*****
( ALBIE/ ALDRE )
Napatigil ako sa paglalakad ko nang makita ko ang babaeng matagal ko ng gusto makita ngunit hindi sya nagiisa may kasama itong lalaki, nakahawak pa sa braso ni tricy
Gusto ko syang puntahan, at agawin sa lalaking kasama nya, mula kasi ng huli naming pagkikita, halos araw-araw ko na syang namimiss, ganon nga talaga iyon kapag nandyan hindi mo binibigyan ng pansin pero once na mawala sya doon mo hahanapin ang presence nya
Lumapit lang ako at pumuwesto sa madilim na bahagi tama lang para hindi nila ako mapansin
"H'wag kana makulit miss sumama ka nalang"
"Ayuko nga, bitawan mo ako"
Napanting ang tainga ko sa narinig ko,
Anong karapatan ng gagong to na harassin si Tricy
Mabilis akong nakarating sa kinaroroonan nila at agad kong inalis ang kamay ng lalaking ito sa braso ni tricy
"H'wag ka nga makikialam dito pare" nakakabanas ang boses nya kulang ata sa masahe, ang lakas pa ng amoy ng alak sa kanya
"You know him?" Tanong ko kay tricy nagulat pa ito ng makita ako
"No" mahina nitong sabi
"Ano ba pare walang agawan ng chicks"
"Gusto mo pala ng chicks ha, oh ito chicks mo" pinakawalan ko ang isang malakas na suntok at sapol sa pangga nito, wala syang karapatan na bastusin ang babaeng ito, mataas ang respeto ko dito
"Ito pa" at sa kabila ko naman sinuntok para pantay, nakahandusay na ito sa semento
"Gago ka kung gusto mo ng chicks doon ka sa poultry pumunta"
Nakatulog na ata yong lalaki, mabuti nga nakakaperwesyo sya kapag gising
"May sasakyan kaba?" Tanong ko dito
"pinapaayos ko pa, magta-taxi nalang ako"
"Sa inyo ka parin ba umuuwi?"
"Oo"
"Pauwi kana ba?"
"Oo, nagaabang nga ako ng taxi ng bigla namang lumapit sa akin yang lalaking yan"
"Hatid na kita"
"Hindi na magtataxi na lang ako"
"Delikado din kung magtataxi kang magisa lalo pa at gabi, Tara hahatid na kita"
"Sige na nga mapilit ka eh"
Pinagbuksan ko pa sya ng pinto, nang makapasok sya mabilis naman akong pumunta sa kabilang pinto
"Paano yong lalaki?"
"Deserve nya iyon, tsaka nakatulog lang iyon dahil sa alak, magiging okey din yon"
"Kawawa naman yon"
"Isipin mo na lang kung anong maaari nyang magawa kung hindi kita nakita doon, consequences nya iyon dahil sa panggagago nya sayo"
Pinaandar ko na ang sasakyan ko at umalis na sa lugar na iyon
Habang bumabyahe kami may pakakataon na napapatingin ako dito
Ibang iba na ang muka nito, kung dati cute at baby face pa ito, ngayon mas gumanda na, nagmature ang muka nya at sa tingin ko madami ng nagkakandarapa dito
"Kamusta kana?" Basag ko sa katahimikan sa loob ng sasakyan
"Ayos lang, im doing great naman lalo na sa work, isa na akong smart phone designer, pinoprogram at patuloy na pinoprogram para mas maging smooth ang mga phones, gumagawa ako ng ibang way para hindi naglalag ang phones kapag full storage na ito, bukod pa doon im a game developer "
"That's so stressful nga pero i know naman na kayang kaya nyo iyon"
"Yeah we believe in ourselves, we can do it"
"That's the spirit"
"Ikaw pala kamusta na?"
