NAPAPITLAG sa gulat si Faith nang may biglang kumatok sa pinto ng kwarto nila ni Benedict. Nanginginig pa ang mga kamay na sinamsam niya ang mga pregnancy test kit at lumabas na ng banyo upang buksan ang pinto. Pagbukas niya ay nakita niya doon si Debbie. “Faith, may gagawin ka ba today? I am planning na pumunta sa mall. Gusto kong palitan ang curtains sa salas. Samahan mo ako kung okay lang—” Napahinto sa pagsasalita si Debbie nang dumako ang mata nito sa kamay niya na may hawak na mga pregnancy test kit. Hindi niya alam pero itinago niya ito sa kaniyang likuran. Kumunot ang noo nito. “What are those? Ano `yang hawak mo, Faith?” usisa nito. Inilabas din niya ang mga hawak dahil hindi na niya iyon maitatago pa sa biyenan. Ang gusto niya kasi ay si Benedict ang unang makakaalam na b

