Hay, sunod-sunod na kamalasan ang nangyari sa' akin ngayon.
Bakit ba panay dikit ng malas sa akin.
At muntik na ako ma sampulan ng mamang iyon. Mabuti na lang may tumulong sa akin. Pero bakit parang pamilyar sa akin ang lalaki. Parang nakita ko na sya dati pero hindi ko lang matandaan kung saan.
"Hoy? Carol, anong binubulong-bulong mo, dyan?" saad ni Carla sa akin. Nasa sala kami nanood ng tv. Akala ko tulog na ang bruha pero hinintay pala nya ako. Hindi na ito umuwi sa bahay nito. Ewan ko ba sa' babaeng ito.
"Paano kasi may manyak sa bar kanina," saad ko kay Carla.
" Kaya pala panay bulong mo dyan. Bakit hindi ka mag resign doon .
Marami naman pwede mag part time basta wag lang doon. Kasi minsan may mga mag-away," mahabang salaysay ni Carla.
" Maya't-maya may kumakot mula sa labas ng pinto.
Tok! Tok! Tok!
Nagkatinginan kami ni Carla.
"May bisita ka ba?" tanong ko kay Carla.
"Wala, baka ikaw meron?" balik na sagot nito.
"Wala rin eh, kakauwi ko lang nga galing trabaho?" sagot ko sa kaibigan ko.
Naka short at sando lang ako dahil mainit.
"Ako na magbukas," saad ni Carla sabay tayo.
" Carol, may naghahanap sa'yo? " saad ni Carla.
" Sino daw?" takang sagot ko.
"Baka manliligaw mo?" untag nito sa akin sabay tawa.
" Miss, Carol may gusto lang po, ma ki ipag-usap, sa'yo?" saad ng lalaki sa akin.
Napataas ang kaliwang kilay ko sa sinabi ng lalaki.
" Sino?" tanong ko.
" Ang Boss po, namin," muling sagot nito.
" Sorry, Kuya hindi ko kilala ang Boss nyo. Kaya pwede na kayo umuwi!" sagot ko sa lalaki.
Kita ko kung paano nag-iba ang mukha ng lalaki.
Naging seryoso na ito.
"Miss, Carol nais lang kayo makausap ng amo namin!" seryosong untag nito.
" Bakit! Hindi amo, nyo? Mismo ang pumunta dito?" taas kilay na sagot ko. Nakita ko umikot ang tatlong lalaki. Akmang tatakbo ako sa loob ng kwarto ko. Ngunit naunahan ako ng mga ito.
Parang may nilagay sila sa ilong ko at kalaunan nawalan ako ng malay.
Nagising na lang sa di pamilyang lugar sa mga mata ko.
" Mabuti naman gising ka na," boses ng babae. Tumingin ako sa kanya medyo may edad na ang babae.
" Nasaan ako, bakit nandito ako sino kayo?" sunod- sunod na tanong ko.
" Bago kita sagutin mag-almusal ka muna. Ako pala si Rosa."
" Hindi ako, kakain hanggat hindi nyo, sinabi kung na saan ako!" seryosong tanong ko.
" Si Lord, na ang sasagot sa tanong mo. Hindi ko rin alam kung bakit nandito ka. Wag kang mag-alala walang masamang mangyayari sa' yo dito," mahinang boses ng ginang.
Kailangan ko maka' alis dito. Baka mamaya ibenta ako sa iba. Marami na akong nakita o narinig.
Hindi nagtagal nagpaalam na ang ginang sa akin.
Lumapit ako sa pinto akmang bubuksan ko ito. Bigla naman bumukas anc pinto kaya napa atras ako ng konti. Tumingin ako sa taong nagbukas ng pito. Nagulat ako sa aking nakita totoo ba, ito sya? "
"I- Ikaw?" gulat na sagot ko.
" Yeah it's me. Bakit nagulat ka?" ngising sagot ng lalaki.
" Bakit mo, ako Pina kidnap ano kasalanan ko sa' yo?" tanong ko sa lalaki.
" Sabihin na natin na meron kang kasalanan sa akin kaya dinakip kita sa mga tauhan ko!" balik na sagot ng lalaki.
" OMG? baliw na ba, talaga ang lalaking ito. Anong pinagsasabi nito. At kailan pa, ako nagkasala sa kany, " bulong ng utak ko.
" Mula ngayon ikaw na ang magiging assistant ko? " saad ng lalaki.
