Chapter 33 Nang mapatingin siya kay Maxis ay umiling siya at itinuro ito. Nakita niya naman na umangat ang mga kilay ni Maxis sa kaniyang ginawa. “Robin na lang ang itawag mo sa akin at huwag nang mahal na prinsesa.” Sabi niya. Nakita niyang ngumiti si Maxis at pagkatapos ay tumango ito. “Masusunod po, mahal na prinsesa— Nang panlakihan niya ito ng mga mata ay natawa si Maxis. “—Robin.” Kahit na ilang taon pa rin ang nakalipas ay tandang-tanda niya ang gabing iyon kung kailan muntik na siyang mapaslang ng isang hunger vampire. Utang niya kay Maxis ang buhay niya at kahit noon pa man ay naghahanap na siya ng paraan upang malaman kung nasaan ito. Kaya naman din pala hindi niya makita ang lalake ay dahil wala ito sa mundo ng mga tao, kung hindi ay nasa lost world ito. Isang wizard na

