REYNAN
Kung anong inis ko nang makita si Cherry na lasing ay gano’n din ang saya ko nang sabihin niyang pumapayag na siya sa kasal.
Heto na nga, hawak ko na ang draft ng agreement na kailangan pa ng approval ni Cherry.
Nilapag ko ang agreement, at dinampot ang maliit na pulang box sa coffee table at binuksan iyon.
“Maganda ba?” tanong ko sa assistant ko. Na tumango-tango naman at ngumiti.
“Reynan…”
Kaya lang sabay napalis ang aming ngiti nang marinig ang boses ni Cherry at makita ang kanyang ekspresyon.
“Doktora Cherry,” tumayo ako, at lumapit sa kanya. Hahawakan ko sana ang kamay niya pero inilayo niya. “Nagbago ba ang isip mo?”
“Hindi ba dapat?” Tumingin siya sa likuran ko, kaya napalingon din ako. “Ayaw kong manira ng relasyon, Reynan. Kahit sabihin pang contract marriage lang ang papasukin natin, hindi pa rin tama…ayokong manakit ng kapwa babae.”
“Ano bang inagsasabi mo?” Napasulyap ako sa likuran ko, doon kasi siya nakatingin.
“Teka nga…nagseselos ka ba?” ngiti kong sabi.
“Wala ako panahon sa biro mo, Reynan. Seryoso ako…”
“Seryoso rin naman ako…” Nakamot ko ang leeg ko.
“Hindi ako nagseselos, naiinis ako. Tutulungan mo nga ako, pero may nasasaktan naman tayo. Ayoko ng gano’n.” Sumulyap na naman siya sa likuran ko.
Napalakas tuloy ang tawa ko. “Umupo nga muna tayo.” Hinila ko siya papuntang veranda. Pinaghila ko siya ng upuan pero panay naman ang tingin niya kay Anna.
“Good morning, Doktora Cherry,” nakangiting bati ni Anna.
“Good morning, Anna,” sagot naman niya, pero nag-iwas ng tingin.
Nakatinginan na lang kami ni Anna. “Cherry…” lambing kong tawag, sabay hawak sa kamay niya.
Agad siyang lumingon. Kinunutan ako ng noo at binawi ang kamay niya. “Umayos ka nga, Reynan.” Akmang tatayo siya, pero pinigil siya ni Anna.
“Mamaya ka na po umalis, dok. I-check mo po muna ‘to,” sabi ni Anna at inabot ang agreement.
“I-review mo, kung may gusto kang idagdag, sabihin mo lang,” seryoso ko namang sabi, pero sa loob ko, natutuwa ako sa kinikilos niya na parang bothered sa presensya ni Anna.
“Seryoso ka, payag ka rito?” tanong niya kay Anna na katulad ko, nagpipigil na rin ng tawa.
“Bakit naman po hindi ako papayag?” maang-maangan naman si Anna.
“Girlfriend ka, Anna, tapos papayag ka sa ganitong setup?”
“Naku po, Doktora Cherry, ‘wag mong sabihin ‘yan. Baka masesante ako!”
Sumandal ako at humalukipkip. “Akala mo, girlfriend ko si Anna, kaya nagseselos ka…”
“Hindi nga ako nagseselos, Reynan! Ayaw ko lang makasakit…”
“Hindi ko nga rin girlfriend si Anna, kaya hindi siya masasaktan.” Tumango-tango naman si Anna bilang pagsang-ayon sa sinabi ko.
“Assistant po ako ni Sir Reynan, doktora…”
Tiniim ko ang labi ko. Pinanliitan ng mga mata si Anna. Agad naman niyang tinakpan ang kanyang labi.
“Assistant?” tanong ni Cherry. Nagpalipat-lipat na ang tingin niya sa amin.
“Tingin n’yo maniniwala ako?”
“Tingin ko, hindi ka pa rin naniniwala, simangot pa rin ang mukha mo ‘e…”
“Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakatagpo ng caregiver na may assistant!”
“May assistant ako, kasi hindi ako basta-bastang caregiver.”
Dinuro niya ako. Tinapunan niya rin ng matalim na tingin si Anna. “Hindi ko alam kung anong laro itong ginagawa ninyo. Hindi ko alam kung ano ang intensyon n’yo. But, please, ang dami-dami ko nang dinadala, ‘wag na kayong dumagdag. Kalimutan na natin ang kalokohang contract marriage na ‘to.”
“Dok, sorry…kung tingin mo niloloko ka namin, hindi. Totoong assistant ko si Anna, at totoong hindi lang ako basta caregiver.”
Nakamot ko ang aking ulo. Napatingin rin ako kay Anna. Humingi ako ng tulong sa kanya na mag-explain.
“Doktora, totoo po ang sinasabi ni Sir Reynan. Assistant niya lang po ako, inutusan niya akong dalhin dito ang draft ng kontrata n’yo.”
Hindi siya nagsalita, pero napapatingin naman sa kontrata na nasa harap niya, at tumingin na naman sa akin.
Tiniim ko naman ang labi ko. Kinurap-kurap ang mga mata ko, nagpapa-cute para mawala na ang galit niya.
Humalukipkip siya. Bakas pa rin ang duda sa hitsura. Paminsan-minsan din siyang sumusulyap kay Anna. “Hindi mo talaga siya girlfriend?”
Umiling-iling ako, at nagtaas ng kanang kamay. “Hindi ko siya girlfriend. Assistant lang…”
Hindi na siya nagsalita, tinitigan lang ako. Parang binabasa kung nagsisinungaling ba ako. “Kung nagsisinungaling ako, susunduin ako ni kamata—”
“Reynan, hindi magandang biro ‘yan.”
“Sorry…hindi na ako papasundo, kaya pirmahan mo na,” nginisihan ko siya at inabot sa kanya ang kontrata.
Tinanggap naman niya at sa wakas ay binasa na niya. Matiyaga naman akong naghintay sa sasabihin niya.
“Duration of marriage, three years,” basa niya sa unang bahagi. “Bakit ang tagal?”
“Para kapani-paniwala…” agad kong sagot.
Nakagat ko naman ang labi ko. Pinagpawisan na ang singit ko. Kabado ako, baka may hindi siya magustuhan at aatras na naman.
“Throughout the marriage, neither party shall engage in any romantic or s****l relationship with another person.”
“Any act of infidelity or attempt to violate this agreement shall be grounds for the immediate termination of the contract.”
“Wala ka nang reklamo o idadagdag sa first page?” tanong ko. Tumahimik na kasi siya.
“Wala na…” sagot niya, pero nakatingin pa rin sa kontrata.
“Sa next page na.” Ako na ang bumuklat sa pahina. Ang bagal kasi. “Basahin mo na,” ngisi ko namang sabi.
“The Husband shall protect and support the Wife, especially in matters concerning her professional and personal well-being.” Sumulyap siya sa akin matapos niyang basahin ‘yon.
“The Wife shall agree to accompany the Husband to public events when necessary to maintain the image of their marriage.
“Both parties shall reside under the same roof for the duration of the contract to uphold the credibility of their marriage.”
Napatingin naman siya kay Anna. Parang may balak yata na hindi tumira kasama ko.
“Ayos lang po, dok. Gano’n talaga, may asawang tao ka na…hanap na lang ako ng ibang tenant,” sabi naman ni Anna.
“Confidentiality of the Agreement,” basa niya pa, mas mabilis na rin ang pagbuklat niya. “Termination of the Contract.”
Napabuga ako nang hangin nang nasa dulo na siya.
“Ayos na? Pirma na tayo?” atat kong tanong. Hawak ko na ang ballpen at handa ng pumirma.
“Hindi pa, may gusto akong idagdag na wala rito.”
“Ano ang gusto mong idagdag?” tanong ko.
“Bawal ang physical contact.”
Nakamot ko ang aking ulo. “Paano naman kaya ‘yon. Kapag nadapa pa, hahayaan ka lang na tumayo mag-isa?”
Dinuro niya ako ng ballpen. “Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin, ‘wag kang baliw-baliwan.”
“Anna, ayusin mo.” Agad-agad namang binuksan ni Anna ng kanyang laptop at agad na tinipa ang gustong idagdag ni Cherry.
“At dapat irespeto ang personal space ng bawat isa.”
Napabuga na naman ako ng hangin. ‘Yon pang mga gusto kong gawin ang pinagbabawal niya. Paulit-ulit ko na lang nakamot ang leeg ko.
“Tapos na po, dok,” sabi ni Anna. Pinakita niya iyon sa amin at sabay naming binasa.
“Neither party is obligated to engage in a physical relationship unless they both consent to it.
Hindi ko naman napigil ang mapangiti habang binabasa ang huling part. Napapasulyap pa ako kay Cherry na agad napansin ang kilos ko.
“Tumigil ka, Reynan…hindi ka makakakuha ng concent!”
"Tingnan natin," pabulong kong sabi habang binabasa ang huling idinagdag niya sa aming agreement. “Each party must respect the personal space of the other and shall not interfere with private belongings, communications, or personal decisions.”
“Ayos na ba?” tanong ko naman.
Tumango-tango siya na ikinangiti ko. Tumayo naman si Anna para kunin ang printed copy ng agreement sa office ko.
“Heto na po, pirmahan n’yo na,” sabi ni Anna, sabay lapag niyon sa harap namin.
Si Cherry ang una kung pinapirma. Napangiti naman ako matapos niyang lumagda. “Hindi ka na makakapigsa sa puwet,” sabi ko habang pumiperma.
Sandali ko pang tinitigan ang aming pirma. Ang saya ko, sa wakas mas maprotektahan ko na siya. May katapatan na ako sa kanya.
Binigay ko kay Anna ang kontrata na tinanggap naman nito agad.
“Siya nga pala, Anna, mag-book ka ng flight to Canada, aalis kami ni Cherry sa lalong madaling panahon—”
“Aalis tayo? Bakit?” tanong niya. Nanlaki ang mga mata. Umawang pa ang labi habang hinihintay ang sagot ko.