"Ito ayos naman, pinalevel up ko ang career ko, isa na akong nurse practitioner"
"Sounds good for you"
Parang may biglang dumaan na anghel ,naging tahimik nalang uli
"Its been a long time na huli tayong nagkita"
"Oo nga eh"
"Siguro ito yong time na kailangan kong mag sorry sayo, sorry sa lahat ng nagawa ko sa iyo, sa masasakit na nasabi ko, im a really really sorry, i know na sobrang late na para magsorry sayo, pinagsisisihan ko ang mga iyon"
"Okey na iyon, ako nga dapat magsorry eh, nagreact agad ako hindi ko muna inalam ang buong story, hindi ko muna inintindi ang nararamdaman mo, kung alam mo lang labis kung pinagsisihan ang ginawa ko, gusto kong lumapit sa iyo dati para humingi ng tawad kaya lang pinangungunahan ako ng hiya, nawala ang lakas ng loob ko sa twing makikita na kita"
"Sige pinapatawad na kita" at saka ako ngumiti sa kanya
"Salamat, tingin ko sa ngayon makakahinga na ako ng maluwag" natingin sya sa akin habang nakangiti
"Nga pala ano ba itatawag ko sayo albie ba o aldre?"
"Kung ano mas gusto mo, pinaayos ko ang pangalan ko sa tulong ng kakilala kong attorney, Albie Aldre ang ginamit ko, kaya pwede akong tawagin sa pareho na pangalan"
"Aldre nalang itatawag ko sayo dahil iyon ang totoo mong pangalan"
"Sa ngayon nga karamihan parin sa nakakakilala sa akin albie pa din ang tinatawag"
___
Nang makarating kami sa bahay nila, nanatili lang kami sa loob, gusto ko syang tanungin kung bakit ayaw pa nyang lumabas
Bubuksan ko na sana ang pinto ko para makalabas ako at para siya ay pagbubuksan ko ng pinto
"Pwede bang manatili muna tayo dito?" Sabi nya
"Sure"
Nanatili lang ang katahimikan sa amin
"Kamusta ang love life mo?" Panimula ni ko
"Zero love life ko, sa pagwo-work ko binuhos ang oras ko" sagot nya "ikaw?"
"Ganon din ako"
"Busy na talaga tayo sa buhay"
"Pero hindi naman ganon kabusy may mga time pa din ako para mag enjoy"
"Oo nga, Tuwing day off, holiday at vacation leave, pero minsan may time pa na papasukin ka tuwing day off mo or holiday"
"Namiss kita!"
Napatingin sya akin at parang binabasa nya kung nagbibiro ba ako
Hindi sya umimik kaya ipinagpatuloy ko ang sasabihin ko
"Hinanap kita, nag-iba ka ng school, tinatanong kita sa pinsan ko pero sinasabi nya lang na hind nya alam, pumupunta ako dito sa inyo, nagbabakasakali na makita kita, kaya pinangako ko sa sarili ko na once na makita kita sasabihin ko sayo ang totoo kahit may iba kana, Tricy aminado ako noong una na naiinis ako sayo tuwing kinukulit mo ako about sa feelings mo, kasi naman eh isang 12 years old ka non tapos ako 2nd year college na, sa ganong edad naglalaro ka pa, hindi pa seryuso sa mga bagay-bagay at ayaw ko noon na makikiparelasyon sa may bata sa akin dahil sa may tendency na immature magisip, naiinis ako na sa dinami-rami ng babaeng pwedeng umamin sa akin na halos kaedaran ko lang bakit ikaw pa, pinaramdam ko sayo na ang cold ko na ayaw ko sayo, akala ko mapapanindigan ko ang pagka-ayaw ko sayo, habang tumatagal nasasanay ako sa presensya mo, at napagtanto ko na iba ka, na mas mature ka magisip, pero pinigilan ko agad dahil gusto ko magfocus ka muna sa pagaaral mo, nagtry ako na magjowa baka sakali na mabaling ko dito ang atensyon ko at naging effective naman pero hindi din naman nagtagal, at napansin na naman kita lalo pa at nakatira ka sa bahay, hindi na ako makakaiwas pa dahil ang liit na ng ginagalawan natin, hanggang sa lumabas ang totoo kong pagkatao at harap-harapan mo iyong nalaman, nasaktan ako ng malaman ko na hindi pala ako ang una mong nagustohan, nang mga oras na iyon hindi ako nakakapagisip ng tama kaya nasabi ko iyon sayo, nang umalis ka doon ko narealized ang mga sinabi ko at pinagsisihan ko iyon ngunit hindi na kita nakita pa, ngunit kahit hindi kita nakikita ng maraming taon hindi nawala ang nararamdaman ko for you, maraming taon na ang lumipas at ayuko nang mag aksaya pa ng panibagong taon"
Tumigil muna ako at huminga ng malalim
"Tricy i know na maraming nagbago kasama na din siguro ang feelings mo para sa akin ngunit magbabakasakali pa din ako, Pwede ba akong manligaw sayo?"
Wala itong naging sagot marahil ay pinaprocess pa nya ang mga sinabi ko or may ayaw nya lang
"Its okey kung hindi ang sagot mo i respect your answer" napatingin nalang ako sa manobela ko
" Ang dali mo naman sumuko hindi kasi agad pumasok sa utak ko ang mga sinabi mo, aayaw pa ba ako kung matagal ko ng pinangarap na mangyari ang araw na ito"
Nakangiti ito sa akin
"You mean na payag ka?"
"Ikaw ata may ayaw eh"
"Im so happy, im the luckiest man today"
"Mas masaya ako, akala ko wala ka na talagang balak gawin ito, for the 9 years ngayon palang nagkakachance ang pagkakaroon ko sayo ng crush ha"
"Pero dati palang mayroon na"
"Hindi ko naman alam, hindi ko alam na hinahanap mo ako, ang sabi lang sa akin ni heiven ay tinatanong mo lang ako at ang totoo hindi ako lumipat ng school, sinabi ko lang kay heiven na iiwas muna ako at noong nagtanong ka sa kanya ay doon lang nya sinabi na lumipat ako ng school"
"Kasalan pala ni heiven"
"No, wala syang kasalanan, naipit lang sya"
"Joke lang yon, importante ka lang sa kanya"
Inabot ko ang palad nya at pinagsaklob ito
"Wala akong maalala na nahawakan ko ang kamay mo o talagang ngayon nga lang" hindi ko talaga matandaan
"I think ngayon lang din, wala akong maalala eh, naalala ko lang nayakap na kita"
"Huh? Nayakap mo ako? Kailan?"
" Oo, matagal na nga lang, H'wag mong sabihin na hindi ikaw iyon at kakambal mo pa iyon?"
"Kailan ba iyon?"
"I think 2nd year ako non, hinatid mo ako pauwi non nakamotor tayo at para hindi ako mahulog yumakap ako ng kapit sayo"
"Ah yon pala, pwede ko bang malaman kung nakatulog kaba ng mahimbing matapos kitang mahatid"
"Hindi nga eh kasi hindi ako makatulog sa sobrang kilig ko, feeling ko nga parang character tayo sa isang kdrama non habang nakamotor tayo"
"Pang-kdrama talaga"
"Ganon ako mag-imagine, nga pala bye na muna, uuwi na ako sa amin kahit nasa tapat lang tayo ng bahay namin"
"Sasama ako, gusto ko formal ako na magpaalam sa pamilya mo"
"Seryuso ka?"
"Oo, ganon ako kaseryuso sayo"
"Ikaw bahala"
"Masyado ng gabi, free ka ba bukas?"
