Unti-unti kong inilapit ang mukha ko kay Cherry. Hindi ko na talaga mapigilan ang tukso. Inangkin ko ang labi niya, marahan, ngunit madiin ang bawat hagod ng labi ko sa kanya.
Siya na tila nagulat sa ginawa ko, nanlaki ang mga mata, nanigas ang katawan, at napigil pa yata ang hininga.
“Aray!” Napaigtad ako. “Ano ba, Dok?!” daing ko.
Matapos ang ilang minutong paglasap ko sa kanyang labi ay nahimasmasan din siya. Kinurot ang aking tagiliran.
“‘Hayop ka ‘e. Nanamantala ka,” bulong niya, habang patuloy pa rin sa pagkurot sa tagiliran ko. “Tinulungan lang kita na itaboy si Riza…”
Napalunok ako. Pahiya ako. Akala ko, naawa siya sa akin kaya gusto niya akong i-comfort sa pamamagitan ng yakap. Gusto lang palang itaboy si Riza.
Sumulyap ako sa may gate. “Naku, Dok, papalapit na siya,”
Mabilis akong yumuko at inangkin na naman ang kanyang Labi. Hawak ko ang batok niya, pinipigil na ‘wag siyang lumingon at malaman niyang nagsisinungaling ako.
Nanlaki ang kanyang mga mata habang ang akin ay nanliliit, sinisilip ang reaksyon niya. Katulad kanina nanlaki pa rin ang mga mata niya, hanggang sa kinagat niya ng mahina ang labi ko na sinabayan ng kurot sa aking tagiliran.
“Aray naman, Dok!” reklamo ko, hawak-hawak ang tagiliran, napapakapa rin sa labi ko.
“Pambihira ka, Reynan! Tin-take advantage mo na ako!”
“Take advantage…’di kaya…” Kamot-kamot ko ang batok ko.
“Pinagloloko mo ako, wala ang asawa mo. Kanina pa yata umalis,” gigil niyang sabi, pilit kinakalas ang kamay kong mahigpit pa ring pumulupot sa baywang niya.
“Kaalis lang niya…thanks for your hard work.” Kinagat ko ang aking ibabang labi at kinindatan siya na matalim na tingin naman ang sagot niya.
“Hard work…mukha mo!”
Isang sinadyang pagtikhim ang umistorbo sa aming dalawa. Agad kaming lumayo sa isa’t isa.
Ang Mama ko, nakatayo sa may pintuan. May mapanuksong ngiti.
Nahaplos na lang ni Cherry ang kanyang mukhang namumula. Iniwasan niya ring mapatingin kay Mama. Nahiya pa…mag-asawa na kaya kami.
“Hindi ba kayo nilalamig?” tanong ni Mama. “Pumasok na kayo, at nang makakain na.”
Sabay kaming napakamot sa ulo. Nagkatinginan pa, pero ewan ba, para ngang hindi ako nakaramdam ng lamig ngayon, pinapainit ni Cherry ang aking buong katawan.
“Tinatayo-tayo n’yo pa r’yan? Halina kayo, at nang maituloy n’yo na iyang nasimulan ninyo…”
Hinapit ko na lang ang baywang ni Cherry, nanghina yata sa halik ko, hindi na maigalaw ang mga paa. Giniya ko siya papasok, sinundan namin si Mama na panay ang lingon sa amin hanggang makapasok kami.
Sa hapag-kainan, masaya pa rin kaming nagsalo-salo kahit walang engranding selibrasyon. Hindi na kasi kami nag-invite ng maraming bisita. Kami lang ng pamilya ko, si Paul at Rachael, na madalas na dito sa bahay.
“Thank you, Paul for today…” sabi ko sa nobyo ni Mama.
Tumigil siya sa ginagawang paglalagay ng pagkain sa pinggan ni Mama at lumingon sa akin. "You're welcome! I’m glad I could help," sagot nito na ikinangiti naman ni Mama.
Nagpasalamat din ako kay Rachael na magalang at mabait din kay Mama. Sabagay, maaga siyang naulila, kaya naghahanap ng kalinga ng isang ina.
Habang masaya kaming kumakain, masayang ng kukuwentuhan, napansin ko ang panay tingin sa amin ni Mama.
Nagkatinginan pa nga kami ni Cherry. “‘Ma, may gusto ka bang sabihin?” Hindi na ako nakatiis at nagtanong na ako. Bothered kasi ako sa mga titig niya. Kinakabahan ako. Magaling nga kasing magmatyag ‘to si Mama, baka napansin niya na may kakaiba sa amin ni Cherry. Si Dok naman kasi, hiya-hiya pa. Ayaw pa sumabay sa agos.
“Gusto ko lang sabihin na maging matatag kayo.” Seryoso ang tingin niya sa amin na nagpalipat-lipat.
Hinawakan ko ang kamay ni Cherry na hindi naman pumapalag. Ngumiti siya kaya nginitian ko rin siya ng matamis at nilapat ang labi ko sa likod ng kamay niya. Ayon ang sinamaan ako ng tingin. Akmang hahablutin pa ang kamay, pero hindi ko hinayaan. Nilapat ko sa hita ko ang magkahawak naming kamay, habang kay Mama na ang aking tingin.
“Huwag mong hayaang masira ang pagsasama ninyo ni Cherry dahil lang sa panandaliang aliw, panandaliang sarap,” sabi pa ni Mama.
Nakamot ko na lang ang batok ko. “‘Ma, ‘ayaw ko po ng panandalian, gusto ko matagalan…mas masarap ‘yon…aray…” Impit akong napadaing. Napalingon din ako kay Cherry. Panay kurot ‘e.
“Cherry, alam mong may kapilyuhan iyang asawa mo, habaan mo ang pasensya,” sabi naman niya kay Cherry.
“Mahabang pasensya…mukhang kailangan ko nga po ‘yon ‘Ma,” sagot niya, pero nasa akin naman ang tingin. “Hindi lang kasi kapilyuhan ang mayro’n sa kanya, kamanyakan din…” pabulong niyang sinabi ang mga huling salita na saktong ako lang ang nakakarinig.
Natiim ko ang labi ko, pero panay pisil din sa kamay niya na hawak ko pa rin hanggang ngayon.
Matapos ang hapunan ay nagsama-sama naman kami sa sala, nanonood ng palabas, kaya lang antok na si Mama kaya nauna silang natulog, naiwan kami ni Cherry sa sala.
Siya tutok na tutok sa pinapanood niya, at ako, tutok na tutok sa kanya, kada ngiti niya, napapangiti rin ako. Kaya lang, ang ngiti niya, hanggang labi lang, hindi umaabot sa kanyang mga mata. Gusto ko ‘yong baguhin, gusto kong makita na nangingislap ang mga mata niya at totoong masaya siya.
“Cherry…lambing ko tawag sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya, pero binawi niya at sumulyap lang sa akin sandali. “Gabi na, matulog na tayo,” yaya ko, pero umiling siya.
“Pumunta ka na sa kwarto mo, sa guestroom ako matutulog.”
“Hindi puwede. Kasal na tayo, magdududa si mama.”
Pagdating kasi namin rito ay sa guestroom muna siya natulog. Ayaw din kasi pumayag ni Mama na magsama kami sa isang kwarto na hindi pa kasal. Ngayong kasal na kami, hindi pwedeng hindi kami magsama sa isang kwarto.
“‘Wag natin sabihin…”
Naputol ang pagsasalita niya nang lumuhod ako sa harapan niya. Hinapit ko ang batok niya at sinunggaban ng halik ang kanyang labi.
“Reynan…”
“Tumahimik ka… si mama nakatingin,” sabi ko habang nakalapat ang aming mga labi. Akmang lilingon siya, pero hindi ko hinayaan, hawak-hawak ko ang batok niya, pinipigil na lumingon siya, kasi wala naman talagang nakatingin. Wala si Mama.
“Lagot ka talaga sa akin kapag, nagisinungaling ka…” Nanlaki ang mata niya, pero hindi na siya pumalag. Kaya bago pa siya makabawi, binuhat ko na siya at dali-daling naglakad papunta sa aming kwarto.
Pagkasara ng pinto, at maibaba siya, kinurot na naman ako.
“Ikaw…wala naman si Mama ‘ah!” Dinuro niya ako. “May pa agreement-agreement ka pa, hindi mo naman sinusunod.”
Ngumiti ako. “Kasama natin si Mama, kaya obligasyon mo na gampanan ang papel bilang asawa. Hindi tayo pwedeng mabuko,” sabi ko na sumabay sa katok sa pinto. Nagkatinginan pa kami, kinabahan na naman ako, baka narinig ni Mama ‘yong sinabi ko.
Niyakap ko sa Cherry mula sa likod, saka ko binuksan ang pinto. “‘Ma,” sabay naming sabi.
“Sorry sa isturbo, gusto ko lang ibigay ‘to…” sabi niya, at inabot sa amin ang gatas.
Tinanggap naman namin iyon. Matapos naming magpasalamat agad na rin kaming iniwan ni Mama.
“Ito ang sinasabi ko, hindi tayo pwedeng kumilos na parang nag-aalangan at nagkakahiyaan,” sabi ko.
Hindi siya sumagot, ininum niya ang gatas. Nilapag ko lang ang akin sa bedside table at humiga na. Hindi naman kasi ako mahilig sa gatas, ewan kay Mama, at binigyan din ako.
Nilagay na rin ni Cherry ang basong wala nang laman sa bedside table, pero pansin kong may kakaiba sa kanya.
Panay ang haplos niya sa kanyang batok. Namumula rin ang pisngi niya. Napaupo ako sa kama. Napatitig sa kanya. “Ayos ka lang?” tanong ko.
Umiling-iling siya. “Reynan, ang init…” Hinihingal niyang sabi. Namumula na rin ang kanyang balat.
Napatingin ako sa gatas, at napangiti na lang. Hindi ako makapaniwala na makakaisip si Mama ng ganitong ideya.
Napalingon uli ako kay Cherry, isa-isa na niyang hinuhubad ang patong-patong niyang damit.
“Reynan…” Namumungay na ang kanyang mga mata at kagat ang ibabang labi.
Napalunok ako. Very tempting ang mga galaw niya. Ang klase ng tingin niya na parang nagmamakaawa na hawakan ko siya. Pigil hininga ko siyang pinanood, hindi ko na inum ang gatas ko, pero parang nakainum din ako. Nag-iinit na rin kasi ang aking katawan dahil sa nakikita na ang magandang hubog ng katawan ni Cherry. Ang manipis na damit na lang kasi ang naiwan sa kanyang katawan.
Pero hindi ako kumilos, hinihintay ko lang na siya ang lumapit. Ayaw kong sabihin niya na sinasamantala ko na naman siya.
“Reynan…help me,” pinahangin niyang sabi. Tumabi siya sa akin at humawak sa dibdib ko. Pinipigil ko pa rin ang aking sarili, kaya lang, unti-unting gumapang ang kanyang kamay papunta sa aking batok na lalong bumuhay sa pagnanasa ko.
Hinawakan ko ang kamay niya. “Sigurado ka ba, Dok?” tanong ko. “Hindi ka mag-sisisi?”
Hindi siya sumagot. Sa halip, nilapat niya ang kanyang labi sa akin, at walang patumpik-tumpik na pumatong sa akin.