Josh's Point-of-View Medyo nawindang ata ako sa nakita ko. Hindi ako makapag-isip ng matino. Bakit dito? bakit dito pa sa bahay nila ginawa yung pagtataksil na yun!! AHHHH Hindi na ako hinabol ni Papa, siguro alam niyang wala din magandang patutunguhan kung mag-uusap kami kasi for sure, aawayin ko lang siya. Buti na lang talaga ako!! Humiga na ako sa kama, hindi pa rin nawawala sa isip ko yung mga nakita ko. Ang dami ko nang iniisip, at ito na naman ang panibago!! Tumulo ang luha sa aking mga mata, ang hindi ko na lang napansin, nakatulog na pala ako. Kinaumagahan... Pagkagising ko napansin ko agad na hindi na pala ako nakapagpalit pa ng damit ko. Iba kasi yung pakiramdam kapag nakapangtulog lang ako, mostly kasi boxer shorts lang suot ko. Bumangon ako agad at pumunta sa banyo para

