Kabanata 11

1171 Words
CHERRY "Salamat, Reynan," sabi ko paghinto ng kotse, at agad na akong bumaba. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin, pero hindi ko na siya pinansin. Gusto ko munang mapag-isa ngayon. Gusto ko munang kulmalma. Gusto ko munang mawala sa isip ko ang eksenang nangyari kanina. Ang pagiging epokrito ni George. "Hayop ka, George! Minahal kita ng buong puso," gigil kong sabi. Nanginginig ang mga kamay ko, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa galit. Hindi ko maintindihan kung bakit ko deserve na pahirapan niya. Binuhos ko sa kanya lahat. Minahal ko siya ng buong puso, at walang tinira para sa sarili ko, ito lang pala ang mapapala ko. Nanghihina akong humiga sa kama. Isinubsob ang aking mukha sa unan. Hindi ako nagpigil, iniyak ko ng buong lakas ang sama ng loob at galit ko hanggang sa kusang tumigil ang hikbi ko, pero patuloy paring pumapatak ang luha ko. Wala kasi si Anna, mamayang gabi pa ang uwi niya, kaya malaya akong ilabas ang mga naipong hinanakit dito sa loob ko na hindi nahihiya. Matapos ang mahabang pag-iyak, bumangon ako. Pinahid ang luha sa mga mata at pisngi ko, saka ako matamlay na tumayo at lumabas ng kwarto. Kailangan ko ng makatutulong na maibsan itong nararamdaman ko, at naalala ko na may stock na beer si Anna sa fridge. Naglabas ako ng apat at dinala sa sala. Kada tungga ko sa beer, nakakasuklam na mukha ni George ang nakikita ko. Mga salita niya na paulit-ulit na dumudurog sa puso ko ang aking naririnig. Nais kong mawala na siya sa sistema ko. Ayaw ka nang manatili na ganito. Pagod na ako. Kaya lang, kahit anong pilit ko, at kahit ilang beer na ang naubos ko, hindi pa rin nawawala ang sakit. Mas lalo lang sumama ang pakiramdam ko. Hindi ko kasi namamalayan marami na pala akong nainum. "Hayop ka, George..." sabi ko sa hawak na beer, na sumabay sa tawa, iyak, at paulit-ulit na pagmumura sa lalaking naging sentro ng buhay ko. Naitakip ko naman ang mga palad sa aking bibig. Para na kasi akong masusuka, umiikot na ang paligid ko. First time ko maglasing ng ganito. First time ko na umaktong baliw. Nilagok ko ang natitirang beer, at lumabas ng bahay. Pasuray-suray akong naglalakad. Nakalapat ang kamay ko sa pader na nadadaanan ko, papunta sa bahay ni Reynan. “Reynan!” tawag ko sa kanya. Nasa veranda siya nakaupo at tutok na tutok sa laptop niya. “Buksan mo…” sigaw ko. Diniin ko ang aking mukha sa gate, habang kumakaway-kaway sa kanya na nagmamadaling puntahan ako. "Dok Cherry…lasing ka?" Kinunutan niya ako ng noo, pero agad naman akong pinagbuksan ng gate at hinapit ang baywang ko. Diniin ko ang aking pisngi sa kanyang dibdib, tumingala sa kanya at nginitian siya. "Reynan..." Yumakap ako sa baywang niya. "Umayos ka nga doktora, bakit ka ba naglasing ng ganito?" tanong niya sa tonong galit. Sinimangutan ko siya. Hinampas ang dibdib niya. "Bawal ba ako maglasing? Bawal ba akong maglabas ng sama ng loob? Bawal ba makalimot?" sumisinok-sinok kong sabi. Hindi na rin halos ako makatayo ng maayos. "Wala akong sinasabi na gano’n..." Napubuga na lang siya ng hangin. "Halika na nga sa loob.” Binuhat niya ako. Ngumiti naman ako at lumambitin sa batok niya. Tumingala na naman ako sa mukha niya at nginitian siya. "Am'bango mo. Amoy baby," hagikhik ko. Siniksik ko pa ang mukha ko sa dibdib niya at inamoy-amoy siya. Hindi na siya nagsalita. Pero ramdam ko naman ang pigil niyang pagbuntong-hininga. "Dito ka lang, kukuha ako ng tubig," sabi niya nang mailapag niya ako sa sofa. Ngumiti na naman ako at tumango-tango, at pabagsak na humiga. Ang init-init ng pakiramdam ko. Ginulo-gulo ko ang aking buhok, hinubad ang suot na vest, at tinapon sa kong saan. "Doktora, bumangon ka muna.” Inalalayan niya akong bumangon at pinainum ng tubig. “Damihan mo,” sabi niya. Hindi ko na halos mabuka ang mga mata ko, pero nakikita ko pa rin naman ang mukha niya ng malinaw—ang seryosong ekspresyon niya. Parang bumabalik siya sa dating ugali. Hindi na siya ngumingiti, hindi na niya ako pinapasaya. Galit siya, ramdam ko ‘yon. Salubong nga ang kilay niya na parang aburido dahil sa pagdating ko. “Magpahinga ka muna, ihahatid kita mamaya,” seryoso niyang sabi, at itinakip ang vest sa aking dibdib at iniwan ako. Napahikbi naman ako. Nalungkot ako dahil nagbago na siya agad. Bumangon ako, ayaw kong manatili sa taong ayaw naman sa akin. Natuto na ako. Pinahid ko ang aking luha gamit ang likod ng kamay ko at pasuray-suray na naglalakad papunta sa pinto. “Doktora Cherry!” singhal sa likuran ko at kaagad akong binuhat. “Ang sabi ko magpahinga ka. Lasing ka na nga, kung saan-saan ka pa pupunta!” Lalo pa akong napahikbi. “Ibaba mo ako,” nagpumiglas ako. “Galit ka ‘di ba?” Kinagat niya ang ibabang labi at napatingala sa kisame. “Hindi ako galit—” “Hindi galit, ‘e ang sungit-sungit mo nga!” “Galit ako kasi naglasing ka!” “Kita mo…” Dinuduro ko siya. “Sabi mo, hindi ka galit, tapos galit pala.” “Tumahimik ka na nga lang. Ang hirap mo kausap!” Inilapag na naman niya ako sa sofa. Pero agad akong bumangon at tumayo. Pinigil naman niya ako, at sapilitang pinaupo. Dahan-dahan akong napapahiga dahil sa unti-unting paglapit ng mukha niya sa akin. “Ano ba, Reynan?” Nilapat ko ang mga palad ko sa mukha niya, pero hinawakan niya lang at inilagay sa gilid ng mga hita ko, at lalo pang inilapit ang mukha niya sa akin. Iniwas ko ang mukha ko. Ipinikit ko rin ang mga mata ko. Parang nawala ang kalasingan ko sa ginagawa niya ngayon. “Aalis ka pa ba?” tanong niya. Pabulong at madiin. Tiniim ko lalo ang mga mata at hindi sumagot. Narinig ko naman ang pahapyaw niyang tawa na nagpadilat sa mga mata ko. “Galit ka, kaya alis na lang ako.” “Galit ako kasi naglalasing ka ng ganito dahil sa lalaking walang kwenta.” Binitiwan niya ang mga kamay ko at umupo ng maayos. “Bumilib pa naman ako sa’yo kanina, kasi ang tapang-tapang muna. Tapos pupunta ka rito na lasing.” Humaba naman ang nguso ko. “Naging matapang ako, kasi kasama kita. Alam kong may kakampi ako at ipagtatanggol mo ako kahit anong mangyari.” Mapait akong ngumiti, hindi kasi siya sumagot, napapatig lang sa akin. Maya maya ay tumikhim siya, kumurap-kurap, at nag-iwas ng tingin na ikinangiti ko. “Sige na magpahinga ka na,” sabi niya at tumayo. “Reynan…” Hinawakan ko ang kamay niya, hinila pabalik sa pag-upo. Napatitig na naman siya sa magkahawak naming kamay, habang ako, tumititig sa mga mata niya. “Payag na ako—” Kumunot ang noo niya, nanliit pa ang mga mata. “Payag sa ano?” “Payag na ako sa solusyon na sina-suggest mo—payag na ako sa contract marriage.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD