Pagkatapos makilala ni Zepyr at ang mga kaibigan nito ang patungkol sa mga elite at cursed sinabihan sila ng namumuno roon na puntahan ang isang maestro na Arakel ang ngalan,dahil Ito raw ang magtuturo Kung papano kontrollin ang kani-kanilang mga abilidad. Nagtanong-tanong sila sa mga tao roon at itinuro nila ang isang gusali.
Kinilatis ng magkakaibigan ang gusali at may nakita silang mga simbolo na makikita rin sa buong lugar. Kumatok sila rito at may nakita silang lalaking di kalayuan sa kanilang mga edad "Sino kayo at bakit kayo nagawi rito sa Escudo" sabi nang lalaking nakaharang sa pintuan. "Ako si Luna at ito namn ang mga kaibigan ko hinahanap namin si Maestro Arakel" saad ni Luna sa lalaki "Nandiyan ba siya". "Oo"nakangiting sabi ng lalaki "kanina pa niya kayo hinihintay, tara pasok na kayo at ipapakilala ko kayo sa kanya" pumasok ang magkakaibigan sa gusali at pumasok sila sa napakalawak na silid sa gitna nakita nila ang bulto ng isang lalaki "Maestro"sigaw ng lalaki kaya napalingon ito " Cyren nariyan ka na pala" sigaw ni maestro "at sino naman ang mga kasama mo" "Sila po ang mga pinadala ni Master" sabi ni Cyren. Tumingin naman ang maestro sa kanila "Ako si Maestro Arakel guro ng bagong usbong na elite, ako tumutulong upang mapalakas at malaman ang kanya-kanyang kakayahan"saad ng maestro " Ngunit bago ko simulan ang pagtuturo ko sa inyo maaari bang ipakita n'yo sa akin ang inyong espesyal na kakayahan" nag-tinginan ang magkakaibigan dahil hindi pa nila ito kayang gamitin ng maayos "Maestro mukha yatang hindi pa yata nila alam kontrolin ang kanilang chi" saad ni Cyren "Chi?" Takang tanong ni Zepyr "Oo, ang chi ang enerhiya ng isang elite na naiipon sa puso ng mga elite kaya nito nagagamit ang kakayahan nito" saad naman ng maestro "para magamit to pumikit at hanapin iyon sa inyong kaibuturan" sinunod naman ito ng magkakaibigan. Pagkapikit ni Titania ramdam niya ang kakaibang enerhiyang dumadaloy sa kanyang buong katawan ngayon lamang n'ya naranasan ang ganitong pakiramdam dinilat niya ang kanyang mata at nagulat ito sa kanyang nasaksihan dahil nababalot ng iba't ibang liwanag ang kanyang kaibigan at maging siya rin "Magaling! Mukhang hindi ako mahihirapan turuan kayo dahil mahuhusay kayong estudyante" sigaw at manghang ng maestro kaya naman napadilat ng mata ang mga ito tulad ng reaksyon ni Titania namangha rin ito sa kanya-kanyang liwanag o Aura na nakabalot sa kanilang katawan. "Ngayon maaari niyo nang ipakita ang inyong abilidad pangunahan mo Ezekiel" malakas na sabi ni maestro bakas ang gulat sa mukha mukha ng kaibigan ni Ezekiel lalo na siya dahil nalaman ng maestro ang kanyang pangalan na hindi manlang sinasabi rito ngunit binalewala wala lamang niya ito at ipinakita nalang ang kanyang abilidad maya-maya bigla na lamang itong nawala sa kanilang harapan at kinalbit nito isa-isa ang kaibigan nito nagtaka naman ang lahat kung sino ang gumagawa nito pinitik ng maestro ang darili at bumalik si Ezekiel sa pwesto niya " Magaling Ezekiel sa aking nakikita isa ka palang teleporter na merong special attribution na lighting travel kung saan kaya mo ilipat ang iyong katawan sa ibang lugar sa isang kisap mata lamang" sabi ng maestro gulat man sa nangyari si Ezekiel mula sa pagpigil ni maestro sa kanya na palaisipan hindi namn niya maiwasang mapangiti dahil sa sinabi ng maestro sa kanyang abilidad namangha ang lahat sa kakayahan nito " Ikaw Tyler maaari mo bang ipakita ang iyong abilidad" tulad ni Ezekiel nagulat din ito sa maestro ngunit hindi nalang niya ito pinansin at pumunta nalamang sa gitna at ipinikit niya ang kanyang mata nagulat ang lahat dahil nakabuo si Tyler ng isang hugis bola na bumabalot ngayon sa katawan niya itinaas nito ang kanyang kamay at itinapat kay Ezekiel tulad ni Tyler lumiwanag rin ang katawan nito dahil sa takot gagamitin sana ni Ezekiel ang kanyang kakayahan ngunit hindi niya ito magamit "Mahusay Tyler!" Sigaw ng maestro kaya naman nawala sa consentration si Tyler " Isa ka palang nullificator na may special attribution na block field propulsion kung saan walang tatalab na anumang abilidad ang saiyo at tanging mga active user ang kayang makatalo sa iyo" saad ulit ng maestro "active user?" Sabay na tanong nila Luna at Titania "Oo, nahahati sa dalawang uri ng kakayahan at abilidad ang mga cursed at elites ang passive at active users. Ang mga passive user ay ang mga elite at cursed na may kakayahan magmanipula, magpagalaw at iba pa gamit ang isip, bigkas at kamay halimbawa rito ang kakayahan ninyong magkakaibigan ay isang uri ng passive user kaya kayo ay nakahilera sa mga passive elite . Samantala ang mga active user naman ay magagaling sa paggamit ng sandata, baril, pana at iba pa rito ako nakahanay dahil katana user ako kasama kami sa mga active elite na gumawa sa ng plano sa paglaban" mahabang saad ni Cyren "Woah! Your Cool dude" manghang saad ni Ezekiel kay Cyren "Ngayong alam n'yo na ang tungkol sa mga elite at cursed maari na ba nating ipagpatuloy ang ensayo, Zepyr ipakita mo sa akin iyong kakayahan" sabi ni maestro na kanina pa tinititigan ni Zepyr sa mata hindi nagulat si Zepyr dahil nakita na niya ang mangyayari bigla na lamang tinulak ni Zepyr ang maestro at nagulat ang lahat mabilis na kumilos si Cyren at tinutukan ng katana si Zepyr maging ang mga kaibigan ni Zepyr ay nagulat rin sa ipinakita nito ngunit walang makikitang pagsisi kay Zepyr maya-maya biglang bumagsak ang isang kahoy na dapat tatama sa guro gulat ang lahat maliban sa maestro tumawa lamang ito na ikinatatwa ng lahat "Mahusay Zepyr" tuwang saad ng maestro "Ikaw ay isang seer tama ba?" Tumango lamang si Zepyr "Tama nga ako kaya pala hindi ka mapakali noong tiningnan mo ang mata ko dahil alam mo na sa akin dapat babagsak ang kahoy na iyo hindi ba?" Tanong ulit ng maestro tango ulit ang isinagot niya "Napabilib mo ako Zepyr sa iyong katapangan, ngunit ano ang attribution mo nakakapagtaka lamang" tamang saad ng maestro maging si Zepyr hindi niya alam ang kanyang special attribution. Nag-patuloy na lamang sila sa pag-eensayo sunod na tinawag ng maestro si Luna upang ipakita nito ang kanyang kakayahan. Tumayo si Luna sa gitna nang biglang dumating ang mga cursed at sinaksak ang maestro pati na rin si Cyren na walang awang pinugutan ng ulo ng mga ito kumilos naman ang magkakaibigan maliban kay Luna na nakapikit sa gitna lalapitan sana ito ng mga curse at sasaksakin ngunit ginamit ni Ezekiel ang kanyang kakayahan para sana suntukin patalikod ang cursed ngunit napigilan ito ng kasama nito at sinaksak patalikod nagulat naman sina Zepyr at Tyler sa nangyari sa galit mga ito hindi na nakontrol ang mga sarili at sumugod ito ngunit nagulat sila na unti-unti itong nawala at nakita na lamang nila ang kanilang sarili sa gitna nakarinig sila ng tawanan na ikinataka nilang dalawa "Magaling Luna isa ka palang illusionist at may special attribution na mirage na kayang magpalinlang sa isang kalaban"manghang sabi ng maestro"Titania maari mo bang ipakita sa amin ang iyong abilidad" naglakad papunta sa gitna si Titania at pinalakas ang chi ng kasama niya "Ikaw pala ang healer sa inyong magkakaibigan mayroon ka na namang special attribution na Energy Presserverance kung kaya mong pagalingin mong pagalingin ang iba maging ang pagpapataas ng chi rito" saad ng maestro sa kanya napansin naman ni Titania na tinitingnan ang kwintas niya na bigay ng kanyang ama kinuha ito ng maestro na kina-gulat ng lahat " Eto ay ang promesa" saad ng maestro "promesa? Kwintas lamang yan na bigay ng aking ama" singhal ni Titania "Kung hindi ako nagkakamali ang iyong ama ay ang aking kaibigang matagal ko nang hindi nakikita ibinigay ko itong proteksyon sa kanya, isa itong uri ng pana na makapangyarihan dahil ang enerhiya ng may hawak ng promesa ang nagiging bala nito" mahabang salaysay ni maestro at itinaas nito ang kwintas sabay sabing "promesa ipakita mo ang tunay mong anyo" bigla na lamang lumiwanag ang kwintas nang nakakasilaw na liwanag at nakita nila ang isang kulay pilak na pana. Namangha si Titania sa nasaksihan niya ito pala ang sinasabi ng kanyang ama na kakayahan ng kwintas na dati ay palaisipan sa kanya "Ibinigay ito ng iyong ama bilang proteksyon sa iyong sarili sa iyong mga kalaban"saad ni maestro at ibinigay ito kay Titania "Ikaw Vindexia ano namn ang iyong kakayahan" ngumiti ito sa maestro at kinausap ito ni vindexia sa kanyang isipan " Alam ko na ang iyong kakayahan ikaw pala ay may kakayahan na tinatawag na telephaty ang at iyan ang iyong especial attribution ang mind conversation kung saan kaya mong kausapin ang isang nilalang gamit ang iyong isipan sa tao man o sa hayop." Saad ni maestro "mukhang pagod na kayo dahil marami kayong chi na nagamit sa ating pageensayo kaya magpahinga muna kayo sa ngayon"ani nito "Cyren ihatid mo sila sa kwarto nila dito sa Escudo" at hinatid na nga ni Cyren ang magkakaibigan sa kani-kanilang mga kwarto dahil sa pagod sa pageensayo kaya naman maagang nakatulog ang mga ito.