Nasaan ang manners mo kung hindi ka gumagalang sa matanda kesa sayo" "ayaw kung tawagin kang kuya dahil kapag tinawag kitang kuya feeling ko hindi talaga tayo pwede, ibang feeling yong gusto kong maramdaman at nene na nga ako sayo, dadagdagan ko pa kung tatawagin kitang Kuya, dont worry magalang pa din ako sayo at magalang naman ako sa ibang tao" "Naisip mo talaga yon, at kahit anong mangyari ayaw ko pa din sayo" "Kahit anong mangyari kahit ayaw mo sa akin crush pa rin kita" __ Isang taon na ang lumipas pero hindi pa din ako tinatantanan ni Tricy kung dating crush nya lang ako ngayon ay gusto na daw nya ako Dahil weekend nagkayayaan ang mga kaibigan ko na lumabas kaya ito palabas na ako ng kwarto ko Naabotan ko ang pinsan ko na nasa sala at hindi lang sya nagiisa kasama ang bestfriend nya, sino pa ba ede si Tricy "Hi Albie" bati sa akin ni tricy "Gayak na gayak ka kuya ah may lakad kaba?" Tanong nya sa akin Lumapit ako sa kanila at ngayon ay titig na titig sa akin si Tricy, inlove na inlove na naman tong kiddos na to "Heiven dadaan dito si tita bianca ibigay mo ito sa kanya" inilagay ko sa tabi ng pinsan ko ang isang box na may laman na stethoscope at BP, ako kasi ang pinabili nya dahil nursing student ako mas alam ko daw kung alin ang bibilhin ko baka daw kapag siya fake lang yong mabili nya Dahil binaba ko ang box nakita ko ang mga papel na may questionnaire at may mga check na ito, naagaw ang atensyon ko sa questionnaire ni tricy kaya kinuha ko ito hindi lang pala isa kundi 3 Napataas ang kilay ko dahil sa nakita kong score nito "Yung totoo nag aaral kaba?" Puro bagsak kasi ang score na meron sya "Eh enumeration pala yong quiz akala ko multiple choice" "Hindi ka lang talaga nag aral" ibinalik ko na sa kanya ang questionnaire nya "Ikaw na bahala dito sa bahay heiven, i-lock mo yong pinto huh, h'wag pagbuksan kapag hindi kilala ha" "Okey, ingat ka kuya, malulungkot si tricy kapag may nangyari sayo" Sinamaan ko lang sila ng tinggin __ Sa isang motor racing ang pinuntahan naming magkakaibigan, andito pa nga lang kami sa labas ng venue dahil wala pa si Ephraim as usual siya lang ang laging late sa grupo "Dumali na naman yong Ephraim na yon magsisimula na yong racing eh" naiinip na sabi ni Hever habang kumakamot sa likod na ulo nito "There he is" turo ni macky sa tumatakbong si Ephraim "Tinakbo mo pa ba papunta dito kaya ka late?" "Sorry bro naabutan ako ng traffic" at yan na naman yong pangmalakasan nyang dahilan "H'wag kami Ephraim, dalang dala na kami sayo" sarcastic na sagot ni Hever "Lets go na sa loob" mabilis nga kaming pumasok sa loob Sa gitnang upuan kami nakakuha ng pwesto, di rin nagtagal nagumpisa nang magkarera ang mga motor at syempre nandito na rin kami pumusta na kami kong sino ang manok namin, nagpusta ako kay no. 7 dahil kahit medyo nahuli sya kanina nakahabol sya sa pang top 10 out of 20 racers ganon ang gusto kung spirit sa competition "Ang galing naman nya pero mas believe ako sa pumili sa kanya, ibang klase kang pumili albie nanalo pa manok mo" "Ako pa ba malakas spirit ko eh" pagmamayabang ko sa kanila " At dahil dyan kailangan mong manlibre ngayon kahit tig isang large lang sa potato corner " sabi ni Ephraim na umakbay pa sa akin "Ayuko ng fries" pagreklamo ni hever "Kumain nalang tayo, gutom na rin ako" Tahimik lang silang nakatingin sa akin "Sige libre ko" "Yon ang gusto namin" "Kaya love ka namin eh" "The best ka bro kung babae ka lang jinowa na kita" si macky na nakahawak pa sa magkabila kong balikat "Buti na lang lalaki ako" "Pwede naman kahit bromance" natatawang biro ni Ephraim "Tangina bro kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi nyo" inalis ko ang kamay ni macky sa balikat ko "Alis na kaya tayo gutom lang yan kaya kung ano-ano pinagsasabi nyo" Nagtawan na lang sila at nagsi-alis na kami Pare-pareho kaming nakamotor, ako ang nasa unahan at nakasunod lang sila sa akin "Thanks bro sa libre minsan ka lang manlibre kaya susulitin ko na" nagfist bump pa sa akin si hever "Eh mas mapera kaya kayo kesa sa akin" "Kahit na kaya nga susulitin ko na haha" "Nga pala kamusta na yong kiddos na nanliligaw sayo? Hahaha" alam nila ang tungkol sa pangungulit sa akin ni tricy "Iniwan ko sa bahay" "What? ibinahay mo na nga, baka kasuhan ka ng parents nya ng child abuse, k********g at r**e nyan" praning lang Ephraim "Gago, nasa bahay lang sya dahil kay heiven, naghohome study sila" "Kala ko kung ano na" "OA ka lang eh" "Hindi talaga sila naghohome study gusto ka lang nun makita" "Grabe ka naman kay kiddos, masarap lang talaga magaral lalo na kapag may inspiration" "Hahaha nagpapatawa kayo, nakita ko nga yung quizzes nya puro bagsak" "Wala kabang nakitang pangalan mo sa sagot nya? ikaw na lang ata laman ng utak nun" "Hindi ko napansin, yung score nya lang tiningnan ko" "Alam mo kapag naging dalaga na si tricy, magiging habulin yon, bata pa nga lang maganda na sya, kaya lang ayaw mo sa mas bata sayo" "Hindi naman sa ayaw ko sa mas bata sa akin kaya lang napasobra naman ang bata nya, 6 years tanda ko sa kanya, baka kapag nag-away kami lagi namin pagaawayan yung pagka-childish nyang pagiisip" "Age didn't matter when it comes to love albie at malay mo mas matured pa yon magisip kesa sayo" seryusong sabi ni macky "H'wag mo agad i-judge si Tricy dahil sa mas bata ito sayo" dagdag nya pa "Alam mo kung sinagot mo na sya baka magce-celebrate na kayo ng 1st anniversary" sabat naman nitong si hever "Hindi ko sya gusto okey as in wala" "Sa bagay maski nga ako ayaw ko din sa mas bata sa akin mas gusto ko yong parang mga tita na ng 5 years old na bata, baka maturuan pa ako ng mas mabuting asal" sabi sa akin ni ephraim "Magsasawa din sa akin si kiddos kapag nakahanap na yon ng kaedaran nya rin" ____ Mga 6 pm na ng hapon ng makauwi ako, madilim dilim na din Pagpasok ko naabutan ko pa sina heiven sa sala, grabe naman itong mga ito maghapunan ang home study nila "Hindi pa kayo tapos tyaga nyo ah" "Tapos na din kami pauwi na din itong si Tricy" "Anong oras nakuha ni tita yung pinabili nya?" "Mga tanghali sya dumaan" sagot ng pinsan ko "Kumain na ba kayo?" "Nagmeryenda lang lang kuya" "Hmm kailangan ko ng umalis best" "Sige inggat ka" natigilan ito saglit " Kuya pwede mo bang ihatid muna si best sa kanila, gabi na oh baka mapahamak pa sya" kakarating ko lang eh "Hindi na okey lang sanay naman akong umuwi ng gabi" "Hindi ba sya susunduin ng parents nya?" Tanong ko kay heiven "Nasa trabaho ng ganitong oras ang papa ko kaya malabo na masundo nya ako" si tricy ang sumagot "Bakit kasi nagpa-abot pa kayo ng gabi" "Sorry kuya hindi kasi namin namalayan ang oras" "Best uwi na talaga ako, bye bye na, bye na din albie" lumakad na ito palabas ng bahay Tsk napakamot na lang ako Sumunod ako kay tricy, nagulat pa ang pinsan ko sa ginawa ko "Sandali kiddos, isuot mo ito at hintayin mo ako sa labas ng gate, buksan mo na din yung gate" hindi pa ito nakakilos dahil sa pagkagulat "Ano tatayo ka lang ba dyan?" Dahil sa pagsusungit ko sa kanya agad naman nyang ginawa ang sinabi ko "Heiven isara mo ang gate pagkaalis namin" malakas kong sabi sa pinsan ko na nakatayo sa may pintuan "Okey, inggat kayo" Pinaandar ko na ang motor ko ang pinatakbo ko ito palabas ng gate "Sakay na" agad naman itong umangkas sa motor "Ngayon lang ito kaya h'wag ka ng magpapagabi sa susunod hahayaan na kita umuwi magisa" "Okey" "Hawak ka na sa balikat ko, ituro mo sa akin ang daan hindi ko alam bahay nyo" "Sure, ingatan mo ako ha, sayo nakasalalay ang buhay ko" parang double meaning yon Pagkahawak nya sa balikat ko pinatakbo ko na ang motor Hindi pa kami nakakalayo ay naramdaman ko na inalis nya ang kamay nya sa balikat ko at sa baywang ko iyon inilipat, para tuloy syang nakayakap sa akin, napangisi na lang ako Grab the opportunity nga naman Baka naman hindi sya komportable kapag sa balikat nakakapit Sabi ng kabila kong utak Sarap ng tulog nito mamaya Itinuturo nga nya ang daan lalo na kapag may mga crossroad at y- junction "Liko ka lang dyan sa sunod na street" "Pangapat na bahay sa kaliwa" Mabilis ko iyon narating malayo layo nga ang bahay nila, delikado kung magisa lang syang umuuwi Tinanggal na nya ang pagkakayakap sa akin at marahan pa syang kumapit sa balikat ko para bumaba Tinanggal nya ang helmet na suot nya saka ito inabot sa akin "Salamat sa paghatid mo, lalo tuloy kitang nagugustohan" " Pumasok kana dami mo pangdada" "Gusto mo bang pumasok para magkape" "Hindi ako mahilig sa kape" "May bear brand din kami" "Hindi na, pasok kana don" "Okey" pero hindi pa din ito pumapasok " ano bang kailangan kong gawin para magustohan mo ako" seryuso itong nakatingin sa akin "Mag-aral kang mabuti, make sure na matataas ang grade mo, kapag ginawa mo iyon baka sakaling magustohan kita" Umalis na ako pagkasabi ko nun, hindi ako sure sa mga sinabi ko, kung gusto nya talaga ako gagawin nya iyon, para rin naman iyon sa future nya ___ Lumipas ang mga araw at napapansin ko na tila nagiging busy itong si tricy, minsan binibigyan nya pa din ako ng chocolate para daw hindi ako ma-stress sa course ko, napatawa nga ako kasi galing pa sa kanya yong mga salitang iyon eh sya nga yong mukang stress Siguro nga pareho kaming stress nakakastress na din sa hospital, nag o-OJT na ako sa pagiging-nurse ibang iba talaga kapag actual mo nang ginagawa sa hospital, doon mo makikita talaga ang reality, ang real world kesa sa nagbabasa ka lang, pinapanood, practice sa school "Next month nalang graduation mo na, sa susunod magkakatrabaho kana, hindi na kita makikita dito, sa school nga hindi na kita nakikita kasi nga sa hospital kana pumupunta, nakakainggit naman gusto ko na ding makapagtapos agad" "Kuya alam mo ba pang top 3 itong si tricy, nung una nga nagtaka pa ako na bigla syang nagsipag mag aral kala ko nga ibang tao na kaibigan ko" "Ang daldal mo ako dapat magsasabi nun eh" reklamo ni tricy sa pinsan ko "Ang bagal mo eh, naiinip na ako eh" "Good to hear, keep it up" "Oooohhhw kita mo yon for the first time pinuri ka ni kuya" "Salamat pagbubutihan ko pa" nahihiya nyang sabi "Ay wait lang dyan muna kayo, baka kasi sunog na yong niluluto ko" nagtatakbo pa itong pumunta sa kusina "Paano ba yan unti-unti ko ng nagagawa yong gusto mo, sana unti-unti mo na din akong magustohan" napabaling ang tingin ko kay tricy "Ang sabi ko 'Baka' saka sinabi ko lang iyon para magaral ka ng mabuti nagbakasakali lang ako na susundin mo iyon, at tama nga ako sa ginawa ko, tsaka malaking tulong naman ang sinabi ko sayo tingnan mo matataas na nakukuha mong grade, hindi ba masarap sa feeling na makakuha ng mataas na grade, worth it yong pagod mo" "Nagbigay ka ng goal kaya ginawa ko yong sinabi mo" "Yan yong mahirap kapag bata eh, sarili mo lang iniisip mo, bakit hindi mo naisip ang pamilya mo? hindi ba goal mo din na suklian ang pagod nila sa pamamagitan ng pagaaral mo ng mabuti" "Akala ko pa naman magugustohan mo na ako" malungkot yong expression ng muka nya "Ipagpatuloy mo lang yang pagaaral mo, para sa iyo din yon, pwede ba h'wag ka muna magfocus sa love sisirain ka nyan" "No, kahit anong mangyayari hindi ko ititigil ang nararamdaman ko para sayo" "Ano ba pwede kong gawin para itigil mo na ang feelings mo for me" "Hmm" at tila nagisip pa sya " kapag may pinakilala ka na sa akin na ibang babae na mamahalin mo ng buo at handa kang ialay ang buhay mo para sa kanya" "Okey deal" nagsmirk ako sa kanya na parang sinasabi ko na madali lang ___ Nakagraduate na nga ako at nag exam na din ako para magkaroon ng licensed Sa pagsusumikap ay nakapasa ako sa exam at ngayon ganap na akong Registered Nurse Nagapply ako sa hospital na gustong gusto ko doon ako magtrabaho, pangarap ko na iyon noong babago palang akong pumapasok as a BSN Mabuti nalang tumatanggap sila kahit fresh graduate palang, at mas advantage nila sa fresh graduate ay yong may mataas na grade sa TOR at tinitingnan din nila kung anong average ang nakuha mo sa exam Nabigyan ako ng pagkakataon na ma-interview at sa awa ng diyos natanggap ako, grabeng pasasalamat ko lalong lalo na sa nasa taas, ibinigay na nya sa akin ang matagal ko ng pangarap Sabi pa nga ng head supervisor sa Monday na ako magstart pero sunday palang pinaduty na ako, hindi ko na tinanong kung bakit, ang mahalaga may trabaho na ako Nung unang araw itinour ako sa buong hospital at pinakilala sa mga magiging kawork ko ___ Nakarecieve ako ng message mula kay tricy sa messenger Good morning lang naman yung una nyang message, tapos yong 2nd nyang message sinasabi nya na magiingat ako palagi dahil papakasalan pa daw nya ako Ang advance na nya mag isip Naging friend ko si tricy dahil kay heiven naglaro kasi kami ng lucky 9 at may bet na naganap, maganda daw maglaro kung may bet Kapag natalo sya ititigil na nya ang pagkonsenti sa kaibigan nya, baka kaya lalong nagkakagusto sa akin si tricy dahil baka kung ano-ano ang pinagsasabi ng pinsan ko At kapag naman natalo ako iaaccept ko si tricy sa f*******: o kahit sa anong social media, at kahit daw isang beses i-date ko si tricy Nag reklamo pa ako dahil isa lang ang dare ko sa kanya tapos sa akin dalawa Kaya ang nangyari naka dalawang round kami ng laro and guess what daig ako ng pinsan ko kaya dalawang bet ang gagawin ko At nong matalo ako pinagsabihan ko sya dahil paglalaro ng card ang natutunan nya eh hindi naman kami ang nagturo sa kanya non Dahil nagawa ko na yong isa, yong isa na lang ang gagawin ko hindi ko lang magawa agad dahil sa busy ako sa hospital 6 months na ako sa hospital ang bilis lang ng araw Lumabas na ako ng kwarto ko at saka ito inilock May duty ako ngayon at kotse ang dala ko kapag pumapasok pinahiram sa akin ni papa ang kotse nya, hindi na daw bagay sa akin kong nakamotor ako kapag papasok Ayuko sana dahil kapag kotse ang dala ko malaki ang tendency na maaabutan ako ng traffic, eh kung nakamotor pwede ako makasingit pero dahil sinabihan nya ako na magtatampo daw sya kapag tinanggihan ko Pero nagmomotor din naman ako kapag may emergency na kailangan na pumunta na agad sa hospital Nakarecieve uli ako ng message na galing kay tricy Sabi nya 'excited na daw sya sa date namin at kailan ba daw iyon matutuloy' yan yung sabi nya, hindi ko alam kong magagawa ko iyon Nakakainis naman, ede baka lalo lang yon magkagusto sa akin, iniiwasan ko na nga din yong tao Inilagay ko na lang sa pocket ko ang phone ko Tumuloy na ako sa nurses lounge para iwan doon ang dala kong gamit ____ Dahil day off ko today, ngayon ko napagdesisyonan na ituloy yong so called date namin ni tricy sound nakakakilig pero wala akong maramdaman its more like friendly date, gagawin ko na today para wala na akong iintindihin pang iba Ako na ang sumundo sa kanila, nung makita ko na lumalabas sya sa bahay nila, nakita ko dito ang napakaaliwalas ng muka nya, may konte itong ayos, para sya yung ultimate crush ng mga taga section B Sa isang amusement park kami pumunta doon kasi ang gustong puntahan ng kasama ko ngayon Una kaming sumakay sa ferris wheel ? at magkatabi kami, sa una mabagal lang talaga, kapag nagtagal na nakakahilo rin "Picture tayo" request ni tricy "In one condition" "Ano yon?" "Hwag mong ipopost, once na makita ko na nagpost ka kasama ako, magkalimutan na lang tayo" "Eh wala ngang TAYO eh" mahinang sabi nito " sure hindi naman ako mahilig mag post" salita nya uli Nong nasa part kami na nasa taas saka kami nagtake ng selfies Nagsakay din kami sa space shuttle at twin spin, carry lang kahit feeling ko nagulo na yong mga bituka ko eh Next naming sinakyan na rides ay Flying Fiesta Mga extreme rides ang gusto ni tricy, sa pagbili pa nga lang ng ticket kinakabahan na ako, paano kapag nalagot yong tali ede good bye earth na Nagstart ng umikot sabi ko nga sa una lang mabagal, babawi yan kapag pahuli na Sa mga pictures ko lang nakikita ito dati pero ngayon heto ako nakasakay at malapit ko na yatang makita ang grim reaper na susundo sa akin, hindi ko na din mapigilan na hindi sumigaw, Potcha sa susunod hindi na ako sasakay dito, kasi naman yong inililipad ka tapos mabilis na iniikot, pumikit na lang ako feeling ko talaga bibigay na ako Nagmulat lang ako ng tumigil na ang ride, nang matanggal na ang mga nakakabit sa akin ay lumakad ako palabas yong pakiramdam ko parang lantang gulay Nakita ko tricy na agad ding lumapit sa akin, sumakay din sya pero bakit parang walang nangyari masigla pa din ito, liban lang sa buhok nyang gulo-gulo "Ayos ka lang ba, ang putla mo?" "Ayos lang ako" kahit hindi "upo lang ako doon" pinuntahan ko nga ang upuan na malapit sa amin "Bibili lang akong tubig, wag kang aalis dyan" tumango lang ako sa kanya Umalis na ito para bumili "Oy, Andal nice to see you here, pumupunta din ka pala sa mga ganito?" Lumapit sa akin ang isang magandang babae, Andal is my surname at yon ang tawag sa akin ng mga co-nurse ko sa trabaho "May sinamahan lang ako, upo ka" umusog ako para magkaroon sya ng space "Thank you" umupo sya sa tabi ko "Girlfriend mo ba kasama mo, nasaan sya?" Tanong nya sa akin "No, friend sya ng pinsan ko, natalo kasi ako sa laro namin ng pinsan ko kaya ang dare sakin samahan ko ang friend nya dito, bumibili lang yon" "Hahaha nakaka-enjoy naman bonding nyong magpinsan" "Madalang lang kasi busy na ako" "That's the reality" "May kasama ka rin ba dito?" "Yeah mga friends ko andon sila sa tower rides, hindi lang ako nakijoin kasi im scared in height tapos yung way pa non dahan dahan kayong itataas tapos biglang ibababa" "Maiiwan ba yong kaluluwa mo sa taas?" "Yeah exactly" Nagtawanan lang kami "Ow i need to go hinahanap na ako ng mga friends ko" "Okey sige" Tumayo kami at humarap sya sa akin "Bye" nagulat pa ako ng bumeso sya sa akin "see you around" "Sige bye" At umalis na nga ito, sinundan ko lang ito ng tingin hanggang sa nawala na ito "Tubig mo oh" may inis sa boses nito "sorry natagalan ako, ang tagal kasi umalis nung babae, ang tagal ko din tuloy nagintay" "Okey lang" "Enjoy ba?" Enjoy nga ba ako today "sa pamamasid mo sa paligid habang wala ako?" "Medyo" "Eh kanina habang nagrirides ka?" " feeling ko mamamatay na ako" "Ako kasi kasama mo kaya hindi ka nageenjoy" naging malungkot ang muka nito "Bago sa akin ito, all of my life ngayon lang ako nakasakay sa mga rides, huli na para sa akin ang pumunta sa mga ganito, but salamat sa experience Sumilay lang ang kanyang munting ngiti "Gusto kong mag horror house, samahan mo ako" "Ayuko" binuksan ko muna ang tubig na binili nya saka ako uminom "Takot ka lang eh" panunukso nya "Hindi ako takot okey, i know na fake sila" "Sasamahan mo lang ako eh" nawala na uli ang masaya nyang expression at tumingin ito sa ibang direction "Tsk Tara na nga" naiinis ako sa pagtatampo-tampohan nya, napaka childish naman "Hindi ka sincere eh" "Ano gusto mo lambingin kita, you wish" "Sungit" sagot nito "Turn off kana? Mabuti kong ganon wala ng manggugulo sa akin" "Hindi ah, yun nga ang dahilan kung bakit mas nagustohan kita" Pumasok na kami sa horror house madilim sa loob (malamang albie hindi na yon nakakatakot kapag kita mo ang mananakot sayo) Nakakarindi lang ang mga paliritan nila, ang tinis pa nong iba, Whaaaaa Naramdaman ko na lang na may yumakap sa likod ko Isang pugot ang ulo ang lumapit sa amin at mas tinatakot pa si tricy "Bitaw nga" hindi pa din ito umaalis "bitaw sabi, ikaw yong may gustong pumunta dito tapos takot ka" napalakas yong pagkakasabi ko, pero tela nabingi na ata itong kasama ko "Sobra kana Tricy" marahas kong inalis ang pagkakayakap nya sa akin "chuma-chansing ka eh" "S-Sorry, n-natakot lang talaga ako" para itong umiiyak hindi ko lang makita dahil madilim "s-siguro kung yong babaeng kasama mo kanina baka sumaya ka pa" Nakita nya pala kami kanina Paano naman nya nasabi na masaya ako kung kasama ko yung co-nurse ko "Gusto mo ba sya" bilang kaibigan oo kasi sobrang bait non "Oo" "Okey good to hear, bagay kayo" mahina nyang salita "Tara na labas na tayo" Nilampasan nya ako at nauna na syang maglakad nilalampas lampasan na lang nya yong mga nanakot sa kanya Tahimik lang yong naging byahe namin hanggang sa nakarating kami sa bahay nila Nung lumabas na sya ng kotse ay lumabas na din ako "Salamat sa pagsama sa akin, na-enjoy ko ang rides" "Sorry sa nangyari, hindi dapat kita sinigawan" "Okey lang naman" "Tricia sino yang kasama mo?" ___
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD