Matt's Point-of-View Ok, IT'S THURSDAY!! Hindi ko natapos yung pagbasa ko sa mga notes na binigay ni Josh. Paano naman kasi, sya yung tumatakbo sa isip ko buong gabi!! Hayyys.. Josh!! Josh!! Josh!! Anong ginagawa mo sa isip ko!! bakit ako nagkakaganito!!! AAAAAAAHHHHHHHH!! Inayos ko na yung sarili ko para makaalis na ako, syempre didiresto pa ako sa karinderya ni Lola Chiming, dun na rin ako kakain ng agahan para naman may kasabay siya. Hindi naman ako gaanong natagalan sa karinderya niya, ayoko na kasing malate. Gusto ko rin kasi pasalamatan si Josh dun sa binigay niyang notes sa akin, ang laking tulong nun dahil malapit na yung exams. At kapag nakapag thank you na ako, ang kailangan ko na lang gawin ay reviewhin ang mga nakasulat doon, pero sana naman, hindi mali mali yung notes ny

