AKALA ko noon madali lamang ang lahat sa kolehiyo, pero hindi pala. Mas mahirap pa sa naranasan ko noong Senior High. Ang pitong oras kong tulog noon ay naging apat na oras na lamang. Nilamon na halos ng pag-aaral at paggawa ng mga activities ang oras na para sa pahinga. Noon, alas dyes palang ng gabi ay nakahiga na ako sa kama para matulog. Pero sa kolehiyo kahit na freshmen pa lang kami'y, nararanasan ko ang matulog nang madaling araw.
Totoo nga ang sabi nila, na hindi madali ang lahat kapag sa kolehiyo, hindi dapat papitiks-pitiks lang. Kung noon dalawang beses lang kami nagsusunog ng kilay, pero dapat apat o limang beses na sa mga oras na 'to.
Walang madali sa pag-abot ng pangarap, lahat dumadaan sa butas ng karayom. Kapag makadaan na'y pwede nang gumamit ng sinulid at karayom para mabuo ang pangarap na nagkahiwalay sa magkabilang landas. Madali na lamang ang lahat kapag nalampasan ang balakid na iyon. Pero hanggang kailan? Hanggang kailan ang paghihirap para marating ang paroroonan? Ang kasiyahan na nakalimutan nang minsan at hindi na nabalikan?
Ramdam na ramdam ko na ang pagod sa kolehiyo, kahit magdadalawang buwan pa lang ang klase. Isabay pa ang drill at training ko bilang ROTC officer. Dumagdag pa ang mga quizzes dahil nalalapit na ang midterms. Mukhang mababaliw na ako sa kaka-isip at sobrang stressed na nararamdaman.
Ang kaninang tahimik na paligid ay unti-unting napuno ng tunog ng mga takong at sapatos. Nagmumula sa mga estudyanteng nagsisipuntahan na sa loob ng cafeteria.
Nakaupo ako sa isang sulok. Nag-so-solo. Hindi ako sumama kina Locsy, Gwen at Berlin. Nagyaya kasi ang isa naming kaklase kanina na pumunta sa kanilang bahay dahil may kaunting handa para sa kaarawan niya. Tulad ng dati'y umiwas na naman ako, natatakot na naman akong makisalamuha sa maraming tao kapag ganoon ang mga okasyon, pakiramdam ko'y unti-unti akong nilalamon ng hiya at panginginig.
Bumuga ako ng sariling hangin. Tumayo mula sa aking kinauupuan at niligpit ang mga nagkalat na handouts sa ibabaw ng mesa. Parami na nang parami ang mga kumakain at bumibili. Lunch time na nga talaga. Kailangan ko nang lumisan ng cafteria at humanap nang tahimik at komportableng lugar na pag-r-review-han. Kung saan makakapag-isip at makapagbabasa ako nang maayos.
Tuloy-tuloy ang lakad ko habang diretso ang tingin sa unahan. Malayong tingin, lampas sa ulo ng mga nakakasalubong ko. Napadako ang tingin ko sa green table nang madaanan ko ito--- isa sa mga tambayan din. Pero marami ring nakatambay kung kaya't hindi ako nagpatuloy roon. Marahil ay sa meditation hall area na lang ako pupunta. Paniguradong wala masyadong estudyante roon.
Mukhang mahabang araw ang mangyayari, kakain na lamang ako ng tinapay pagkatapos ko sa aking ginagawa. Wala na akong ganang kumain lalo na at mag-isa lamang ako.
*
DALAWANG araw na akong hindi nakapag-drill dahil sa pag-r-review ko para sa mga long quizzes. Tatlong araw na lamang kasi at midterm na namin. Mahirap ang mag-apply ng time management, lalo na at na-s-stressed na ako sa dami na dapat pag-aralan.
Nag-c-chat naman kami ni Spontant, siya ang nagbibigay sa akin ng impormasyon hinggil sa briefing at instructions ng senior officers namin noong mga araw na wala ako. Hindi ko pa malalaman kung hindi dahil sa kaniya na kailangan na naming magdala ng rifle sa susunod na Sabado. Ilang beses akong napasabunot sa aking buhok, sa hindi malaman kung ano ang hakbang na gagawin.
Hindi ko alam kung saan magsisimulang humanap ng rifle, lalo na't kulang ang oras ko sa paggawa pa lang ng reviewer at pag-r-review.
Napag-usapan namin ni Spontant na magkita mamayang hapon sa CTE building, para magkasabay kaming pupunta sa ASU Hall. Susubukan naming humiram doon ng mga rifle, kagaya ng utos ng aming mga senior officers. Baka makalusot kami't pagbigyan ang aming determinasyon sa paghahanap.
Tamang-tama naman at vacant time ko mamaya nang dalawang oras, sapat na marahil iyon para makahanap kami. Nasabihan na rin namin ang ibang kasamahan na roon na lang magkita-kita sa ASU Hall, at sama-samang magwewelga sa karapatang humiram.
Tulad nga ng napag-usapan ay nagkita kami ni Spontant sa CTE building. Hinintay ko siya ng ilang minuto sa first floor. Tanaw na tanaw ko siya sa malayo, habang papalapit sa akin. Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng pang-iinit sa ng aking pisngi, ang pagbilis ng t***k ng aking puso at ilang makaulit na pagbuga ng hangin.
Swabe siyang naglalakad, habang naka-cargo short at sumbrero ng kulay itom, suot ang sliders at kukay pula na t-shirt na hapit sa kanyang katawan. Bakat na bakat ang matipuno niyang dibdib habang ang dalawang kamay ay nakalagay sa loob ng bulsa. Pinasadahan ng kanyang dila ang ibabang labi nang makalapit sa akin. Tumikhim siya kasabay no'n ang pag-ukit ng kanyang nakakaakit na ngiti.
Ang mga mata niya'y tila tinaguan ng mga nagsasayaw na ilaw dahil sa kakislapang taglay niyon.
"Hi," bati ko, dahilan ng pagtawa niya nang marahan, sabay pisil sa aking malambot na pisngi.
Nawawala na naman ang mga mata niya dahil sa pagkakangiti. Naroon na naman ang nakakaakit na tawa niya sa aking pandinig, tila ako dinuduyan sa agos ng hangin.
"Maka-hi ka diyan, akala mo first time tayong magkita," ika niya, habang iiling-iling. Titig na titig siya sa akin, na animo'y ako lamang ang tanawin doon.
Umiwas ako ng tingin sa kanya saka tumikhim. Hangga't kaya kong takpan ang paglukso ng aking puso ay gagawin ko, hindi niya lang mahuli iyon. Nakakahiya mang aminin, pero parang tinutunaw ng titig niya ang buong pagkatao ko. Biglang natuyo ang lalamunan ko't hindi mapirme sa aking kinatatayuan.
"Saan na ang iba nating kasama sa paghahanap ng rifles?" tanong ko, para naman mabaling ang kaba ko at manumbalik sa normal ang lahat.
Nagpipindot muna siya sa kanyang smartphone bago sumagot sa akin. "Sabi ni buds RJ, hindi raw sila pinahiram ng director doon sa ASU Hall. Hindi raw kasi sinuli ng mga kadete ang hiniram nilang nga rifles last year. Kaya't mukhang hinigpitan na ng director ang pagpapahiram ngayon. Hindi raw nila ibibigay hangga't walang request mula sa admin or head ng ROTC."
Kumamot ako sa aking ulo dahil sa inis. Kung ganoon ay nasayang lang pala ang oras namin kung natuloy kami roon. "Paano na 'yan? Saan tayo makakahiram ng rifles? 'Di ba, dapat sagot na ng university natin ang ganyan?"
Kumibit-balikat si Spon, mukhang tulad ko'y namomoroblema rin siya kung saan kami makakahanap. "Hindi ko rin alam. Tanong na lang tayo sa iba pa nating kasama kung saan pa pwedeng humanap. Baka may alam sila. Papunta na rin dito si buds RJ."
Tumango ako saka napahalukipkip. Hudyat nang pagpayag ko sa paghihintay sa kasama niya. Ramdam ko ang mainit na temperatura sa first floor dahil sa matinding sikat ng araw. Unti-unting namumuo ang ilang butil ng pawis sa aking noo, at gayon din kay Spon. Mukhang hindi lang ako ang naiinitan.
Mayamaya'y tanaw na rin namin si RJ na papalapit sa aming kinaroroonan. Nakilala ko na rin siya noong nakaraang ilang araw nang magpakilala kaming buddies sa dome. Katamtaman ang tangkad niya't medyo chubby na morenong lalaki. Ayon sa pagpapakilala sa akin ni Spon ay magkaklase silang dalawa ni RJ.
Pagkarating niya ay agad niyang kwenento sa amin ang naging ganap sa kanilang pagpunta sa ASU hall; maging ang sinabi sa kanila ng director.
Gumuhit ang inis sa dalawa kong kasama, maski ako ay naiinis din. Hindi naman kasi tama ang naging approach ng director. Kung sa tutuusin ay ang university talaga ang may gampanin na magbigay sa amin ng rifles.
"Kaya ayon, sabi niya bahala na raw tayo maghanap. Basta hindi raw nila ipapahiram sa atin iyong natirang mga rifles. Baka mawala lang daw o kaya ay hindi na ibalik."
Magkasalubong na ang kilay ni Spon matapos iyong sabihin ni RJ. Hindi na yata napigilan ang galit na umuusbong sa kanya kanina pa.
"Hindi naman natin kasalan ang hindi pagbalik ng mga kadete dati sa mga rifle, a? Bakit sa atin ibubunton? Tayo tuloy ang mahihirapan nito," inis niyang wika sabay kagat sa ibaba niyang labi.
Napalunok ako ng sariling laway at agad na umiwas sa kaniya ng tingin. Ang tahimik kaninang paligid at tanging boses lamang ni buds RJ ang aking naririnig ay napalitan ng mga nag-aawitang ibon, at hagibis ng sanga ng mga puno na nagbabanggaan dahil sa malakas na simoy ng hangin.
"Wala na tayong choice. Maghahanap na talaga tayo." Pagtatapos ni buds RJ.
"Ang tanong saan tayo maghahanap?" mabilis na tanong ni Spon.
Nagpipindot sa hawak na smartphone niya si buds RJ bago sinagot ang katabi. "May kilala ako, puntahan natin ngayon. Ano?"
Bumaling sa akin si Spon habang nangingislap at nangungusaop ang mga mata. Umaasang magiging positibo ang aking magiging tugon sa kung anoman ang kanyang tanong.
"Sama ka sa amin, Lumi?"
Gustuhin ko man sa kanilang sumama pero dalawang oras lamang ang bakante ko. Tinignan ko ang aking hawak na smartphone para tingnan ang oras, at alas dos y medya na ng hapon. Kung sasama ako sa kanila'y tiyak na mahuhuli ako sa klase.
Puno ng hinayang at paumanhin ang aking ekspresyon na binigay sa kanila. Ang kaninang kislap sa mata ay napalitan ng ilaw na mapanglaw. "Pasensya na, hindi ako makakasama sa inyo. Hindi magkakasya ang kalahating oras. May klase na kasi ako mag alas tres."
Tumango si Spon saka pilit ang ngiting iginawad sa akin. Hindi nasiyahan sa aking naging tugon sa kanya. Ganoon talaga, dapat hindi umasa nang lubos, nang hindi masaktan nang sobra.
Nagpaalam silang dalawa sa akin. Ramdam ko ang bawat mabibigat na hakbang ni Spon papalayo sa akin. Ang mga mata niya'y madilim--- kagaya ng ulap na nagbabadyang bubuhos ang malakas na ulan kasabay ang kulog at kidlat.
Inuusig ako ng panghihinayang. Gusto ko pa siyang makasama nang matagal, pero mas mahalaga ang pag-aaral. Hindi ako pwedeng lumiban sa klase, baka iyon ang ikabagsak ko. May kailangan pa akong patunayan sa mga magulang at sa mga taong nilalait ako.
Huminga ako nang malalim saka yumuko. Takot na salubungin ang mga mata ni Spon. Mas magandang balewalain ang isang bagay, upang maiwasan ang magiging dulot ng kamalian.
**
TATLONG magkasunod na gabi ang halos wala akong maayos na tulog, dahil sa kaka-revuew para sa midterm exam. Mabuti na lamang at huling araw na, at makatulog na ako nang maayos mamayang gabi. Mabawi ko naman ang ilang araw kong pagpupuyat.
Nagbabasa na lang ako sa aking reviewer habang naghihintay sa last subject na i-t-take namin. Hindi maiwasan ang ilan kong mga kaklase na nagpaplanong magtulungan ulit mamaya sa sagot, at kung ano na namang technique ang kanilang gagamitin para hindi mahuli ng proctor. Ang iba naman ay gumagawa ng kodigo sa kanilang palad o kaya'y dinidikit nila sa ilalim ng upuan ang isang kapiraso ng papel.
Hindi ko sila masisisi kung bakit nila nagagawa ang isang maling gawain, siguro, kapag ako rin ang nasa kanilang posisyon ay ganoon din ang aking gagawin. Lalo na kapag gipit na ako't nahihirapan sa pag-unawa ng mga lesson. Malaki ang pasasalamat ko't hindi ako umabot sa kalagayan nila.
Sina Gwen, Berlin at Locsy naman ay tahimik din na nagbabasa ng kanilang notes. Pagdating talaga sa seryosong bagay ay maasahan din minsan ang tatlo.
Normal na siguro marahil sa isang estudyanteng tulad ko ang kabahan o pagpawisan sa tuwing mahahawakan na ang test paper. Misan kasi, ang inaasahan na mga katanungan ay nasa notes na ni-review, iyon pala minsan ay wala. Pangalawa siguro ay walang masagot o nablanko sa kalagitnaan ng pagsasagot--- iyong tipong na-review pero nakalimutan nga lang, kaya sa huli wala nang sagot kung ipasa.
Mabilis lumipas ang isang oras, at mababanaag ang kagalakan sa mukha ng mga kaklase ko. Maingay na sila habang nag-uusap tungkol sa naging mga sagot nila. Ang iba ay naglalabasan ng hinaing sa mga mali nilang sagot. Ang iba ay dahil wala silang naisagot at ang natira'y nagpapadyak dahil mali ang kanilang nakopya.
Samantalang ako'y kinakabahan na nabunutan ng tinik sa lalamunan. Kinakabahan para sa magiging resulta ng midterm exam, at nabunutan ng tinik sa lalamunan, dahil sa wakas ay naka-survive kami sa loob ng tatlong araw na pagsusulit. Sana naman ay worth it ang pagsusunog namin ng kilay nang pitong beses.
"Kumusta ang sagot mo, 'day?" Biglang untag sa akin ni Gwen.
Sumabay silang tatlo sa 'king paglalakad. Pakiramdam ko'y naubos na ang enerhiyang natitira sa akin.
Wala akong ganang nagsalita para sagutin si Gwen. "Okay naman, Gwen. Sana hindi ganoon kababa."
Siniko ako ni Berlin, inaayos ang malalantik niyang pilik-mata at kilay habang naglalakad. Hindi ko alam kung paano niya nakikita ang daan dahil sa ginagawa niya. "Sus, pasa ka na niyan, ikaw pa!"
Sumabay ang ingay nilang tatlo sa pagbagsakan ng mga sanga ng puno sa Pili Avenue, kasabay ang unti-unting pag-ingay ng mga estudyanteng kasabayan na namin sa paglalakad pauwi.
"Sama ka sa amin, Lumi?" tanong sa akin ni Locsy nang malapit na kami sa guard house.
Kumunot ang aking noo, kasabay ang pag-ihip ng hangin dahilan upang tangayin ang aking buhok na humampas sa aking pisngi. Agad ko iyong hinawakan at dinala sa aking likuran. Inipit ko ang ilang hibla no'n sa likuran ng aking tainga.
Ang sagot sa tanong na iyon ni Locsy ay tinugon ng isang mahabang buntong-hininga. Indikasyon nang hindi ko gustong sumama sa kung saan man sila pupunta.
Sumunod na nangyari ay naghiwalay na kaming apat pagkarating sa Rosas de Papel Street. Tinanaw ko ang tatlo kong kaibigan habang unti-unti silang lumalayo; lumabo ang kanilang pigura hanggang sa tuluyan nang lamunin ng mga gusali.
Sa bawat hakbang kong ginagawa ay siya namang dobleng bilis ng mga sasakyan, na animo'y nakataya ang buhay sa bawat segundong pumapatak.
Huminto ang aking mga paa, segundo ang pagkawala ng aking hininga at paghugot muli no'n. Pinakalma ang aking sarili para hindi kabahan sa harap ng lalaking nakatayo hindi kalayuan sa akin.
Kumakaway ang malapad niyang ngiti na tinalo pa ang sinag ng araw na papalubog sa kanluran. Kay gandang tanawin na kayang tunawin ang pagod sa ilang araw na walang ayos na tulog.
"Kanina ka pa ba?" bati ko sa kanya, huminto ako sa kanyang harap saka ginawaran siya ng munting ngiti.
Pinasadahan ko siya ng tingin. Nakahiligan niya na marahil ang sumuot ng cargo short na itim at maluwag na white t-shirt, saka titirnuhan ng sliders na itim sa ibaba na may tatak pang Nike. Idagdag pa ang semi-balb niyang gupit dahil required sa pagiging ROTC officer. Hindi maitatago ang natural niyang kagwapuhang taglay, hindi naman sumobra at hindi rin kumulang.
"Hindi naman, medyo bago lang. Susunduin sana kita para sabay na tayong pumunta sa plaza, iyon ay kung sasama ka."
Buo sa boses niya ang pag-asa sa magiging sagot o sang-ayon sa sinabi niya. Pumamulsa siya't lumikot ang mga mata. Pinadyak-padyak ang kanang paa, para siguro mabawasan ang tensyon na namamagitan sa amin.
Binasag iyon ng munti kong tawa na ikinagulat naman niya. "Papupuntahin mo ako sa plaza na naka-uniform? Saka bago kang gupit?"
Sa pagnguso niya ang pahiwatig na noon lang napansin ang aking sagot. Ikinubli ang hiya sa isang marahang tawa na sumupil.
"Oo nga pala, kakagupit ko lang kahapon. At bumihis ka na muna, mushroom." Ang mga mata niya'y tila kumikinang na dyamante dahil sa kaaliwang nakikita roon.
Tumango ako saka ngumisi dahil sa pagtawag niya sa akin. "Sige at hintayin mo ako riyan, sisiw."
Hindi ako magpapatalo sa kanya, akala niya, a!
Tawang-tawa ako, nang bakas ang inis at asar sa tono nang pagkakatawag niya sa akin.
"Mushroom, bakit sisiw?!"
"Sisiw kasi iyong buhok mo. . . hintayin mo ako diyan!" pahabol ko, bago tuluyang pumasok sa loob ng gate habang malakas pa rin ang tawa.