" Hoy? Lalaki para malaman mo, hindi ako napa rito para maging assistant mo?. Pauwiin mo ako naghihintay na ang kaibigan ko? " anas ko sa lalaki.
" Simula ngayon pag-aari na kita. Kaya sa ayaw at sa gusto mo? Hindi ka makakaalis dito! " mung saad ng lalaki.
" Hoy? Lalaki sino nagsabi sa' yo, na pag-aari mo, ako. Assuming ka rin no?" pagtataray ko sa lalaking.
Hindi ko alam kung bakit sinasabi nya pag-aari nya ako.
Hindi kaya may sayad ito sa utak.
Dahan-dahan ito lumapit sa akin.
"Wag kang, lalapit," pigil ko lalaki.
"Ano naman gagawin mo, kapag lumapit ako sa' yo?" ngising sabi nito.
" Magsisi ka, oras na lumapit ka sa akin?" banta ko sa lalaki.
Nakita ko tumawa lang ito na parang baliw.
" Ang tapang mo, naman pero wala kang laban sa katulad ko!" seryosong nitong sabi.
Hindi pa rin nakinig ang lalaki lumapit pa rin sa akin sabay hawak ko nito sa kamay ko.
Ngunit mabilis ko naman tinuhod at tumama ito sa kanyang batuta.
" Damn! Ang sakit?" hiyaw nito sabay yuko.
" Mabuti nga, sa' yo, binalaan na kita," saad ko sabay labas ng kwarto.
Mabilis ako tumabo upang hindi lang ako mahabol ng lalaki.
"Hoy? Bumalik ka, dito hindi ka makakaalis sa pamamahay ko?" sigaw nya sa akin.
Hindi ko sya pinakinggan.
Naloko na saan daan palabas ng bahay na ito kanina pa ako pa ikot-ikot pero wala akong makita.
"Ano napagod ka?" boses mula sa likod ko.
Alam ko sya ito kailanagan ko makatakas dito.
Muli ako tumakbo ngunit mabilis nya ako nahanakan sa braso.
"Bitawan mo, ako?" sigaw ko.
"Wag ka na pumalag babae. Dahil kahit anong gawin mo. Hindi ka makakaalis dito?" bulong nito sa punong tenga ko.
Tinadjakan ko ang paa nito para makawala mula sa pagkahawak nito.
" Nakarami ka na, babae hindi ko hahayaan na hindi ako makaganti sa' yo?" untag ng lalaki sa akin.
" Hindi lang yan abutin mo, sa akin lalaki?" galit na saad ko.
Mili nya ako binalik sa kwarto.
Hanggang kailan ako dito. Baka nag-alala na ang kaibigan ko sa akin.
Wala akong alam kung ano ba, talaga ang balak ng lalaki sa akin.
Dahil sa pagod sa pagtakbo agad ako naka tulog.
Nagising ako 10:00pm na nakaramdam na rin ako gutom.
Lumapit ako sa' pinto ag binuksan ko ito.
"Lintik bakit naka lock ito?" mura ko.
"May tao ba dyan?" saad ko sabay katok.
Ngunit walang sumagot kahit isa.
Anong balak ng lalaking iyon papatayin nya ako sa gutom. Bakit wala man lang ako pagkain dito.
Hindi nagtagal bumukas ang pinto ag pumasok roon ang ginang na kausap ko isang araw.
"Miss, kumain ka na," saad nito sa akin.
"Manang, salamat po, hanggang kailan po, ba' ako dito?" muling tanong ko sa ginang.
"Hindi ko, alam kung hanggang kailan. Wala naman sinabi si Lord sa akin . Ang tanging sabi nya alagaan daw kita?" saad nito sa akin.
Bigla ako naglungkot sa narinig ko mula sa katulong.
Kung ganun habang buhay na ata ako dito. Paano ang negosyo ko paano ang pinaghirapan ko ilang taon.
"Manang ibalik nyo, na lang iyan pagkain hindi po, ako nagugutom," mahinang sagot ko.
"Kailangan mo, kumain para may lakas ka. Kapag nakita ni Lord na hindi ko ginalaw ang pagkain mo, mayayari kami sa kanya," mahabang salaysay ng ginang.
" Manang bakit Lord ang tawag nyo, sa kanya? " muling tanong ko.
" Malalaman morin sa tamang panahon. Sige naiwan na kita kumain ka, " untag nito sabay alis sa harap ko.
" Ano kaya sinasabi ni Manang. Parang may hindi sya sinabi sa akin," saad ng utak ko.