"Lord, ano nangyari sa' yo, bakit sugatan ka?" tanong ng kanang kamay ko.
"Damn! Tinambakan kami ni Leon sa daan.
Ako lang natira yung iba mong kasamahan patay na!" seryosong sagot ko.
"Tawagin mo, si Dac. Papuntahin mo dito!" muling saad ko.
"Opo, Lord," yukong sagot nito sabay talikod.
"Maya't-maya dumating na ang lalaking pinapatawag ko.
" Lord," tawag nito sa akin.
Agad naman nito ginamot ang sugat ko.
"Okay na Lord kailangan mo muna mag pahinga," wika ni Dac.
Private Doctor ko sa kaya sa tuwing kailangan ko sya agad-agad sya pumunta dito.
Bigla ko na-alala ang babaeng tumulong sa akin. Kung saan ako nagtago.
"Lans, hanapin mo, ang babaeng tumulong sa akin kagabi at dalhin mo sya sa akin?" seryosong saad ko sa tauhan ko.
" Lord, ano po itsura nya. "
"Here?" sabay bigay ko kay Lans ang id ng babae.
Maganda at bata pa ito.
Kung hindi dahil sa babaeng iyon malamang katapusan ko na.
Akala mo Baldon basta mo lang ako mapatumba. Nagkamali ka matumba muna kita bago ako.
Habang nasa sala ako bigla tumunog ang cellphone ko.
Tiningan ko kung sino tumawag sa akin. Napataas ang kilay ko ng makita ko kung sino.
Si Arabella, ang babaeng dikit na dikit sa akin. Isa pa itong babaeng ito. Akala nya hindi ko alam na magpinsan sila ni Baldon.
"Lord, may tumawag po, sa inyo?" saad ni Lans.
"Wala akong pakialam!" iritang sagot ko.
" Bukas na bukas Lans, pupunta tayup sa bar kung saan ko nakita ang babae."
" Masusunod Lord," tipid na sagot nito.
Kinabukasan nagpunta ako sa bar kung saan ko nakita ang babae. Sinabi ko sa mga tauhan ko na may mag bantay sa labas.
Isa-isa, kong tininang ang mga babae naka upo.
May nakita akong babae nakayuko ang ulo tila lasing na lasing.
"Miss," tawag ko sa babae.
Tinaas nya ang kanyang mukha.
"Ano kailangan mo?" sagot nito.
Hindi ako sumagot bagkus umalis ako. Dahil hindi ito babae hinahanap ko.
"Damn! Parang wala ata ito ngayon.
Saan ko ba sya hahanapin.
Umupo ako sa gilid kung saan walang masyadong ilaw.
"Lord, wala ata dito ang babaeng hinahanap mo. Baka sa ibang bar iyon nag punta," saad ni Lans.
Akmang aalis na kami nangmakarinig ako ng boses ng babae TILA galit na galit.
Pamilyar sa akin ang boses na iyon.
Kaya lumapit ako upang alamin kung sya nga ba, ang babae hinahanap ko.
" Hoy? Lalaki ka ang pangit mo?" rinig kong sabit nito sa isang lalaking.
Akmang sasampalin ng lalaki ang babae agad ko ito pinigilan.
Pareho sila nakatingin sa akin.
"Kuya nakaka bakla iyan," saad ko na may pagbabanta sa mga mata ko.
"Sino ka, bakit nangingialam ka dito!" sagot nito sabay nguso sa akin.
" Damn! Mukhang hindi ako kilala ng taong ito," mahinang saad ko.
" Wala akong oras maki pag kilala sa' yo?" sabay sipa sa lalaki.
Tumalsik kung saan ang lalaki.
"Miss are you okay?" tanong ko sa babae.
"Anong okay muntik na ako atakihin sa puso sa ginawa mo?" pagtataray nito sabay alis sa harap ko.
"Damn! Ngayon lang ako pinagtarayan ng babae.
Hinabol ko ito ngunit wala na ito sa labas.
"Kayo, nakita nyo, ba? Yung babae lumabas?" tanong ko sa mga tauhan ko.
"Hindi Lord," sabay-sabay na sagot nito.
"f**k! Ano yun multo," saad ko.
"Let's go, wala naman dito ang hinahanap ko!" anya ko sa mga tauhan ko.
" Bakit ko ba hinahanap ang babaeng iyon.
Ganun na ba, sya ka halaga sa akin," mga tanong sa isip ko.
" Mamang, dalhan mo ako ng alak sa kwarto ko?" utos ko sa matanda.
" Opo, Lord," sagot nito.
Maligo muna ako dahil pakiramdam ko nakadikit ang bacteria sa katawan ko.
Habang naka tapat ako sa shower bigla ko na-alala ang imahe ng babae kanina sa bar.
" Ah, baliw ka na talaga Zander," bulong ng utak ko.
Nang matapos ako maligo lumabas na ako ng banyo.
" Lord? May nakita po, akong id sa bulsa ng pantalo mo?" anas ni Manang.
" Anong id Manang," balik na sagot ko.
" Ito, po oh," muling sabi nito.
Kinuha ko ang id mula kay Manang.
Tinitigin ko mabuti ang id na hawak ko.
Bigla na lang ako napamura.
" Damn! Ito yung babaeng nakita ko kagabi sa bar," mahinang saad ko.
" Lord, ayos ka lang ba?" tanong ni Manang.
" Yes, pwede ka na lumabas ng kwarto ko!" seryosong saad ko.
Kinuha ko ang cellphone ko sabay tawag kay Lans.
" Cring! Cring!" tunong ng cellphone nito.
" Hello, Lord!" sagot nito sa kabilang linya.
" Tawagan mo ang may-ari ng bar na pinuntahan natin kagabi.
Alamin mo kung sino ang babaeng ito!" Ipasa ko sayo ang litrato nya," pahayag ko."
"Masusunod Lord," balik na sagot nito.
Kinuha ko ang alak na dala ni Manang agad ko tungga.
Gustong-gusto ko makita ang babaeng iyon.
Kinabukasan nagising ako sa makas tunog ng cellphone ko.
"Damn! Sinong storbong tumawag sa akin!" mura ko sabay kapa ko ng cellphone ko.
"Emhhh, ano ba, yan!" rinig ko reklamo ng isang babae. Kaya napamulat ako.
"Anong ginawa mo, sa kwarto ko, Ara!" galit na saad ko sa babae.
" Hey, Honey. Relax nakikitulog lang ako dito."
" f**k! Get out in my room?" malakas na sigaw ko.
" Bakit ako, lumabas ng kwarto. Hindi mo, ba? Na-alala nangyari sa' atin kagabi?" ngising saad ni Ara sabay ikot ng kanyang daliri sa labi nito.
"Walang nangyari sa' atin kaya hwag kang umasa na may mangyari sa atin. Or else mawawalan ka ng hininga!" banta ko sa babae.
"Kahit anong banta mo, sa akin Zande. Hindi ako natatakot sa' yo. Panagutan mo ako?" pang-aakit nito.
" Agad ko kinuha ang baril sa drawer sabay tutok sa babae.
"Kung gusto mo pa, mabuhay lisanin mo ang kwarto ko!" banta ko sa babae. Nakita ko naman kung paano ito natakot sa ginawa ko.
"Please come down Zander. Okay fine aalis na ako wag mo lang iputok yan hawak mong baril?" malanding saad ng babae."
Maya't-maya tumunog ang cellphone ko.
Mabilis ko kinuha alam ko si Lans ang tumawag.
"Hello! Lans, anong balita sa pinapahanap ko!" seryosong untag ko sa kabilang linya.
"Lord! Nahanap ko, na ang bahay ni Miss.Carol!" sagot nito sa kabilang linya.
"Good! Dahil nyo, sya dito. Kung pumalag patulugin nyo, sya?" utos ko, kay Lans.
"Masusunod Lord," sagot ni Lans.