V.

918 Words
CHAPTER THREE "SA SOBRANG pag-aalala mo ro'n kay Gino, nakakalimutan mo na ang sarili mo, Ally. Pambihira ka talaga! So kung hindi siya ang makakatuluyan mo, hindi bale na lang na maging single habang-buhay? Gano'n?" litanya ng kaibigan niyang si Lyneth. Isa itong self-published author. Bukod sa pagsusulat, hobby rin nito ang kumain. Hayun nga at magana na naman itong kumakain ng popcorn. Ang akala pa naman niya ay pasalubong nito iyon sa kanya. Makikikain din naman pala ito. Dinalaw siya ni Lyneth pagkatapos nitong magkulong sa lungga nito sa loob ng ilang linggo. Sa kanya kasi ito personal na nagpapa-layout ng ise-self pub nitong manuscript. Mas gusto iyon ng kaibigan niya dahil ayaw nitong isuko ang copyright ng mga obra sa mga tradisyonal na publisher. At gusto rin niya iyon, siyempre. Siya ang kumikita kapag nagpapagawa ito ng libro, eh. Bukod doon, libre rin ang kopya niya ng mga gawa nito. Hindi nakapagtatakang naging mabuti silang kaibigan. "Kaysa naman pilitin ko ang sarili ko, 'di ba?" katwiran naman niya at sumubo ng popcorn. Dalawang araw na ang lumipas simula ng insidente sa ospital. Dalawang araw na ring hindi nagkikita sina Gino at Ghia. At hayun ang kaibigan niya, nagmumukmok kung hindi man nito ibinubuhos ang panahon sa pagtugtog. Nang kausapin niya ito ay hindi raw sigurado si Gino kung ano ang gagawin para hindi na mahiwalay kay Ghia. In love nga talaga ang kolokoy. At siya, siyempre, tinitiis ang sakit. Ganoon naman talaga ang papel ng mga best friend. "Alam mo, girl, sa tingin ko, kailangan mo na ngang pilitin ang sarili mong ibaling ang atensiyon sa iba. Kasi sa kaaasa mo riyan sa best friend mong gwapo at may mahal nang iba, baka dumating ang araw na magsisisi ka dahil marami kang nasayang na panahon para sana mahanap ang lalaking totoong magmamahal sa'yo. Aminin mo, may point ako." "Magsulat ka na rin kaya ng advice book?" sabi niya sa nababagot na tono. "Tungkol sa love?" "Tungkol sa fitness." "Inaano ka ba ng taba ko? Pinaghirapan ko kaya ang mga 'to," kunwari ay angil sa kanya ni Lyneth. "Parang hindi naman." Sumubo uli siya ng popcorn. "Alam mo, sumama ka na lang sa 'kin sa opening ng studio ni Arnold," pag-iiba pa ni Lyneth. Si Arnold ay isang sikat na photographer and blogger. "Ano naman ang gagawin ko ro'n?" salubong ang kilay na tanong niya. "E di makiki-mingle sa ibang guests. Duh! Para naman maibaling mo na rin sa iba 'yang atensiyon mo. Nang hindi ka na habang-buhay na hopeless kay Gino." Ngumisi pa si Lyneth. "Kailangan ko kasi ng bagong inspirasyon para sa susunod kong nobela. For sure, marami akong makikita sa party na 'yon. Kaya sumama ka na. Ipagpapaalam pa kita sa parents mo." "Ayoko. Ngayon ako mas kailangan ni Gino," mariing sabi naman niya. "Hay, ano ba 'yan? KJ na nga, masokista pa," reklamo naman ni Lyneth. "Ako 'tong writer sa 'ting dalawa pero ako pa 'tong atat sa social life. Minsan lang ako magyaya. Pumayag ka na." "Pag-iisipan ko," tinatamad na tugon naman ni Ally. Buong buhay niya ay wala na siyang ibang lalaking tiningnan mula noong aminin niya sa sariling in love na nga siya kay Gino. Until Gael. Natigilan siya sa bagay na iyon. Yes, Gael was an exemption. Kahit ayaw niya sa ugali ng lalaki ay hindi pa rin niya mapigilan ang sariling malasin ang kagwapuhan nito. At kapag naiisip niya ito ay napakalinaw ng imahe nito sa alaala niya. Minsan ay nasasapok pa niya ang ulo dahil walang rason para isipin niya ito. Hindi naman sila close! "Huwag mo nang pag-isipan. Umoo ka na lang. Mag-iinarte ka pa, eh." "BREAK A leg, anak! Sana one of these days, may ipakilala ka na sa 'ming mamanugangin para hindi na kami nag-aalalang tumanda kang dalaga. Huwag kang mahihiya ro'n sa party, ha? Alam mo na." Humagikhik pa ang Nanay Andeng niya. Sa programa nito sa hapon na Mahal Kong Andeng, napakaseryoso nitong magbigay ng payo para sa mga caller at letter-sender pero pagdating sa kanya ay halos ipagtulakan siya nitong magka-boyfriend na. Tatlo silang magkakapatid. Siya ang pangalawa at nag-iisang babae. Ang kuya niya ay meron nang pamilya at manager ng isang malaking hotel sa Dubai. Ang bunso naman nila ay nasa barko na. Meron naman itong girlfriend. Pero hindi pa rin tamang dahilan iyon para madaliin niya ang pagkakaroon ng partner, 'di ba? "Utang-na-loob, Nay," pigil ang simangot na sabi niya. "Ikaw naman, Andeng," ang Tatay Domeng niya na pumasok ng sala dala ang tasa ng kape nito. "Hayaan mong dumating ang tamang lalaki para sa kanya. Masyadong maganda ang anak natin para siya pa ang pag-hunting-in mo ng lalaki." "So masyadong gwapo ang tingin mo sa sarili kaya ako pa ang unang nagbigay ng motibo?" nakapaningkit na anang nanay niya rito. "Andeng, sa dami ng lalaking pumipila sa'yo na mas gwapo, mas mayaman at mas maporma, hindi na ako umaasang mapapansin mo 'ko." Pumalatak ang nanay niya. "Ganyan ka naman, eh." Napangiti naman si Ally. Nagmano na siya sa mga ito. "Tutuloy na po ako at baka magsaulian na kami ni Lyneth ng kandila." Nasa isang commercial building ang bagong studio ni Arnold. Dahil kay Lyneth kaya naging kaibigan niya ito. Si Arnold kasi ang official photographer and designer ng mga cover ng libro ni Lyneth. Kapag meron itong exhibit ay lagi sila nitong iniimbita. Nakita ni Ally ang magagarang sasakyan sa labas ng commercial building. Arnold has pretty good connections. Ang sarap gawing BFFs ang mga kagaya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD