Chapter 45 Magkahawak-kamay na lumabas ng silid si Robin at si Alex. Hindi maialis ni Robin ang ngiti sa kaniyang mga labi dahil sa wakas ay narito na ngayon si Alex sa tabi niya at nakakasama niyang muli. Parang kahapon lang at kanina ay kung ano-ano ang mga pumapasok sa isipan niya dahil wala pa rin ito. Muntik na akong mawalan ng pag-asa na hindi makakabalik si Alex ngunit ngayon ay narito na siya. Napatingin siya sa kanang kamay na hawak nito. Akala niya ay maghihintay pa siyang muli nang matagal para magkita silang dalawa. Mabuti na lamang at nakabalik na si Alex, mamaya ay pag-uusapan nila at ni Maxis ang tungkol sa bond na muling bumalik. Ipapakilala rin niya si Alex sa kaniyang kapatid na naroon. Habang naglalakad sila ay nakita niya si Khia na naglalakad rin at makakasalubo