"Free naman"
"Sige bukas pupunta ako dito"
"Okey, iintayin kita"
"Sana nandito parents mo"
"Nandito sila bukas"
Lumabas ako para pagbukasan sya ng pinto
"Pasok ka na sa bahay nyo"
"Sige ingat ka sa paguwi"
"Oo naman"
"Bye"
"Bye, goodnight dream me again"
"Hahaha, goodnight sweet dreams"
____
Nagsuot nalang ako ng casual attire para muka akong presentable sa pamilya ni tricy, inayos ko ang suklay sa buhok ko alam kong gwapo na ako pero dapat ayosin pa din ang buhok para dagdag appeal
Nang matapos na ako ay agad na din akong umalis
Nag message na din ako na papunta na ako kay tricy
Dumaan muna ako sa isang flower shop, red rose ang napili ko at isang nasa vase na buhay na daisy
Nag drive na ako papunta kina tricy
Nang nasa tapat na ako ng bahay nila ay tumawag ako at agad din naman nya itong sinagot
"Hello"
"Hi, nasa labas na ako"
Hindi agad ito sumagot "hey are you there?"
"Um oo, sige lalabas lang ako"
At narinig ko nalang ang pag toot ng phone ko
( TRICY )
Nagpagulong gulong ako sa kama ko grabe yong kilig ko nasa labas na sya, grabe talaga itong epekto sa akin ni aldre, mamamatay ata ako ng maaga, oops hindi pa pwede
Kagabi pa akong hindi makatulog
Excited na akong makita sya, actually kagabi pa
Kinausap ko nga si mama kagabi at kinukwento ko ang mga naganap, pinaalalahanan nya lang ako tapos sinabi nya rin na masaya sya para sa akin at sya na daw bahala na ipaalam ito kay papa
Bumangon na ako at inayos lang ang buhok ko
Baka naiinip na iyon tapos magback out
Naabutan ko pa sina mama at papa sa sala
Si mama ay nagcecellphone habang si papa ay nagbabasa ng pocket book
"Andyan na sya sa labas"
Napatingin silang dalawa sa akin
"Patuloyin mo" sabi ni papa bakit parang biglang naging masungit si papa
Lumabas na ako ng bahay at nakita ko sya na nakasandal sa kotse nya habang nakatingin pakanan
Hindi ko akalain na ang gwapong nilalang na ito ay manliligaw sa akin
Napapatingin na din sa kanya yung ibang dumadaan, kaya lumapit na ako sa kanya
"Sorry kung natagalan ako, hindi ka ba nainip?"
"Its okey kahit ano pang oras maghihintay ako dito"
"So, tara na sa loob, gusto ka na daw makita muli nina mama"
"For you" inabot nya sa aking ang rose na ang ganda pa ng pagkakagawa "and also this one" isang paso na may nakatanim na daisy
At may naalala ako dito
"Whoa thank you"
"Naalala ko na binigyan mo ako ng daisy at gusto ko din na bigyan kita, actually nakatago pa sa akin yung binigay mo"
"Really! Ede sobrang tuyo na yon?"
"Kaya nga nakatago lang baka masira may sentimental value yon"
Pumasok na kami na magkasabay papasok sa bahay
At nadatnan namin sila na nakaupo sa sofa at hinihintay kami
"Hello po, ako po muli si Albie Aldre Andal at buong puso po na manliligaw sa unica ija nyo"
"Maupo ka"
Umupo naman ako sa tabi nina mama
"Salamat po"
"Ano ba ang nagustohan mo sa anak ko?"
"Sweet po syang tao, mapagmahal, may kabutihan ang kanyang puso at makulit, yong ganda naman po nya ay bonus na yon"
"Ano naman ang magagawa po sa kanya?"
"Mamahalin ko sya ng higit sa pagmamahal ko sa sarili ko at itatrato na sya ang pinakaimportanteng tao, aalagaan, pagsisilbihan sa abot ng aking makakaya"
"May trabaho ka pa ba?"
"Opo sir"
"So paano yon kapag kailangan ka ng anak ko tapos busy ka lagi sa trabaho mo"
"Kapag gusto mo at mahal ang isang tao maraming paraan"
" Paano mo pagsisilbihan ang anak ko? Marunong kaba magluto?"
"Opo sir, minsan ako po ang nagluluto sa bahay kapag wala po si mama at alam po iyon ng anak nyo po"
"Paano kung ayaw ko sayo para sa anak ko?"
"Papa" napaangal ako, ewan ko kay papa nagtatapang-tapangan
"H'wag ka nga ganyan sa kanya, Hon" saway ni mama kay papa
"Kung mamahalin namin ang isat isa ay ipaglalaban ko sya kahit si tadhana pa ang humadlang sir"
"Patunayan mo sa amin na marunong kang magluto"
"Ngayon din po, bigyan nyo po ako ng permission na gamitin ang kusina nyo"
"Halika dito sa kusina" niyaya ni mama si aldre papuntang kusina
Pagkapunta nina mama at aldre sa kusina lumapit ako kay papa
"Ayos ba acting ko nak?"
"Para san yon pa, hindi bagay ha"
"Sinisiguro ko lang na sa tamang prinsipe mapupunta prinsesa ko, kaya nak kapag sinagot mo na sya at ginawan ka nyan ng hindi maganda, sabihin mo agad sa akin ha, bububugbogin ko ang gwapong muka non"
"Opo pa"
"Puntahan na natin sila doon"
Sumunod nga kami ni papa at naupo sa silya habang pinapanood si aldre na naka apron ang sexy nya sa suot nya apron, hindi pa ata sya nakakaluto busog na ako
Pinapanood namin sya habang nagluluto, hinayaan na din sya ni mama na magluto mag-isa
Inihanda muna nya ang mga lulutuin nya,
Habang pinapanood ko bakit nakikita ko na he's a perfect husband na pinaghahandaan ako ng breakfast meal
After 40 minutes
"Wow mukang masarap ang mga ito ha" sabi ni mama sa luto ni aldre
Tahimik lang si papa pero muka namang takam na takam ito
"Tulungan na kita maghanda"
Kumuha ako ng mga plato, kutsara at tinidor at mga baso
Sina mama at papa muna ang unang kumuha, gusto ko din muna makita ang expression ng muka nila
Tiningnan ko si aldre na nakatingin lang sa magulang ko, at mukang kinakabahan
"Hindi ko alam kung nurse kaba o chef, ang sarap ng pagkakaluto mo, mukang magkakasundo tayo nito" puri ni mama kay aldre at natuwa ako sa sinabi ni mama
"Naku tricy anak h'wag mo ng pagkawalan to"
Lumapad lang ang ngiti ko, hindi ko talaga papakawalan tong aldre na ito tagal akong nagintay ha
"Ano hon hindi ka man lang ba magco-comment sa luto nya, kakain ka na lang"
"Pa tama na yang acting mo"
"Syempre pagbigyan nyo na ako, gusto ko lang naman malaman kung gaano ka kamahal ni aldre" "Iho pasensya na kanina hindi talaga ako masungit at tulad nitong asawa ko gusto din kita para sa anak ko at ang anak ko nalang ang bahala kung sasagutin ka nya, at ang sobrang sarap nga nitong luto mo"
"Salamat po, maraming maraming salamat po"
Pagkatapos namin kumain ay sa sala naman kami tumambay
"Mahilig po pala kayo magbasa sir" sabi ni aldre
"Oo, kaya nga naisip ko na magsungit kanina dahil sa mga nabasa ko, atsaka pwede bang Tito nalang itawag mo sa akin masyadong formal kung sir pa"
"Sige po Tito"
Nagkwentohan lang kami about sa mga nakaraan namin, tumatawa kami sa pagkwento ko ng mga kagagahan ko at naiyak naman sila sa kwento ni aldre
___
Lumipas ang 1 buwan at ito ang chika sa mga nagdaang mga araw halos araw-araw akong pinapakilig dahil sa panliligaw ni aldre, araw-araw nya akong tinatawagan at ina-update ako sa mga ginagawa nya at nagawa nya, pinaparamdam at pinapakita nya sa akin na karapat-dapat sya sa akin at sincere sya sa ginagawa nya
"Ano ba ito at may pa surprise ka?"
"Secret, malalaman mo din mamaya"
Naka blindfold ako kaya hindi ko nalalaman kung anong mayroon sa paligid
"Kinakabahan ako sa gagawin mo"
"Trust me nalang"
"Okey"
Inaalalayan nya ako habang naglalakad kami
"Upo ka na" rinig kong sabi nya
Hanggang sa pagupo inaalalayan nya ako
"Take off your blindfold"
Sinunod ko ito
Sa pag-alis ko ng blindfold ko, kumurap kurap muna ako dahil sa silaw, nang maging ayos na una kong nakita ang nakangiting si aldre sunod ang bulaklak sa paligid, mayroon pang mga petals ng rose sa paligid, kinikilig ako sa mga nakikita ko
"Anong meron?" Tanong ko
"Surprise Date ko"
"I appreciate this, thank you" malapad ang mga ngiti sa aming mga labi
"Thank you sa pag-appreciate"
"Syempre naman first time ko i-surprise ng ganito"
"Im so happy na happy ka dito" bumuntong hininga ito "alam kong mabilis pero hindi na ako magpapapigil Tricia Cyan Servando, My kiddos, Can you be my kid?"
"Huh? Kid?"
"My Baby"
"Can you be my baby, My Girlfriend?"
Grabe na yong kabog ng dibdib ko, mga nagwawala na din ang cells ko sa katawan
"Yes Na Yes Na Yes, Im Still Your Kid"
"YESSSSSS, WHOA MY GIRLFRIEND NA AKO I LOVEEEE YOUUU TRICIA CYAN SERVANDO" sinigaw nya iyon habang nakatayo
"MAHAL NA MAHAL DIN KITA MATAGAL NA MY ALBIE ALDRE ANDAL ANG NURSE KO" at gumaya ako sa kanya
"Hahahahahaha" at pareho kami nagtawanan
Magkatapat na kaming nakatayo at nakaharap sa isat isa
"I love you"
"I love you too" sobra-sobra na ang saya ko, umaapaw na
Lumapit sya sa akin at unti-unti nyang inaalis ang space sa amin dalawa
Dahil mas matangkad sya sa akin at nakatingala ako sa kanya at nakatungo sya sa akin
Hinawakan nya ang pisngi ko at isinabit nya sa likod ng tainga ko ang ilang mga hibla ng akin buhok na nakaharang sa muka ko
Nakatitig lang kami sa bawat isa, tinititigan ko ang mga mata nito, sumunod sa labi nito ang reddish naman
Binalik ko ang tingin ko sa mata nito, ang ganda talaga ng mata ng BOYFRIEND KO hmm sarap sa ears
at sinundan ko ang tingin nito na nakatingin sa labi ko, bigla tuloy ako namula kaya napalabi nalang ako
"Can i kiss you?" At lalo akong namula sa tanong nya, this is it pansit, magpapabebe pa ba ako?
Madahan akong tumango
Dahan-dahan nyang inilapit ang muka nya sa muka ko
Naduduling ako kaya pinikit ko na lang ang mata ko
Naramdaman ko nalang ang paglapat ng labi nya sa labi ko at banayad sa pakiramdam, sincere na sincere ang paghalik nya
Sya ang First ko, First Crush, First Boyfriend at First Kiss
Inalis nya din agad ang labi nya, at bitin ako
Ngumiti sya sa akin at ngumiti na rin ako
"Sa susunod 'Will You Be My Forever Kid' naman itatanong ko sayo"
"Aasahan Ko Yan"
*****
~THE END~
--------------------------------------------------------------