KABANATA1
"Si-Sino, ka?" gulat na saad ko, sa lalaking naka yakap sa akin.
"Pwede ba, kita halikan?" seryosong sagot nito.
"Ano?" gulat na sagot ko.
"Wag ka maingay?" balik na sagot ng lalaki.
Naka maskara kami pareho kaya di ko namukhaan ang lalaking kaharap ko ngayon.
"Kahit ngayon lang," masuyong saad nito.
"Ano, ako bayaran. Maghanap ka, ng iba dyan wag ako?" pagtataray ko sa lalaki.
Nagulat na lang ako ng bigla nyang sinakop ang labi.
Lumaki ang mga mata ko sa ginawa ng lalaking ito. Nagpupumiklas sana ako. Pero mas malakas sya kaysa sa akin.
Ngunit napawindang ako ng marini ko ang mga boses ng kalalakihan.
"Hanapin nyo, sya nandito pa yun!" rinig kong sigaw ng mga lalaki na may dalang baril.
Nasa bar ako sa mga oras na ito.
" Ikaw ba, hinanap ng mga taong iyon?" mahinang boses ko sa lalaki.
Tumango ito sa akin.
Mas lalo ako nagulat ng biglang may putok ng baril.
"Pwede mo, ba ako tulungan makaalis dito!" saad ng lalaki.
"Sumunod ka, sa akin," anyan ko sa lalaki.
Agad naman ito sumunod sa likod ko.
Pumasok kami sa maliit na pinto. Alam ko ang pasikot-sikod sa bar na ito dahil dito ako nag part time kapag hindi kami mag bukas ng bakery.
"Okay na, hindi ka na ma sundan. Teka bakit parang may dugo sa tagiliran mo, ano nangyari dyan?" tanong ko sa lalaki.
"Wala to, daplis lang."
"Dito ka, lang may kukunin lang ako," saad ko sa lalaki.
Pag balik ko, wala na ito kung saan ko sya iniwan. Napakamot na lang ako sa ulo.
Na saan na sya dito ko lang iniwan yun. Nagkibit balikat na lang ako at lumalis ng bar. Baka may masama pang mangyari sa akin dito. Nakaramdam ako ng pagod at antok kaya naisipan ko umuwi sa bahay. Bukas ko na lang kausapin si Carla tungkol sa bago namin business sa Palawan.
Pagdating sa bahay agad ako nahiga sa kama. At kalaunan nakatulog ako.
Nagising na lang ako sa tunog ng aking cellphone.
Kinapa ko ito at nilagay ko sa tenga ko.
"Hello? Carol, anong oras na wala ka pa?" boses ng kaibigan ko.
Tumingin ako sa relo 8: 00 am na pala. Napabalikwas ako ng bangon.
"Saglit maliligo lang ako," tanging sagot ko sabay takbo patungo sa banyo.
Bakit hindi man lang ako nagising yan tuloy parang pwet ng manok bunganga ni Carla.
Sampung minuto matapos rin ako.
Mabuti na lang malapit lang bakery namin dito.
"Mabuti naman dumating ka na. Kala ko wala kang balak pumasok ngayon?" pagtataray ni Carla sabay ikot ng mata.
"Pwede ba, yun. At isa pa may tinulungan akong lalaki kagabi sa bar kaya late na ako naka uwi sa bahay," mahabang salaysay ko.
"Kaya pala, tapos ano nangyari. "
" Wala pagkatapos umuwi na ako sa bahay," sagot ko.
" Eh bakit namumula yan ilong mo? May nangyari sa' inyo no?" pangungulit ni Carla sa akin.
"Ikaw kung ano- ano lumabas sa bibig mo.
Magtrabaho na nga tayo para naman makarami tayo ng benta ngayon," saad ko sabay alis sa harap nito.
Ang totoo nyan mag nangyari nga sa amin ng lalaking iyon. Ninakawan nya ako ng halik. Dapat yun sa taong mahal ko. Pero ang walang hiyang lalaking iyon basta -basta na lang nya ako hinalikan.
Tanghali na nagsara muna kami ni Carla ng bakery.
Tatlong tanong na kami mag business partner ni Carla.
Hindi lang kaibigan ang turing ko sa kan'ya kundi kapatid na.
"Carol, labas tayo bukas," aya ni Carla sa akin.
"Saan naman tayo pupunta?" taas kilay na sagot ko.
Kung saan-saan talaga trip nito.
"Maghanap tayo ng mabibingwit. Sempre nga single tayo. Hindi naman habang buhay sa bakery na lang takbo ng buhay natin."
"Ikaw? Maghahanap. Eh ni isa nga wala kang nagusto sa manliligaw mo. Paano kasi puro mataas ang standard ang gusto mo?" saad ko ko kay Carla sabay tawa.
" Sempre para naman ako mamulubi. Alangan naman yung katulad ko lan."
" Ay basta wag mo ako idamay dyan, sa kalokohan mo?" sagot ko.
Hindi ko alam sa babaeng ito ang daming nagkagusto sa kanya. Ni isa wala syang sinagot.
Hapon na kaya nagligpit na kami ng gamit.
Nag-alala ko, bigla id ko bukas pupunta ako sa bank mag open ako ng account ko. Para naman kahit paapano naka ipon ako ng pera.
Kinuha ko ang bag ko sabay bukas. Ngunit naka ilang hangkad na ako wala pa rin ito doon.
Saan ko kaya nailagay dito lang yun kagabi.
"Yun, anong hinahanap mo, dyan. Bakit nakanguso na naman ang labi mo?" tanong ni Carla sa akin.
"Carla id ko nawala dito ko lang nilagay yun.
Kailangan ko pa naman bukas?" mahinang saad ko.
"Baka naiwan lang sa bahay mo.
Tara na kailangan na natin umuwi?" aya ni Carla sa akin sabay hila palabas ng bakery.
Dumaan muna kami sa mini story. Naubusan na rin ako ng grocery.
"Carol mauba na ako. May lakad pa kami ng pinsan ko?" saad nya sa' akin.
"Sige mag-ingat ka, Carla." Sabay yakap ko sa kaibigan ko.
Nang matapos ako bumili dumeretso ako agad sa bahay.
Dali-dali ko hinanap ang id ko.
Ngunit na dismaya ako dahil kahit anong hanap ko wala pa rin ito.
"Naloko na saan ko ba talaga yun nailagay," kausap ko ang sarili ko.
Hindi pa nga ako matanda ulyanin na ako.
Kinuha ko cellphone ko sabay tawag kay Carla.
Ngunit hindi nya ito sinagot.
Ano na gagawin ko bakit yun pa talaga nawala.
Habang busy ako sa kakanap bigla may kumatok sa pinto ng bahay ko.
Nagtaka ako wala naman ako bisita.
Kaya kahit nag alangan ako binuksan ko pa rin ito.
"Ikaw pala Carla," saad ko.
"Oo ako nga grabe ka para kang nakita ng multo."
"Akala ko kasi kung sino na. Diba may lakad kayo ng pinsan mo?" tanong ko sa kaibigan ko.
"Oo pero hindi natuloy. Kaya dumiti muna ako s sabay mo.
Nga pala may dala akong alak at pulutan.
Tamang-tama wala naman tayo pasok bukas," mahabang salaysay nito.
" At dito pa talaga naisapan mo mag-inom?" taas kilay na sagot ko.
" Sempre kaysa naman sa bar tayo. Baka may manyak pa doon," protesta nito.
" Sabagay may point ka?!"
Habang umiinom kami ng alak bigla ko nag-alala ang lalaking nagnakaw ng halik sa akin.
Napahawak tuloy ako sa labi ko.
"Oh, ako nanyari sa' yo, bakit hawak mo ang labi mo?" agad naman tanong ni Carla.
"Wa-wala" pautal na sagot ko.
"Anong wala kanina pa kita napansin. Umamin ka, nga may hindi ka ba, sinasabi sa akin?" untag ni Carla.
" Okay? Sasabihin ko, na tutal kaibigan naman kita.
Yung lalaking tinulungan ko hinalikan nya ako sa labi," mahinang saad ko, kay Carla.
" Ano?" gulat naman sagot nito.
" Ano ka, ba? Nakakagulat ka?" sabay tapik ko sa balikat nito.
" Sorry, nagulat lang kasi ako sa sinabi mo."
" Ang walang hiyang iyon. Basta lang nya ako hinalikan sa labi," anya ko kay Carla.
" Na carious lang kasi ako sa' yo. Hindi mo kilala tapos bigla ka nya hinalikan. Baka lasing lang yun kaya na pag tripan ka nya," sagot ni Carla sa akin.
" Anong lasing eh matuwid nga yun maglakad."
" Hay wag mo na yun isipin atlis naranasan mo na halikan ka," tawag saad ni Carla.
Sinamaan ko lang sya ng tingin.
" Dyan ka na nga?" pagdadabog ko.
Iniwan ko sa sala si Carla mag-isa.
Lasing na kaya kung ano-ano ang pinagsasabi nito.