Kabanata 17

1077 Words
"Oh, Cherry..." Umawang ang aking labi nang dumampi ang mainit niyang balat sa akin. Lalo pang nabuhay ang aking pagnanasa at parang hindi ko na kayang magpigil pa. Naakit ako sa titig niya, sa mga haplos niya sa aking dibdib, at pagdampi ng gitna niya sa akin. Inangat niya ang aking t-shirt, habang kagat-kagat ang kanyang labi. Tinulungan ko siya, nagmamadali ang aming mga kilos na parang inu-orasan kami. "Reynan..." Namamaos ang boses niya, mahina, at pinahangin na parang inaakit lalo ako. Hindi ako makasagot, tumitig lang ako sa kanya, at hinapit ang batok niya. Siniil ko siya ng halik, na tinutugunan naman niya abot ng kanyang makakaya. Saglit kong inilayo ang aking labi, tinitigan ko siya. Hindi na siya nagsasalita, pero ang mga mata niya ay namumungay na tumititig rin sa akin. Muli kong hinapit ang batok niya, at inangkin ang labi niya. Sa puntong ‘to hindi na ako nagpipigil. Nilasap ko ang kanyang labi, madiin, at mapusok na pilit pa rin niyang tinutugon. Gumala na rin ang kamay niya sa likod ko, habang ang akin ay hawak ang laylayan ng damit niya. Dahan-dahan ko itong inangat sabay hagod sa kanyang makinis na mga hita, paangat sa baywang, hanggang sa tuluyan kong itong mahubad. Umawang na naman ang aking labi nang lumantad sa harap ko ang kanyang tinatagong alindog. Kusang gumapang ang mga kamay ko sa dalawang malaking umbok sa kanyang dibdib at nilamas iyon, marahang pinisil-pisil, at minasahe. Napapatingala siya, napaungol, at ang kamay niya na kanina ay humahaplos sa buong likod ko ngayon ay haplos na ang aking batok, at marahang sinasabunutan ang aking buhok na lalong nagpapaigting sa aking nararamdaman. Sandali kong pinasadahan ng halik ang kanyang leeg, napaliyad siya na nagpa-angat sa aking ulo at tiningala siya. Pikit ang kanyang mga mata, awang ang bibig, at paminsan-minsang kinakagat ang ibabang labi. Inilapit ko ang aking mukha sa kanyang dibdib, at walang sabi-sabing pinasadahan ng halik ang kanyang s**o. Napasinghap siya, at muling napaliyad nang isubo ko ang isa, habang nilalamas naman ang isa. Salitan kong nilalasahan ang kanyang s**o na lalong niyang ikinaliyad. Napatingala pa ako, pinagmamasdan ang mukha niya, pero hindi tumitigil sa aking ginagawa. Wala kasi akong nakikitang alinlangan sa kanya. Maging siya ay hindi rin nagpipigil, kaya lalo akong naging agrisibo. Kung saan-saan na gumapang ang aking kamay. Iginuguhit ang bawat kurba ng kanyang katawan. Naririnig ko na rin ang mahina niyang mga ungol, mga halinghing sa kada halik kong nag-iiwan ng marka sa balat niya. Inihiga ko siya, at mabilis kong hinubad ang aking trouser. Lalo pang namumungay ang kanyang mga mata na tumitig sa akin. “Cherry…” bulong ko nang tumabi ako sa kanya. “Kilala mo ba ako?” tanong ko, kinagat-kagat ang earlobe niya, habang ang kamay ko ay tinutunton naman ang maliit na saplot na tanging naiwan sa katawan niya. Tinulungan niya akong mabilis na maalis iyon, habang kagat ang kanyang labi. “Reynan…” ungol niya na ikinangiti ako, dahan-dahang pumaibabaw sa kanya. Tuluyan na kaming nagpaanod sa init ng aming mga katawan. Pinagdaop ko ang aming mga kamay, at walang sawang pinasadahan ng halik ang kanyang katawan. At habang lumalalim ang halik ko sa kanya, kusa namang bumuka ang mga hita niya at inipit ang aking balakang, binibigyang daan ang susunod kong gagawin. Tuluyan na kaming nahigop sa mundo na kami lang dalawa ang naroon. *** Alas-onse na ng umaga, at hanggang ngayon ay mahimbing pa ring natutulog ang aking asawa na hindi ko alam kung matatandaan ba ang ginawa namin kagabi. Pangiti-ngiti ako habang nakatingin sa kanya, gusto ko na naman siyang halikan, nagpipigil lang ako at baka masampal ako ng wala sa oras. Kaya lang, biglang tumunog ang kanyang cellphone. Papatayin ko sana, pero huli na. Nagising na siya at biglang umupo nang makita nitong hawak ko ang cellphone niya. Tipid akong ngumiti, inangat ang kanyang cellphone. “I-off ko sana,” sabi ko, pero wala sa mukha niya ang tingin ko, nasa dibdib niyang lumantad sa harap ko. Napalunok tuloy ako, naalala ang ginawa ko kagabi, at gusto ko na namang maulit ngayon. “Bastos!” sabi niya nang mapansin kung saan ako nakatingin. Tinakpan niya agad ng kumot. “Tingin lang, bastos na…pero kagabi…” “Tumahimik ka!” Tinakpan niya ang bibig ko, nabitiwan ang kumot, at sumagi ang kanyang dibdib sa aking braso. Agad naman siyang bumitiw, pero hinapit ko siya palapit sa akin. “Ngayon ka pa nahiya, na breach mo na ang agreement.” Inihiga ko siya, kinulong siya sa mga bisig ko, at inilapit ang aking mukha sa kanya. “Wala naman sa plano ‘yon…si Mama…” Iniwas niya ang kanyang mukha na pinihit ko naman paharap sa akin. Pahapyaw akong tumawa. “Hindi mo ba naisip kung ano ang dahilan ni Mama at ginawa niya ang bagay na ‘yon?” Natahimik siya, pero iniharang naman ang mga palad sa pagitan namin. “Baka napansin ni Mama na distance ka sa akin. Baka nga nabuking na tayo kaya pinarusahan tayo.” Itiniim niya ang kanyang labi. Muling iniwas ang mukha. “Lumayo ka nga muna…bitiwan mo ako.” Mahina niya akong itinulak. “Ayoko ngang bitiwan ka…ngayon pa ba ako magpipigil, ‘e natikman na kita…” sabi ko at agad inangkin ang labi niya. “Reynan…” reklamo niya, pilit pa na iniiwas ang kanyang labi, pero kalaunan ay tinutugon na ang aking halik na ikinangiti ko. Marahan kong inilapat ang aking palad sa kanyang pisngi at mas pinalalim ang aming halik. Unti-unti na rin akong pumaibabaw sa kanya. Kaya lang tumunog na naman ang kanyang cellphone. “Reynan..teka lang,” sabi niya sa pagitan ng aming halik, at tinulak niya ako. Kapwa kami hingal nang maghiwalay ang aming mga labi. Dismaya naman akong humiga, pero ni minsan ay hindi ko siya tinantanan ng tingin. Nadidismaya ako pero napapangiti rin dahil kitang-kita ko ang pamumula ng kanyang pisngi, medyo natataranta pang umupo, dinampot ang kanyang cellphone, at tiningnan kung sino ang tumawag. “Cherry, anong problema?” Napabangon ako. Kinabahan dahil sa maluha-luha niyang mga mata habang tumititig lang sa screen ng kanyang cellphone. “Anong problema?” Hinaplos ko ang likod niya, malungkot na tingin naman ang sagot niya sa akin. Kukunin ko na sana sa kamay niya ang cellphone, pero sakto namang tumunog ulit ‘yon. Dahan-dahan niyang pinindot ang answer. "Hello?" sagot niya na ikina-alarma ko, sunod-sunod kasi na pumatak ang kanyang mga luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD