Full of Painful

4546 Words
( ALBIE ) Napatingin ako sa nagsalita, i think nasa 40's ang edad nito Baka ito ang papa ni tricy "Hello po ako po si Albie pinsan po ako ng kaibigan nitong si tricy, inihatid ko lang po siya pauwi" "Tamang tama may dinner kami, pasok ka muna, bawal tumanggi sa grasya" Bawal nga daw tumanggi sa grasya, aayaw pa ba ako Napakamot ako sa batok ko "sige po" Nauna na silang mag-ama, sumunod lang ako "Oh may bisita pala tayo" siya naman siguro ang mama ni tricy Nagulat pa ito nung una "Ini- invite ko na dito mag dinner, hinatid nya pauwi si tricy, pinsan daw ng kaibigan ng anak natin" "Hello po" bahadya pa akong nag bow "Maupo ka dito ijo" inanyayahan nila ako sa kusina "Salamat po" umupo nga ako sa silya Wala pa dito sa kusina si tricy siguro nasa kwarto nito "Anong buo mong pangalan ijo?" "Albie Andal po" "So ikaw pala si albie, Ilang taon kana?" "21 na po" "May work kana?" "Opo isa po akong Registered Nurse sa General Hospital" "That's great ijo" "Thank you po" Mayamaya pa ay lumabas na si tricy kasama nya ang isa pang batang lalaki Hala ang cute naman nya Hindi na ako magtataka kasi naman pang high standard ang itsura nila Kumain na kami at thumb up sa luto ng mama ni tricy, ang sarap grabe "Ang sarap ng luto nyo po" "Salamat, nakakataba naman ng puso" "Salamat din po nakakataba ng tiyan" At napatawa naman sila sa sinabi ko Natapos kaming kumain Ako at si mama ni tricy ang naiwan dito nasa "Kaya pala gustong gusto ka ng anak ko" gulat akong napatingin sa kanya "Lagi kang kinukwento ni tricy, mabait kang tao, i think matalino ka din at pogi" "Hahaha hindi naman po, sakto lang" "At sinasabi nya rin na hindi mo daw sya gusto" ang honest naman ng anak nya, nahiya tuloy ako bigla "Masyado pa pong bata si tricy para sa ganong bagay, ayaw ko po na magfocus sya sa love, dapat nya munang intindihin ang pag-aaral nya" "Ang ganda naman ng gusto mo para sa anak ko, tyaka i remember na sinabi ng anak ko na ikaw daw dahilan kung bakit tumaas mga grade nya, which is totoo nga hindi talaga nasasali ang anak ko sa honor " "Sya po ang nagsumikap para tumaas ang grade nya" "Alam mo makulit lang ang anak ko pero malambing yon at sobrang mapagmahal, kung sakali man please alagaan mo ang anak namin" "Sige po" kahit hindi ako sure sinabi ko na, ayaw ko lang na may negative sa pulong namin ng mama ni tricy "Kailangan ko na pong umuwi, salamat po uli sa masarap nyong pagkain" "Ay sya sige magiingat ka" "Sige po salamat" Pagkadaan ko sa sala nila nandoon ang papa ni tricy, nanonood ito sa tv "Aalis na po ako sir, salamat po" "Tito nalang, walang anuman, sige magingat ka sa paguwi" "Sige po" Hindi na ako napagpaalam kay tricy nasa cr pa yon eh, nagbabawas siguro ___ ( TRICY ) Lumipas ang mga taon first year college na ako at computer engineering ang aking kinuhang course, unang taon palang dumudugo na ang utak ko, kinuha ko ito dahil may gusto lang akong ma-achieved Same school parin ang pinapasukan namin ni heiven, almost lahat rin naman ng course nandito na At ito ang chismis hindi parin nagbabago pagtingin ko kay albie sya parin kahit nasasaktan at nagseselos kahit wala akong karapatan May nagiging girlfriend ito at syempre hindi naman ako manhid para hindi makaramdam ng sakit, bakit ang dali nyang magmahal ng iba gayong kaunting panahon lang nyang nakikita ang mga iyon, samantalang ako ilang taon ng nagpaparamdam sa kanya, walang progress, hindi nya ba talaga magugustuhan ang tulad ko dahil lang sa mas bata ako sa kanya, my gosh age didn't matter naman ah, 6 years nga lang agwat namin compared doon sa 10 to 12 years Noong nagkafirst gf nga ito nalungkot ako dahil naisip ko paano kung ito na nga ang forever nito, ede ititigil ko na kasi diba may usapan kami, pero matapos lang ang anniversary nila nagbreak din at guess what syempre demonyeta ako kaya natuwa ako Masabihan man akong martir, wala ako pakels, hindi ako susuko hanggang hindi pa sya ikinakasal May mga gustong manligaw din sa akin pero dahil mas gusto ko si albie, binabusted ko sila Natatakot ako na kapag nag-entertain ako ng iba baka mabaling ang pagtingin ko kung sino man lalaki na manligaw sa akin, gusto ko lang si albie, loyal ako sa kanya Binibigyan ko pa din sya ng gift tuwing birthday nya at tuwing valentines lahat ng gift ko, sinasamahan ko ng gayuma charot lang, naglalagay ako ng love letters Sinasabi lang naman nya na ayaw nya sa akin, pero hindi naman nya ako pinapalayo Sa totoo nga sa bahay na rin nila ako nakatira, paano? Syempre gawa lang naman ng numero uno kong supporter ang bestfriend ko Sinabi nya sa pamilya nya na doon ako papatirahin para naman daw may kasama sya sa bahay at sa paguwi nya galing school Hindi na kasi sya nasusundo dahil may trabaho ang tito nito at ganon din naman si albie ko Wala naman kaso sa pamilya ko kung dito ako tumitira, malayo naman din sa amin ang school, eh malapit lang naman school dito ___ Sakto walang pasok at day off din ni albie makikita ko sya Masaya lang ako, minsan na lang kasi mangyari ang ganito Kahit kasi dito ako nakatira madalang ko lang ito makita, tulog na ako kasi naman gabing-gabi na ito kung umuwi, minsan sa hospital na ito natutulog, kung pwede nga na tumira sa hospital baka doon na yon tumira Busy na sya sa buhay nya kahit single sya ngayon, kaya nga masaya ako ngayon eh. Single sya, landi ko talaga, dont worry bata pa ako alam ko na yon, kaya nga lang yung nilalandi ko hindi naman maakit, poor me "Kuya busy ka ba today?" Naagaw ang atensyon ko ng marinig ko ang boses ni heiven "Hindi naman bakit?" Nabalik ako realidad ang lalim ng iniisip ko Oh my gosh boses palang nya nagkakagulo na ang mga organ ko, paano nalang kapag napasaakin na sya baka magsilabasan na mga organ ko Tumingin ako kay albie, syempre papalampasin ko ba na hindi sya masilayan "Samahan mo kami magma-mall lang, libre mo kami ng sakay" "So gagawin nyo akong driver?" "Hindi naman pero parang ganon na din, ipasyal mo naman kuya ang sarili mo paminsan-minsan lagi ka nalang nasa trabaho mo" "Sige na nga, gagayak lang ako, kayo din" Sinundan ko lang sya ng tingin hanggang sa makapasok ito ng kwarto nya ?Crush na crush na crush kita 'Di mo ba nadarama? Crush mo rin kaya ako? Cross my heart, P.S. I love you ?" bakit kailangan nya pang kumanta, pakanta-kanta pa si heiven habang naglalakad ito pa kwarto Napailing na lang ako na sinundan sya pakwarto "Tigil-tigan mo nga pagkanta mo, maganda ka pero pangit ang boses mo hindi kana nahiya sa singer" "Panyapat maganda boses mo kung laitin mo ako" " Hindi ah" sagot ko habang naghahanap ng masusuot "anong maganda suotin?" Tanong ko dito "Ayon matapos ako laitin, tyaka kahit ano naman suotin mo you look beautiful, ewan ko lang kay kuya bakit hindi nya iyon makita" "Hindi lang siguro ako attractive sa pinsan mo, Help me nalang kaya pumili ng susuotin ko, sating dalawa ikaw ang fashionista" "Okey" lumapit sya sa kinaroroonan ko, tiningnan nya ang closet ko "hmm try mo itong Blue jeans tapos itong sleeveless crop top then mag sandals ka nalang" "Thank you beshie" ___ "Ano bang bibilhin nyo?" Tanong ni albie Papasok palang kami sa mall "Not sure kuya, 50% off today, magwi-window shopping lang kami" "Baka naman ubosin nyo allowance nyo" "Marunong naman ako magbudget" sabi ko sa kanya, saglit pa akong tumingin sa kanya "Ako rin" sabat ni heiven "Kumain muna tayo baka kapag inuna natin pagshoshopping nyo, magtagal kayo" "Sige basta libre eh" "Aba't akin na nga ang sasakyan at gasolina, wala pa kayong pamasahe tapos ako pa magpapakain sa inyo" "Minsan lang naman ito kuya" "Sige na tara na" "Yun oh, kaya love na love ka namin kuya eh lalong-lalo na itong si beshie, ang bait mo eh" "Magtigil ka heiven baka gusto mong bawiin ko sinabi ko" "Ay hindi kana pala love ni beshie, may love na syang iba" Hindi na ako magrereact sa sinabi ni beshie, alam ko naman na hindi totoo yon "Tara na, maghanap na tayo ng makakainan" sabi ni albie sabay nauna na itong lumakad pauna Sa bonchon kami kumain masarap kasi ang luto nila sa manok, walang bayad ang bonchon sa akin para irecommend ko sila, kami pa nga ang nagbayad Nang matapos na kami kumain ay pumunta na kami sa department store Parang hindi masusunod yong binudget ko sa dami ng magagandang pagpipilian Sa clothing wear Busy ako sa pagpili kahit wala akong mapili, ang hirap kung alin ang bibilihin ko "Cyan" napalingon ako kung saan nanggaling ang boses may kalakasan ito kaya pati yung dalawa kong kasama napatingin Dahil nakatingin sa akin yung tumawag at nakikilala ko kung sino ito, ako ang tinatawag nito Sya si Bryan at sya lang ang tumatawag sa akin ng Cyan, gusto nya na tawagin akong Cyan dahil magkatunog daw pangalan namin "Nandyan yong manliligaw mo beshie" rinig kong sabi ni heiven, napatingin ako kay albie na nakatingin sa amin Isa sya sa nagsabi na manliligaw ito at isa rin sya sa binusted ko pero may taglay itong kakulitan, kahit daw i-busted ko sya manliligaw at manliligaw ito, walang araw na hindi ito magpaparamdam, kahit nga walang pasok nagtetext ito Nakikita ko nga ang sarili ko sa kanya "Kung makasigaw ka ng name ko wagas, akala mo ikaw lang tao dito" sermon ko dito ng makalapit ito "Ilang beses na kaya ako tumatawag sayo, pero busy ka sa pagshoshopping" Lumayo muna ako kina beshie samantalang sumusunod sa akin si Bryan "Bakit ba?" Tanong ko dito "Wala naman, hindi ko expected na makikita kita dito" "Mahilig ka din pala sa discount" "Ngayon lang kasi nakadiscount itong sapatos na gusto kong bilihin" itinaas nya ang paperbag na dala nya, hindi ko napansin na may dala pala sya "Balik na ako sa mga kasama ko bryan" "Pwede ba ako sumama?" "I don't know kung okey sa kanila na may kasamang iba" ayaw ko din naman, yon lang talaga dinahilan ko "Sige, Hindi na ako pipilit pa, balik kana don" "Okey, bye" Tumalikod na ako at naglakad pabalik kina beshie at sa pinsan nya "Mukang confidential ah" "Baka gusto din nung tao ng privacy" Napatingin ako kay albie na seryusong kumukuha ng mga damit na napipili nya, akala ko ba wala itong balak bumili ng madami, sya ata mas gagastos sa amin "Adik ang pinsan mo sa discount" "Grab the opportunity na daw" Pareho ko nang kinuha ang blouse na pinagpipilian ko, isang shoes at isang sandals ang ganda eh Kundi tinulongan pa namin na magbitbit si albie ng pinamili nya Ganon nga siguro kung sino lang yung niyaya mo in last minute sila pa yong madaming mabibili ___ "Heiven paki dala sa kwarto ko yong ibang paper bag" "Okey" Lumabas na si albie ng sasakyan nya dala ang iba nitong pinamili "Ikaw na magdala nito kay kuya beshie ako nalang magdadala ng pinamili mo" "Ang daya" "Para makita mo loob ng kwarto nya" "Hindi magagalit yon" "May reason ka naman kaya ka papasok, sabihin mo hindi ko natiis dahil ihing-ihi na ako" "Sige na nga" Agad akong lumabas sa kotse dala ang paper bag ni albie Kumatok ako sa pinto bago ako pumasok at nagulat sya ng ako ang nagdala ng pinamili nya sa halip na ang pinsan nya "Bakit ikaw nagdala?" "Tinawag ng kalikasan si beshie, nagmamadali nga eh" "Ipatong mo nalang sa table kung hindi na kasya pwede mo sa sahig ilagay" "Okey" Agad akong tumalima, lumapit ako sa table Nang ilagay ko ang paper bag ay napansin ko ang isang picture frame dalawang magkaibang picture, magkaiba ang shot nito pero isang tao lang iyon kundi si albie Ang cute nya doon sa picture, yung isa kasi ngiting ngiti samantalang yung isa parang napilitan lang "Hindi ka pa ba lalabas" medyo nagulat ako sa salita ni albie "Lalabas na nga" ____ ( ALBIE ) Mas nagiging busy ako lately because pumapasok ako habang nagwowork Nagtake ako ng Master's Degree mas gusto ko pang taasan ang ma-aachieved ko, Gusto kong maging Nurse Practitioner (NP) Nakarecieve ako ng message at call galing sa ex-girlfriend ko, gusto parin nya na magkabalikan kami at hinding-hindi na daw nya uulitin ang ginawa nya She's cheating on me, nakita ko sya kasama ang lalaki nya sa isang restaurant, at ang naabotan kung scene ay siya mismo ang humalik sa lips nung lalaki At 3 months na nya pala ako niloloko Sabi nya nagkulang din ako kaya sya nagloko, san ba ako nagkulang? Sa time ba, hindi pa ba sapat na sa tuwing day off ko magkasama kami, after ng duty ko pinupuntahan ko sya sa bahay nila para magkita kami, ginagawa ko na ang lahat bilang boyfriend nya, actually merong isa na hindi ko ginawa, gusto ko kasi gawin namin yon kapag kasal na kami, hindi ako tulad ng ibang lalaki na sige lang ng sige Ang tunay na lalaki marunong magcontrol kahit ano pang pangaakit ng babae lalo na kung hindi pa kayo kasal, kaya ayon hindi nya matiis kaya sa iba hinanap Okey lang magsex kung kasal na kayo basta pareho nyong gusto Yun kasi ang itinuro sa akin ng papa ko Wala akong paki-alam sa sinasabi ng iba kong kalalaki kong tao virgin pa ako, hindi naman ako nagiisa, marami pa kami Ganon din mga tropa ko, muka man silang gago pero virgin pa mga yon Goal Squad namin yon Hindi ko na lang pinansin ang message nito Nasaktan ako sa ginawa nya at hindi ko deserve yon Matagal na nangyari iyon kaya nakamove on na ako, mukang nagbreak na sila ng lalaki nya kaya bumabalik naman ngayon, ano ako fast food na pwede nyang balik-balikan "Kuya, kuya" tawag sa akin ng pinsan ko mula sa labas Lumabas ako baka kasi may nangyayaring hindi maganda Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko "Bakit?" Tanong ko dito at muka itong hindi mapakali "Si Tricy" kinakabahan ako dahil sa tono ng boses nito "Nasaan sya?" Agad akong lumabas ng kwarto ko "Nasa kwarto namin ang taas ng lagnat nya" "Naka-inom na ba sya ng gamot?" "Hindi pa ata, hindi ko nga agad nalaman na nilalagnat ito, kaya ko lang nalaman ng gisingin ko sya" "Ikaw na bahala sa kanya kuya, kailangan ko ng gumayak, malalate na ako, tsaka ako nalang mag-eexcuse sa professor namin" Pumunta muna ako ng kusina at nagluto ng lugaw, mabilisan lang ang ginawa ko, Kumuha muna ako ng tubig at idinamay ko na din ang pagkuha ng gamot, nagsalin ako ng lugaw sa mangkok, pinaglalagay ko sa tray ang mga ito Naghanda muna ako ng towel na pwede kong ilagay sa noo nito at tabo na may lamang maligamgam na tubig, babalikan ko nalang ito Umakyat na ako sa kwarto nila, kumatok muna ako bago pumasok Nadatnan ko doon ang nakabalot ng kumot na si tricy Ipinatong ko ang dala kong tray sa ibabaw ng table Lumapit ako kay tricy at idinikit ko ang likod ng palad ko sa noo nito at sobrang init nga nito Ano bang ginawa nito at ang taas ng lagnat "Hey, gising ka muna" tinapik tapik ko pa ito Nag hmm lang ito "Ibabangon kita ha, kailangan mong kumain para makainom ka ng gamot" Inalalayan ko itong bumangon at isinandal ko sa headboard ng kama "Kuya alis na ako ikaw na bahala sa kanya ha" "Sige na, magingat ka" Lumabas na ang pinsan ko Kinuha ko ang mangkok at umupo sa tabi ni tricy "Kain ka oh" inilapit ko sa kanya ang mangkok Kinuha nya ang kutsara at sumandok, at hinipan ito dahil nanghihina sya hindi nya maayos maisubo ang lugaw Inagaw ko ito sa kanya "ako na magsusubo" Sumandok ako ng lugaw at hinipan ito tapos saka isusubo sa kanya. Nakatingin lang sya sa ginagawa ko Pinagpatuloy ko lang ang pagpapakain ko sa kanya hanggang sa umayaw na ito, hindi nya naubos ang lugaw pero okay lang dahil kunti nalang naman ang tira Tubig at gamot naman ang kinuha ko at lumapit sa muli kay tricy "Inumin mo ito" ibinigay ko sa kanya ang gamot, kinuha nya iyon saka inilagay sa bunganga nya at saka ko naman binigay ang tubig, inilalayan ko pa ang baso baka mailaglag niya, nahawakan pa nga nya kamay ko, okey lang hindi naman maiiwasan iyon "Saglit lang ha may kukunin lang ako" Bumaba na ako dala ang tray at inilagay lang muna ito sa lababo Inilagay ko ang towel sa tabo, piniga ko ito Umakyat na uli ako sa kwarto pero bago ako pumasok sa kwarto nila at sa kwarto ko muna ako pumunta, kinuha ko ang medical bag ko at tyaka ako pumasok muli sa kwarto nila Nakasandal parin ito pero nakapikit "Hey" tawag ko dito, napamulat ito "ihihiga kita, at lalagyan kita ng towel sa noo mo at titingnan ko na din ang temperature mo" marahan itong tumango Inilalayan ko, nang makahiga ito saka ko naman inilagay ang towel sa noo nito Itinaas ang sleeve ng damit nya, kinuha ko ang thermometer, bago ko ilagay sa kilikili ni tricy ay pinunasan ko muna ng anti-bacteria wipes ang thermometer Mayamaya pa ay tumunog na ang thermometer, kinuha ko na ito Nang tingnan ko ay 38.8°c ang temperature nya, pinunasan ko na uli ng wipes ang thermometer bago ito itabi Tiningnan ko sya at mahimbing na itong natutulog, inayos ko lang kumot nito Lumabas na ako sa kwarto nya, mamaya ko nalang ulit sya ichecheck Kumain na muna ako hindi pa pala ako nakapagbreakfast Pagkalipas ng 5 oras ay chineck ko ito Kung ano ang ginawa ko kanina yon uli ang ginawa ko liban lang sa pagsubo ko sa kanya dahil sya na ang gumawa non, Nagiiba na ang pakiramdam nya, nakakaroon na sya ng lakas ____ ( TRICY ) Isang linggo na ang nakaraan ng alagaan ako ni Albie, at sobrang saya ko dahil sa katotohanan na inalagaan ako ni albie, kaya siguro mabilis akong gumaling dahil sya ang nag-asikaso sa akin, naulanan kasi ako nong nasa amin ako, tapos nong hapon saka lang ako bumalik dito sa bahay nila albie, saka lang ako nilagnat noong umaga Nandito ako sa may garden at nagpapahangin at nakikinig na din sa music ng may play ang isang pamilyar na kanta kaya sinabayan ko ito "?Ohhh, Ohhhh Alam Mo Ba? Sinong Nagsabi? Na Crush Ko sya, Di ko sinabi Alam ba nya ang aking Feelings Alam ko na sa akin sya'y may pagtingin Pano naman ang aking puso? Damdamin nya at nakatago Paano mo ba to malalaman Ganung di mo naman ako tinitingnan Crush na,Crush na, Crush kita! Di mo ba nadarama Crush mo rin kaya ako? Cross my Heart PS I Love you! Di ko alam ang nangyayari Paghanga lang nung una dati Bakit ngayon ay Gumagrabe Di na ako nakakatulog sa gabi Crush na,Crush na, Crush kita! Di mo ba nadarama Crush mo rin kaya ako? Cross my Heart PS I Love you! (Repeat 2x) Nung Una Ay Paghanga Lang Itong aking Nadarama Pero Habang tumatagal Ba't parang na Mi miss kita? Na Mi miss ko ang mukha mo At gusting lagging Makita Di mapigil ang saya Kapag nasa harapan kana Ito ba ang sinasabi Nila na Puppy Love? First time mong Mai-in love Sa Bata mong Edad Paghanga lang ba Talaga Ang aking Nararamdaman? Sabi nila "Crush lang yan Madaling Malimutan" Crush na,Crush na, Crush kita! Di mo ba nadarama Crush mo rin kaya ako? Cross my Heart PS I Love you! Di ko alam ang nangyayari Paghanga lang nung una dati Bakit ngayon ay Gumagrabe Di na ako nakakatulog sa gabi Crush na,Crush na, Crush kita! Di mo ba nadarama Crush mo rin kaya ako? Cross my Heart PS I Love you!?" Relate talaga ako sa kantang ito Tumayo na ako at papasok sa loob iinom lang sana ako, medyo natuyo ang lalamunan ko Nasa may pinto palang ako ng may naririnig akong nagtatalo at nanggagaling ito sa kwarto nina tita at tito "Ma! Matagal ng wala ang kapatid ko, nagawa ko na kung ano ang gusto nya, sana naman yung gusto ko naman ang Masunod" ano ba pinag-aawayan nila, dahil chismosa ako lumapit pa ako "Hindi ba pwedeng ipagpatuloy mo nalang yan?" "Matagal na akong nakakulong sa pangalang hindi naman akin, gusto ko lang naman buhayin yong ako na matagal ng pinatay, Gusto kong mabuhay muli ang pangalang Aldre dahil iyon ang totoong ako, Mauunawaan yon ni albie na kakambal ko dahil ginawa ko naman ang hiling nyang mabigyan sya ng diploma, same course, same face hindi ba sobrang dali lang pagpalitin ang katauhan namin, pero ngayon ayaw ko nang lukohin ang sarili ko at ang taong mahalaga sa akin" nagulat ako sa mga nalaman ko si albie ay hindi si albie,paano nangyari yon, ngayon napapaisip ako sya ba yong albie na nagustohan ko, sya ba yong albie na una kong nakita sa clinic noong highschool palang ako "Albie o aldre ka man, ikaw parin naman yan ah, malaya mo parin nagagawa ang gusto mo, kaya anak please lang h'wag mo ng ituloy ang binabalak mo" "Itutuloy ko pa din ang plano ko, Ma" Nakita ko na lang ang biglang pagbukas ng maluwang ang pinto, hindi na ako nakaalis pa sa kinatatayuan ko Napatingin sa aking si albie or aldre, nagulat pa ito ng makita ako "Kanina kapa dyan?" Tanong nya " Sorry hindi ko sinasadya na marinig ko" Tumango lang ito ng bahadya at saka lumakad pa alis sa pwesto nya "Wait lang albie, pwede ba tayo magusap" Tumigil ito pero saglit lang iyon at naglakad na uli Sinusundan ko sya at pilit syang tinatawag "Ano ba?" Sa garahe ko sya naabutan at galit ang muka nito "Tungkol doon sa narinig ko may gusto lang akong malaman" "Chismosa ka talaga" totoo yon pero masakit pala kapag sa kanya galing "Kung narinig mo na hindi ako si albie totoo yon, kaya pwede leave me alone" "Hindi ako aalis hanggat hindi nasasagot ang tanong ko, chismosa na kung chismosa pero gusto ko lang malaman kung ikaw ba yong albie na nagbigay sa akin ng pagkain nya noong highschool pa ako, nasa clinic tayo ng school at tumatambay ka noon doon sabi nung nurse" nagdadasal ako na sana sya iyon "Kahit kailan hindi ako tumatambay doon, at wala akong maalala na nagbigay ako ng pagkain sa isang highschool" napapikit ako sa narinig ko, may mga luha na din na pumapatak, pinipigilan ko pero ayaw paawat eh "Hindi pala ikaw ang taong una kong nagustohan, kaya pala hindi na kita nakikita sa clinic non, kaya pala hindi ko na nakikita ang saya sa iyong mata nong una kong nakita ang mga iyon, at yong matatamis mong ngiti na unang nagpakilig sa akin" "Oo hindi ako yon, at ibang albie pala nagustohan mo, so siguro titigilan mo na ako dahil sa nalaman mo, kung ganon leave me alone at para sa akin ikaw pa din ang batang kilala ko, hindi nagbago yon" "Siguro nga tama ka kailangan ko ng itigil itong nararamdaman ko, hindi naman pala ikaw ang albie na hinahangaan ko, isa kang fake" basang basa na ang muka ko dahil sa patuloy na pag-agos ng luha ko, gusto kong bawiin ang sinabi ko na itigil na ang nararamdaman ko para sa kanya, pero hindi ko magawa, nasasaktan na ako ngayon palang, dinaig ko pa yong totoong magkarelasyon na naghihiwalay din. Tama lang siguro na lumayo muna ako sa kanya, para makapagisip isip, masakit ang gagawin ko, matagal na panahon na sa kanya na halos tumatakbo ang buhay ko "Sana pala sinunod na lang kita dati na itigil ko na ang nararamdaman ko o kaya binigyan ko nalang ng Chance yong mga taong nagparamdam sa akin na importante ako, salamat nalang sa lahat, salamat dahil hinayaan mong titigan kita, salamat dahil sayo nagaral akong mabuti, salamat dahil kahit hindi literal tinuruan mo akong magmahal" Tumalikod ako ang mabilis na pumasok sa kwarto ko, Mabilis ang nagimpake, magtaka si heiven nito pag uwi nya Ipapaliwanag ko naman sa kanya kung bakit ko ito gagawin Sobra akong nasaktan, nasasaktan ba ako dahil sa sobra ko na itong gusto baka nga di lang gusto eh baka nga Mahal ko na, oh dahil ba sa ibang albie pala ang gusto ko o nasasaktan ako dahil iiwan ko sya, hindi pa nga naging kami parang break up na agad Umalis na ako sa bahay ng Pamilyang Andal ______ ( ALBIE/ALDRE ) Tuluyan na nga umalis sa bahay namin si tricy at samo't saring mga tanong ang itinanong sa akin ng pinsan ko ng makauwi ito Sinabi ko lahat sa pinsan ko ang nangyari Maging sya ay nagulat sa nalaman nya Nagkasakit ang totoong albie noon hindi agad namin nalaman na may sakit pala ito inilihim nya sa amin ang nararamdaman nya dahil sa natatakot ito, sa aming dalawa ni albie sya yong masayahin, mabait, at matulungin kaya nong nalaman ko, naiyak ako nag wish ako na sana ako nalang yong nagkasakit hindi nalang sya Gustong gusto ng kakambal ko na makatapos ng nurse pero alam nya sa sarili nya na hindi nya kakayanin Kaya humingi sya ng favor Yung ay ang magkaroon sya ng diploma at pangalan nya ang nakalagay doon, hiniling nya na gamitin ko ang pangalan nya, ginawa ko iyon dahil sa sobra kong mahal ang kakambal ko, akala ko pangalan lang yon pala pati ang pagkatao nito gagawin ko Habang nasa hospital ang totoong albie at ginagawa na ng pekeng albie ang hiling nito Pinalabas na si ako bilang aldre ang nagkasakit at si albie ang malakas, para sa kakambal ko papatayin ko ang sarili ko Ngayon dalawa na ang nasaktan ko ang nararamdaman ng kakambal ko at si tricy na walang ibang ginawa kundi mahalin si albie Pinagsisihan ko ang mga masasakit na salita na binigay ko sa kanya, at hindi nya deserve iyon Sobra ko itong nasaktan At maging ako nasaktan din sa nangyari lalo na dahil ang totoo palang albie ang gusto nito Iba ang gusto kong sabihin sa kanya, taliwas iyon sa mga nasabi ko kay tricy Oo noong una ayaw ko sa kanya dahil nga sa masyado pa syang bata, at wala pa itong alam tungkol sa love, gusto ko lang naman mapabuti nya pagaaral nya, napapasaya nya ako sa tuwing makikita ko na matataas na mga grade nya Tinatago ko ang mga binibigay nyang regalo sa akin, hindi ko iyon ginagamit dahil ayaw kong maluma at yung daisy na nakasipit sa libro ko, ayon nandoon pa din hanggang ngayon, sobrang tuyo na nga Nakaramdam ako ng inis ng makita ko na may kausap syang lalaki nung time na nasa mall kami, dahil sa inis ko nga ang dami kong nabili, ubos kaya ang 20k ko doon, wala sana akong balak bumili non, bweset na lalaki yon nagpakita pa "Namimiss ko na ang presence mo kiddos"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD